21/11/2025
๐ ๐๐ง๐๐ถ๐๐ถ๐ป๐ถ๐ธ ๐ป๐ฎ ๐ฅ๐๐ฟ๐ฎ๐น๐ถ๐ฎ๐ป๐
๐ฆ๐ง๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฆ ๐ฅ๐๐๐ฆ, ๐ฅ๐จ๐ ๐๐ง๐ฆ๐๐๐ ๐ฆ๐ 2025 ๐๐๐ฉ๐๐ฆ๐๐ข๐ก ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ฅ
Hindi nagpahuli ang mga mag-aaral ng STEM ng Baras RDHS matapos makapag-uwi ng sertipiko at puwesto sa 2025 Division Math Fair na ginanap nitong Nobyembre 21 sa Virac Pilot Elementary School.
Pinakamatingkad ang porma ng ๐ ๐ฎ๐๐ต ๐ฃ๐๐๐๐น๐ฒ ๐ง๐ฒ๐ฎ๐บ na bumuo ng ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ถ๐๐ฒ, na sina Ronan Sean Credo, Colin Jon Abichuela, Andrea Joyce Taniegra, Stephanie Terrobias, Jannah Carranza, Jamyca Azhea Magno at Demitri Tresvalles, nang masikwat nila ang 3๐ฟ๐ฑ ๐ฃ๐น๐ฎ๐ฐ๐ฒ. Ilang araw na preparasyon ang pinuhunan ng grupo, katuwang ang tagasanay nilang si Gng. Myda Tubice.
Hindi rin nagpahuli ang dalawang pangkat mula sa STEM matapos sumalo ng 4๐๐ต ๐ฃ๐น๐ฎ๐ฐ๐ฒ sa ๐ ๐ฎ๐๐ต ๐๐ฎ๐บ๐ฒ na UNIquest at ๐ ๐ฎ๐๐ต ๐๐ฒ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ na FracStep.
Sa Math Game, binuo ito at ipinresenta nina Myla G. Abad, Lester Tayam, Edrian Oliman, Janna Juanillo, Juliana Abejero, at Ivy Grace Chavez, sa gabay ni Gng. Maribel Manibale.
Para naman sa Math Device, pinangunahan nina Eje Boy Seno, Princess Shaine Tesorero, Shanna Abaya, Armen Torrente, John Rodel Santillan, at Rhean Lee Valenzuela ang pagbuo sa kanilang awtput, kasama ang coach na si G. Alfred Tresvalles.
Sa Quiz Bee, tumapos din sa 7๐๐ต ๐ฃ๐น๐ฎ๐ฐ๐ฒ si ๐๐ฒ๐๐ฐ๐ฎ ๐๐ฎ๐ท๐ฎ๐ฟ๐ผ para sa Grade 12 na kategorya.
Panibagong panalo na naman para sa Mathitinik na Ruralians. Pagbati sa lahat!
Panulat: Gerry Kaye Carranza
Mga Larawan: Zoren Anonuevo
Lapat at Disenyo: Eje Boy Seno