13/09/2022
Babae ako! Napakaraming taon na ang nagdaan. Tulad ng kalalakihan ay marami na ding mga laban na napagtagumpayan at mga bagay na napatunayan ang mga kababaihan. May mga pagkakataon mang nakararanas pa rin ng diskriminasyon ngunit ang pag- unlad at pagkatuto ng kababaihan sa maraming aspeto ay hindi matatawaran. Ito ay patunay lamang na ang mga kababaihan ay hindi babae lamang.
Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sangay ng Bansud Oriental Mindoro, sa pakikipagtulungan ng Research Management Office, ay mag-oorganisa ng libreng Research Webinar sa Setyembre 15, 8:00 am - 5:00 pm na may temang, "BABAE AKO!" An Introduction to Feminist Research.
Maging bahagi ng aming pang-edukasyon na webinar patungkol sa kababaihan na magbibigay inspirasyon sa mga propesyonal sa hinaharap na maging bukas ang kaisipan sa pananaliksik.
Markahan ang iyong mga kalendaryo at abangan kami nang live sa Setyembre 15, 2021 (Hwebes) nang 8:00am sa pamamagitan ng Zoom. Maaari ka ring sumali sa amin sa pamamagitan ng Facebook Live.
Kung nais mong lumahok at matuto mula sa aming mga eksperto sa pananaliksik, mangyaring punan ang form ng pagpaparehistro sa pamamagitan ng link na ito:
https://forms.gle/oTUgCKZL3RUhCbqo6
Zoom Meeting Id: 822 9209 0573
Passcode: PUPBB