03/10/2026
YES-O CLUB PROJECTS UPDATE
Ngayong araw, ating kinikilala at binibigyang-parangal ang mga mag-aaral, seksyon, at baitang na nagpakita ng sipag, pagkakaisa, at malasakit sa ating kapaligiran, lalo na sa ating paaralan.
Ang bawat bote at papel na nakolekta, bawat silid-aralan na nilinis, at bawat munting hakbang para sa kalikasan ay may malaking ambag sa pagbuo ng isang malinis, maayos, at luntiang paaralan.
Congratulations sa lahat ng ating mga nagwagi! Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang patuloy nating panatilihing malinis at maayos ang ating kapaligiran at maging responsable sa pangangalaga ng kalikasan.
Sama-sama tayong magkaroon ng malasakit sa ating kapaligiran, dahil ang pagbabago ay nagsisimula sa bawat isa sa atin.
WINNERS FOR THE MONTHS OF AUGUST AND SEPTEMBER
โป๏ธ PROJECT P.L.A.S.T.I.C.
Promoting Local Action for Sustainable Transformation Inclusive Collection
๐
Most Collected Plastic Bottles
๐ฅ Grade 10
๐ PROJECT S.C.R.A.P.
School Community Recycling and Paper Sustainability
๐
Most Collected Papers
๐ฅ Grade 10
๐งน PROJECT C.L.E.A.N.
Creating a Learning Environment through Excellence, Awareness, and Neatness
๐ Cleanest Classroom
๐ฅ Grade 7 โ Mercury
๐ฅ Grade 8 โ Matikas
๐ฅ Grade 9 โ Bonifacio
๐ฅ Grade 10 โ Sapphire
๐ฅ Grade 11 โ STEM 11-B
๐ฅ Grade 12 โ GAS-A
๐จโ๐ฉโ๐ง MOST ACTIVE AND SUPPORTIVE PARENTS FOR YES-O CLUB PROJECTS
๐
Jacque B. Luchavez
๐
Jenifer N. Cerilo
OUR ENVIRONMENTAL IMPACT
Sa mga buwan ng Agosto at Setyembre, nakapangalap tayo ng kabuuang 21.6 kg ng plastic bottles. Sa pamamagitan ng ating sama-samang pagsisikap, nakatulong tayo upang maiwasan ang mga plastik na ito na mapunta sa ating mga ilog, dagat, at iba pang anyong tubig.
Nakakolekta rin tayo ng kabuuang 10 kg ng papel, na nakatulong upang mabawasan ang mga basurang maaaring mapunta sa landfill at sa halip ay ma-recycle at mapakinabangan muli.
Maraming salamat po sa lahat ng mga magulang, g**o, mag-aaral, at buong miyembro ng Claro M. Recto High School sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa sa mga proyekto ng YES-O Club.
Tandaan natin: Bawat bote, bawat papel, at bawat munting hakbang ay may malaking ambag para sa ating kalikasan.
Sama-sama nating pangalagaan ang kalikasan.
Sama-sama nating gawing mas malinis at mas luntian ang ating paaralan! ๐