Filipino 10- Barotac Nuevo NCHS

Filipino 10- Barotac Nuevo NCHS Mga aralin at proyektong pang-akademiko sa Filipino 10 ng BNNCHS.

11/10/2023
Handa na ba kayo para sa muling pagbabalik eskwela?Tayo'y matulog nang maaga at gumising nang masigla. Magkita tayo buka...
30/08/2023

Handa na ba kayo para sa muling pagbabalik eskwela?

Tayo'y matulog nang maaga at gumising nang masigla. Magkita tayo bukas mga minamahal naming mag-aaral!🤗

19/08/2023
12/08/2023
12/08/2023

KWF, Puspusan ang paghahanda sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023!

Puspusan ang paghahanda ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023 na may temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.”

Tampok din sa selebrasyon ang lingguhang tema na Pagkilala at Pagtaguyod sa Filipino Sign Language (FSL) bilang Pambansang Wikang Senyas ng Pilipinas (1–5 Agosto); Mga Wikang Katutubo: Midyum ng Pagtuturo, Pananaliksik, at Pagkakaisa (7–12 Agosto); Mga Wikang Katutubo: Kasangkapan ng Siyensiya at Teknolohiya tungo sa Maunlad na Bansang Pilipinas (14–19 Agosto); Mga Wikang Katutubo: Pambansang Pag-uswag at Pakikipagkapuwa sa Pagpapaunlad ng Katarungang Panlipunan (21–26 Agosto); at Wikang Filipino: Wikang Mapagbangon (21–26 Agosto).

Ang mga layunin ng pagdiriwang ay ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041; maiangat ang kamalayan ng mga mámamayáng Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nitó; mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampámahalaán at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nitó na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko; maganyak ang mga mámamayáng Pilipino na pahalagahan ang mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa; at maipakilala sa mga mámamayáng Pilipino ang KWF bílang ahensiya ng pámahalaán na nangangalaga sa mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga programang pangwika nitó.

Itatampok ng KWF ang iba’t ibang gawaing pangwika sa buwan ng Agosto kabilang ang serye ng webinar, tertulyang pangwika mula sa iba’t ibang unibersidad sa buong bansa, mga timpalak, paglulunsad ng mga aklat, at Araw ng Parangal.

Maglalabas ang KWF ng mga patalastas sa opisyal na FB page ng ahensiya hinggil sa iba’t ibang gawaing pangwika na puwedeng daluhan at makibahagi ang bawat Pilipino.

Maaaring i-download ang soft copy ng poster sa https://kwf.gov.ph/kwf-puspusan-ang-paghahanda-sa-pagdiriwang-ng-buwan-ng-wika-2023/

Para sa iba pang detalye at impormasyon hinggil sa selebrasyon ay maaaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN) sa pamamagitan ng email sa [email protected].

# # #

Nakikiisa ang Barotac Nuevo National Comprehensive High School sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023 na may te...
12/08/2023

Nakikiisa ang Barotac Nuevo National Comprehensive High School sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023 na may temang: “Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”.

Wikang Filipino: mahalin, gamitin, at pagyabungin!

28/06/2023

Patuloy táyong magpakahusay at kilalanin pa ang ating bayan.

Address

J.T. Bretaña St.
Barotac Nuevo
5007

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Filipino 10- Barotac Nuevo NCHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category