16/08/2026
๐๐๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ค๐๐ฒ๐๐ฆ๐๐ง
"Binabati ka namin! Maaari kang manalo ng โฑ100,000!โ Nilagpasan ko lamang ito at nag i-scroll muli. Makalipas ang ilang minuto, ayun na naman. Isang makulay na patalastas ng sugal, nangangako ng bonus, malalaking panalo, at swerte na tila isang pindot lamang ang layo. Muli ko itong nilagpasan. Mayamaya, may isa na naman. Doon na ako napaisip, nag-i-scroll ba talaga ako sa social media, o naglalakad sa isang kasino na nakatago lamang sa likod ng screen?
Nakakatakot kung iisipin dahil hindi na kailangang magmukhang isang sugal ang mga sugalan. Binalot na ito ng mga makukulay na disenyo, nakakaengganyong musika, mga sikat na personalidad, at mga pangakong magkakaroon ng malalaking posibilidad sa pagkapanalo. Hindi nito sinasabing, โMag ingat ka sapagkat may tyansang matalo kaโ Sa halip, mas madalas nitong ibinubulong ang mga katagang โPaano kung manalo ka?โ
Dati, kapag sinasabi ang salitang โsugal,โ ang pumapasok sa aking isipan ay mga kasinong kailangan pang puntahan. Ngayon, hindi na kailangang lumabas ng bahay. Nasa cellphone na. Nasa social media. Nasa mga website at billboard. Maging sa ilang palabas at online content nakasingit na rin ang mga patalastas na ito. Mas malapit, mas madaling makita, at mas madaling subukan.
Iyon ang dapat nating ikatakot, sapagkat ang patalastas ng sugal ay tila umeengganyo sa ating isugal rin ang ating kinabukasan. Ipinapakita dito ang malalaking panalo, ngunit hindi ang malaking posibilidad ng pagkatalo. Ipinapakita ang perang maaaring makuha, ngunit hindi ang perang maaaring mawala. Ipinapakita ang saya ng sandaling panalo, ngunit hindi ang lungkot sa mga problemang idinulot ng pagkatalo.
Paulit-ulit nating nakikita ang panalo at maaaring makalimutan nating may talo. Kaya mahalaga ang mga hakbang laban sa patuloy na paglaganap ng mga patalastas sa sugal. Ang Senate Bill No. 2347 na inihain ni Senador Francis โChizโ Escudero ay naglalayong higpitan ang mga patalastas sa sugal. Sa Cebu, itinulak nina Konsehal Joel Garganera at ng City Legal Office ang mas mahigpit na pagkilos laban sa mga patalastas sa sugal, kabilang ang mga nakikita sa lansangan, online spaces, at mga sponsorship sa kaganapan.
May mga nagsasabing negosyo lamang ito, na nasa tao pa rin ang desisyon kung tataya sila o hindi. Totoo naman, may pananagutan ang bawat isa, subalit kung ang pagsusugal ay patuloy na ginagawang tila normal sa harap ng publiko, hindi baโt may pananagutan rin ang impluwensiyang inilalagay sa harap ng mga tao araw-araw? Hindi lang pera ang mawawala sa pagsusugal, nakataya rin ang ating seguridad at pang araw-araw na pangangailangan. Ang perang itinaya sana ay ipinagbili na lamang ng pagkain, at ipinangtustos sa sariling pangangailangan o sa pamilya. Hindi natin kailangang hintayin na maging adiksyon nina Tatay, Nanay, Ate, at Kuya ang pagsusugal bago natin ito seryosohin.
Hindi masama ang mangarap ng mas magandang buhay. Ang mali ay ang patuloy na pagpapaniwala sa atin na sa isang pindot, isang taya, at isang swerte ay makakamtan na ito. Hindi natin napapansin na unti-unti na nating isinusugal ang kinabukasang tiyak na darating para sa isang panalong maaaring hindi dumating. Panahon na upang ating buksan ang ating mga mata at huwag hayaang may mauto sa ilusyon ng mabilis na pagkayaman.
Manunulat: Anika Mae Gempisao
Tagawasto: Marc Ian Rubante
Tagadibuho: Daniel Alexander Mitchell, Lance Philip Aunzo