19/08/2026
Patuloy ang Pagkatuto, Saanman Naroroon
Bilang pagtugon sa Public Advisory ng Munisipalidad, isinagawa ng Bantay National High School ang mga angkop na Alternative Learning Modes upang matiyak na magpapatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral sa kabila ng pansamantalang pagbabago sa regular na pagpasok sa paaralan.
Sa pamamagitan ng group chats, naipamahagi ng mga g**o ang mga learning module at iba pang kinakailangang gawain sa kanilang mga mag-aaral. Samantala, patuloy ding minomonitor ang kanilang pagkatuto at pagsasagawa ng mga aktibidad sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga litrato ng kanilang mga gawain. Isinagawa rin ang online classes upang mapanatili ang ugnayan ng mga g**o at mag-aaral at mabigyan sila ng gabay sa kanilang mga aralin.
Sa Bantay National High School, wala man sa loob ng paaralan, hindi kailanman napuputol ang pagkatuto. Patuloy na umaagapay ang mga g**o, patuloy na nagsisikap ang mga mag-aaral, at patuloy na umaandar ang edukasyon. ๐๐ป