04/10/2026
SA LIKOD NG BAWAT TAGUMPAY, MAY GURONG HINDI SUMUKO
Sa bawat aral na ibinabahagi, payong ibinibigay, at pagsubok na sabay-sabay nating hinaharap, may g**ong patuloy na naninindigan at naniniwala sa kanyang mga mag-aaral.
Ngayong Teacher’s Day, buong-pusong binabati ng Ang Pintig si Sir Reniel D. Robledo isang g**o, tagapayo, at katuwang ng mga Felimonians, lalo na sa larangan ng campus journalism.
Sa dami ng gawain, pressure, at mga hamon, hindi naging madali ang bawat hakbang. Ngunit sa pamamagitan ng iyong paggabay, suporta, at pagtitiwala sa amin, natutunan naming hindi lamang magsulat, magdisenyo, at makipagsabayan, kundi maging mas determinado, responsable, at matatag sa bawat pagsubok.
Maraming salamat, Sir Reniel, sa walang-sawang paggabay at sa patuloy na paniniwala sa aming kakayahan. Hindi man namin ito palaging nasasabi, sobra naming naa-appreciate ang lahat ng ginagawa mo para sa amin. At kung minsan man ay “deadline na, pero may dagdag pa,” alam naming bahagi rin iyon ng paghubog sa amin upang maging mas mahusay at handa sa larangan ng pamamahayag.
Sa likod ng bawat output na natatapos, bawat pagsubok na nalalampasan, at bawat tagumpay na aming naaabot, may g**ong hindi napagod gumabay at hindi sumuko sa amin.
Muli, Happy Teacher’s Day, Sir Reniel!
Mula sa inyong Ang Pintig family, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat. Salamat sa oras, tiyaga, pang-unawa, at higit sa lahat, sa paniniwalang kaya namin.
Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa bawat kabataang inyong hinuhubog. Dahil ang isang g**ong tunay na naniniwala sa kanyang mga mag-aaral ay hindi lamang nagtuturo, kundi nag-iiwan siya ng markang dadalhin ng kanyang mga estudyante habang buhay.