BNCHS Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino

BNCHS Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino SAMAHAN NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO

Isang mainit at taos-pusong pagbati mula sa Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino sa ating mga natatanging nagsipagtapos ...
30/03/2026

Isang mainit at taos-pusong pagbati mula sa Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino sa ating mga natatanging nagsipagtapos sa Pambansang Mataas na Paaralang Komprehensibo ng Barcelona!

​Ipinagmamalaki namin sina:
— Jayne Threxie S. Deocareza (Tagapangulo)
— Kyle Gabriel C. Floralde (Kinatawan ng Baitang 12)

Hindi lamang kayo naging haligi at gabay ng SAMAFIL, kundi nagningning rin sa iba't ibang larangan.Mula sa akademiko, sining, agham, hanggang sa kahusayan sa pampublikong pagsasalita. Ang inyong tagumpay ay patunay na walang hanggan ang galing at husay ng mag-aaral ng BNCHS.

Sulong, mga iskolar! Dalhin ninyo ang dangal ng SAMAFIL at ng ating paaralan sa inyong susunod na yugto sa buhay.🎓

Isang maligayang kaarawan sa aming Pangalawang Pangulo ng SAMAFIL, Mcky! 🎉Maraming salamat sa iyong matatag na liderato,...
01/12/2025

Isang maligayang kaarawan sa aming Pangalawang Pangulo ng SAMAFIL, Mcky! 🎉

Maraming salamat sa iyong matatag na liderato, dedikasyon, at patuloy na paglilingkod sa ating organisasyon. Nawa’y pagpalain ka sa iyong kaarawan at sa lahat ng iyong mithiin. 🎂

Mula sa BNCHS SaMaFil,
Maligayang birthday sa'yo! ❤️

Hindi namin palalampasin ang araw na ito nang hindi binabati ang aming nag-iisang ingat-yaman ng SAMAFIL, Jamaica Escand...
28/11/2025

Hindi namin palalampasin ang araw na ito nang hindi binabati ang aming nag-iisang ingat-yaman ng SAMAFIL, Jamaica Escandor.

Nawa’y lalo ka pang pagpalain, manatiling inspirasyon sa ating organisasyon, at patuloy na maging mahusay na katuwang sa paglilingkod sa SAMAFIL. 💙🌟

Mula sa BNCHS SaMaFil
Maligayang kaarawan, Jamaica! 🎂✨

🎓 Isang maringal na pagbati sa A1 Youth mula sa Barcelona! 🌟Ipinapaabot ang taus-pusong paghanga sa mga dating at kasalu...
28/10/2025

🎓 Isang maringal na pagbati sa A1 Youth mula sa Barcelona! 🌟

Ipinapaabot ang taus-pusong paghanga sa mga dating at kasalukuyang mag-aaral ng Pambansang Mataas na Paaralang Komprehensibo ng Barcelona na nagsilbing mga kinatawan ng bayan ng Barcelona sa A1 Youth.

Ang inyong kahusayan, dedikasyon, at malasakit sa kapwa ay tunay na sumasalamin sa diwa ng isang tunay na Barcelonanon—may puso sa paglilingkod at inspirasyon sa kabataan ng Sorsogon. 💙🧡

Mula sa BNCHS, saludo kami sa inyong tagumpay! 🙌

🎉 Pagbati sa Aming Kalihim ng SamaFil, Mischa! 🇵🇭Isang mainit na pagbati sa aming masipag at dedikadong Kalihim ng SamaF...
27/10/2025

🎉 Pagbati sa Aming Kalihim ng SamaFil, Mischa! 🇵🇭

Isang mainit na pagbati sa aming masipag at dedikadong Kalihim ng SamaFil, Mischa Gail Formento! 💐
Maraming salamat sa iyong malasakit, sipag, at pagiging inspirasyon sa bawat miyembro ng organisasyon. 💖
Nawa’y magpatuloy kang maging huwaran sa paglilingkod at pagmamahal sa wikang Filipino. ✨

Mula sa BNCHS SamaFil —
🎂 Maligayang Kaarawan, Mischa! 🎈

✨ Nais naming batiin ng isang masaya at makabuluhang kaarawan si Lea, ang masipag at masigasig na Tagapagbalita ng SAMAF...
20/09/2025

✨ Nais naming batiin ng isang masaya at makabuluhang kaarawan si Lea, ang masipag at masigasig na Tagapagbalita ng SAMAFIL! 🎉🎂✨

Bilang isang estudyante at kasapi ng ating samahan, ipinapakita mo hindi lamang ang talino at kakayahan sa pagbabahagi ng balita, kundi pati na rin ang malasakit at dedikasyon para sa kapwa. 🙌

Nawa’y patuloy kang maging inspirasyon sa iyong mga kamag-aral at sa lahat ng nakakasama mo sa iba’t ibang gawain. Sa iyong espesyal na araw, dalangin namin ang masaganang biyaya, mabuting kalusugan, at katuparan ng lahat ng iyong mga pangarap. 🌸🙏

💐 Mula sa buong BNCHS SAMAFIL — Maligayang Kaarawan, Lea! 🥳🎊

27/08/2025

PATIMPALAK: Harana ng Lahi
ARAW AT ORAS: Ika-29 ng Agosto, 2025 (8:00 AM)
LUGAR NA PAGDARAUSAN: Bulwagan ng BNCHS
MGA KALAHOK: Mga mag-aaral ng BNCHS mula baitang 7 hanggang 12.

❗KATEGORYA:
1. Isahang Pag-awit (Vocal Solo)
2. Duet (Dalawang Kalahok sa Isang Awitin)

❗PANGKALAHATAN ALITUNTUNIN:

1. Bukas ang patimpalak sa lahat ng mag-aaral ng BNCHS mula baitang 7 hanggang 12.

2. Ang bawat kalahok ay maaaring sumali sa isang kategorya lamang (solo o duet).

3. Ang awitin ay dapat orihinal na likhang Pilipino (OPM) at nasa wikang Filipino.

4. Ang temang dapat bigyang-diin sa awitin ay alinman sa sumusunod:

✅Pagmamahal sa bayan
✅Kultura, wika, at kasaysayan
✅Pagkakakilanlan bilang Pilipino
✅Pagtutulungan at pagkakaisa
✅Napapanahong Isyung Panlipunan

5. Ang bawat pagtatanghal ay hindi dapat lumampas sa limang (5) minuto.

6. Maaaring gumamit ng minus one (instrumental) o live accompaniment.

7. Ang mga kalahok ay kailangang magparehistro hanggang Agosto 28, 2025, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.

✅Kasama ang:
⚫Buong pangalan ng kalahok/mga kalahok
⚫Baitang at Seksyon
⚫Pamagat at orihinal na artist ng awitin
⚫Kopya ng minus one (MP3 file)

8. Inaasahang nakasuot ng kasuotang Pilipino o anumang makabayang kasuotan ang mga kalahok.

9. Ang kilos, galaw, at pananalita ng mga kalahok ay dapat maging angkop sa okasyon.

10. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring iapela.

PAALALA❗Ngayong araw ang itinakdang deadline ng pagpasa ng mga kalahok para sa Laro ng Lahi na gaganapin sa Agosto 16, 2...
11/08/2025

PAALALA❗

Ngayong araw ang itinakdang deadline ng pagpasa ng mga kalahok para sa Laro ng Lahi na gaganapin sa Agosto 16, 2025.
Mangyaring isumite ang inyong papel sa kinatawan ng bawat baitang ng SAMAFIL.
Siguraduhing sundin ang itinakdang pormat.

📌 Tanging hanggang alas-5:00 ng hapon lamang ang pagtanggap ng submissions.

Mga Kinatawan sa Bawat Baitang:

Baitang 7: Niño H. Evasco
Baitang 8: Nicole Aranda
Baitang 9: Seana Jim L. Entac
Baitang 10: Cyra H. Bañares
Baitang 11: Dafne Coleen Florano
Baitang 12: Kyle Gabriel C. Floralde

Maraming salamat!

❗❗❗
10/08/2025

❗❗❗

📢 PAALALA SA MGA LALAHOKMay kaunting pagbabago sa mekaniks ng Katutubong Sayaw (naka-highlight ang mga nabagong mekaniks...
09/08/2025

📢 PAALALA SA MGA LALAHOK

May kaunting pagbabago sa mekaniks ng Katutubong Sayaw (naka-highlight ang mga nabagong mekaniks). 🧠

📌 Paalala: Basahing mabuti ang updated na mekaniks na nakasaad sa caption ng poster bago sumali.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025. 🇵🇭

🖼️: Jayne Deocareza-Tagapangulo, Mcky Sarmiento-Pangalawang Pangulo, Mischa Gail Formento at Aegia Marie Floralde-Lakambini

Address

Poblacion Norte
Barcelona
4712

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BNCHS Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category