DepEd Tayo Centro Toma ES 101234

DepEd Tayo Centro Toma ES 101234 The Official page of Centro Toma Elementary School

STUDENT-LED SCHOOL WATCHING AND HAZARD MAPPING SY 2026-2027
17/08/2026

STUDENT-LED SCHOOL WATCHING AND HAZARD MAPPING SY 2026-2027

PATULOY ANG PAGKATUTO SA KABILA NG HAMON NG PANAHONSa kabila ng mga hamon na dulot ng nagdaang bagyo at Habagat, patuloy...
10/08/2026

PATULOY ANG PAGKATUTO SA KABILA NG HAMON NG PANAHON

Sa kabila ng mga hamon na dulot ng nagdaang bagyo at Habagat, patuloy ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral sa Centro Toma Elementary School sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM).

Upang matiyak ang pagpapatuloy ng pag-aaral, nagsagawa ang ating mga masisipag at dedikadong g**o ng online monitoring sa pamamagitan ng Facebook Messenger. Dito ipinadala sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang o tagapag-alaga ang mga aralin, learning activities, worksheets, at iba pang instructional materials.

Sa pamamagitan ng regular na komunikasyon at pagsubaybay, nasubaybayan ng mga g**o ang pakikilahok ng mga mag-aaral, kanilang mga naisagawang gawain at ipinapasang output, at nakapagbigay rin ng kinakailangang gabay, tulong, at feedback habang ligtas silang nag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ang hakbang na ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon at malasakit ng ating mga g**o upang matiyak na ang pagkatuto ay naaabot ng bawat mag-aaral, anuman ang hamon o sitwasyon.

Sa aming mga minamahal na mga magulang at tagapag-alaga, taos-puso ang aming pasasalamat sa inyong pakikiisa, suporta, at paggabay sa inyong mga anak sa kanilang pagsasagawa sa mga aralin at gawain. Ang inyong pakikipagtulungan ay malaking bahagi sa tagumpay ng ating mga mag-aaral.

Sama-sama nating panatilihing buhay ang ningas ng pagkatuto—ulan man o sikat ng araw, nasa paaralan man o nasa tahanan.








📢 URGENT ANNOUNCEMENT | NOW ACCEPTING APPLICATIONS FOR ARAL PROGRAM EXTERNAL TUTORS 📚Centro Toma Elementary School is no...
22/07/2026

📢 URGENT ANNOUNCEMENT | NOW ACCEPTING APPLICATIONS FOR ARAL PROGRAM EXTERNAL TUTORS 📚
Centro Toma Elementary School is now accepting applications for ARAL Program External Tutors in accordance with DepEd Order No. 64, s. 2025.

✅ Minimum Qualifications:
• Patient with children
• Pre-service teachers
• Other qualified, experienced, competent individuals of good character
⭐ Individuals with prior training in Reading Remediation or Foundational Literacy Strategies are preferred.

📋 Submission Requirements:
Letter of Intent
Complete Credentials (CV, Transcript, Certifications, and other supporting documents)

⏰ Deadline for Submission: On or before 11:00 AM, July 24, 2026
📍 Submit your applications to the School Office.

Join us in helping learners strengthen their literacy and numeracy skills through the ARAL Program. Together, let's make a difference in every child's learning journey!

Bayanihan Para sa Malinis at Ligtas na Paaralan: Clean Up Drive Kontra Dengue, IsinagawaNgayong nagsisimula na ang tag-u...
07/07/2026

Bayanihan Para sa Malinis at Ligtas na Paaralan: Clean Up Drive Kontra Dengue, Isinagawa

Ngayong nagsisimula na ang tag-ulan, mahalaga ang sama-samang pagkilos upang mapanatiling malinis at ligtas ang ating paaralan. Kaugnay nito, taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng mga magulang na naglaan ng oras, lakas, at malasakit upang makiisa sa isinagawang Clean Up Drive.

Sa pangunguna ng ating mga PTA Officers, sa pamumuno ni Gng. Jacky Estabillo, naging matagumpay ang gawaing ito na naglalayong mapanatiling maayos ang kapaligiran ng paaralan at maiwasan ang mga posibleng pamugaran ng lamok, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan kung kailan mas tumataas ang panganib ng dengue.

Malaking tulong ang sama-samang paglilinis, pagtatanggal ng mga naipong basura, at pag-aalis ng mga lugar na maaaring pamahayan ng lamok upang mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga mag-aaral, g**o, at buong komunidad ng paaralan.

Kasabay nito, isinagawa rin ang pruning o pagpuputol ng mga sanga ng puno upang mas maging maaliwalas, maayos, at ligtas ang paligid, lalo na para sa mga batang araw-araw na pumapasok sa paaralan.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa. Nakakataba ng puso na makita ang bayanihan ng mga magulang at paaralan para sa kaligtasan, kalusugan, at kapakanan ng ating mga anak.

Mabuhay po ang ating mga magulang, PTA Officers, at lahat ng nakiisa!

Sama-sama nating panatilihing malinis, ligtas, at dengue-free ang ating paaralan.













Bawat Ngiti ay Mahalaga: SDO 1 Pangasinan Naghatid ng Dental Services sa Centro Toma ESBilang bahagi ng patuloy na adbok...
25/06/2026

Bawat Ngiti ay Mahalaga: SDO 1 Pangasinan Naghatid ng Dental Services sa Centro Toma ES

Bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya para sa kalusugan at wastong pangangalaga sa ngipin ng mga mag-aaral, nagsagawa ng Dental Service si Dr. Onrubia M. Velasco, Division Dentist ng SDO 1 Pangasinan, sa Centro Toma Elementary School.

Isinagawa ang fluoride application para sa mga mag-aaral ng Kinder at Grade 1 upang makatulong sa pagpapanatiling matibay at malusog ang kanilang mga ngipin. Samantala, sumailalim naman sa dental checkup ang mga mag-aaral ng Grade 2, Grade 3, at Grade 4 upang masuri ang kanilang oral health at mabigyan ng kaukulang payo sa wastong pangangalaga sa ngipin.

Malaki ang naging ambag ng gawaing ito sa pagpapalawak ng kamalayan ng mga bata hinggil sa kahalagahan ng oral health, na isa sa mga susi sa kanilang pangkalahatang kalusugan at pagkatuto.

Taos-pusong pasasalamat kay Dr. Velasco ng SDO 1 Pangasinan at sa kanyang kasamahang si G. Geoffrey Z. Orlino sa kanilang walang sawang suporta at dedikasyon sa pagtataguyod ng kalusugan ng ating mga mag-aaral.

Isang malusog na ngiti, daan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan!






Pag-aaruga sa Kabataan, Puhunan sa Kinabukasan: Salamat, LGU BaniLubos ang aming pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng B...
24/06/2026

Pag-aaruga sa Kabataan, Puhunan sa Kinabukasan: Salamat, LGU Bani

Lubos ang aming pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Bani, sa pangunguna nina Hon. Mayor Boying Palafox at Hon. Vice Mayor Gwen Palafox-Yamamoto, para sa matagumpay na paglulunsad ng programang BAGS and School Supplies Distribution ngayong araw, June 23, 2026, para sa lahat ng mag-aaral ng Centro Toma Elementary School, mula Kindergarten hanggang Grade 6.

Ang simpleng handog na ito ay malaking tulong sa ating mga mag-aaral at kanilang mga magulang habang naghahanda para sa panibagong taong panuruan. Higit pa sa mga bag at school supplies, ang proyekto ito ay nagbibigay ng inspirasyon, kumpiyansa, at motibasyon sa mga bata upang higit na pagbutihin ang kanilang pag-aaral at abutin ang kanilang mga pangarap.

Ang inyong patuloy na suporta sa edukasyon ay patunay ng tunay na malasakit at dedikasyon sa kapakanan ng kabataang Bani. Dahil sa mga programang tulad nito, mas nagiging magaan at makabuluhan ang paglalakbay ng ating mga mag-aaral tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Mula sa pamunuan, mga g**o, mag-aaral, at mga magulang ng Centro Toma Elementary School, muli po kaming nagpapaabot ng aming taos-pusong pasasalamat. Nawa’y patuloy pang pagpalain ang inyong pamumuno at mga programang naglalayong mapaunlad ang edukasyon at buhay ng bawat Banian.

Maraming salamat po at mabuhay ang LGU Bani!






Buong puso pong nagpapasalamat ang pamunuan ng Centro Toma Elementary School kasama ang mga g**o, mag-aaral, at mga magu...
18/06/2026

Buong puso pong nagpapasalamat ang pamunuan ng Centro Toma Elementary School kasama ang mga g**o, mag-aaral, at mga magulang, kay Hon. Board Member Apple Bacay dahil sa pagkakaloob ng mga monoblock chairs para sa ating paaralan. Malaking tulong ang mga ito sa ating mga gawain at programa, at tiyak na makikinabang dito ang ating mga mag-aaral at buong komunidad ng paaralan.

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa ating PTA President na si Gng. Jacky B. Estabillo sa kanyang inisyatibo, sipag, at malasakit upang maihatid ang mga donasyong ito sa ating paaralan. Ang kanyang aktibong pakikibahagi at malasakit ay isang magandang halimbawa ng pagtutulungan para sa ikabubuti ng ating paaralan at mga mag-aaral.

Ang inyong kabutihang-loob at suporta ay patunay ng inyong pagmamahal sa edukasyon at sa ating komunidad. Nawa'y patuloy pa nating mapagtibay ang sama-samang pagtutulungan para sa ikauunlad ng ating paaralan at ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat po, Hon. Board Member Apple Bacay at Gng. Jacky Estabillo!



Maging Handa, Maging Ligtas: 2nd Quarter NSED sa Centro Toma Elementary School Bilang bahagi ng patuloy na pagtataguyod ...
18/06/2026

Maging Handa, Maging Ligtas: 2nd Quarter NSED sa Centro Toma Elementary School

Bilang bahagi ng patuloy na pagtataguyod ng kaligtasan at kahandaan sa paaralan, matagumpay na nakiisa ang Centro Toma Elementary School sa pagsasagawa ng 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Napapanahon ang gawaing ito lalo na’t kamakailan lamang ay nakaranas ng malakas na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao sa mismong unang araw ng pasukan. Ang pangyayaring ito ay nagsisilbing paalala sa ating lahat na mahalagang maging handa sa anumang oras, lalo na sa mga sakunang tulad ng lindol na maaaring dumating nang walang babala.

Sa ginanap na drill, ipinakita ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ang tamang pagsasagawa ng “Duck, Cover, and Hold” at ang maayos at ligtas na paglikas patungo sa mga itinakdang evacuation area. Ang kanilang aktibong pakikilahok ay patunay ng kahalagahan ng regular na pagsasanay upang masig**o ang kaligtasan ng bawat isa sa oras ng sakuna.

Patuloy na magsisikap ang Centro Toma Elementary School na palakasin ang kamalayan at kahandaan ng buong komunidad ng paaralan para sa isang mas ligtas at mas matatag na kinabukasan.

Laging tandaan: "Ang pagiging handa ngayon ay maaaring makapagliligtas ng buhay bukas".




UNANG ARAW NG INSTRUCTIONAL BLOCK 2026–2027 Isang makabuluhan at makasaysayang pagsisimula ng ating unang araw ng instru...
15/06/2026

UNANG ARAW NG INSTRUCTIONAL BLOCK 2026–2027

Isang makabuluhan at makasaysayang pagsisimula ng ating unang araw ng instructional block ang ating pinaigting sa pamamagitan ng isang taimtim na flag ceremony bilang paggalang sa ating watawat—sagisag ng kalayaan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan.

Sa pagdiriwang at paggunita ng ika-128 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan noong Hunyo 12, 2026, lalo nating pinahalagahan ang diwa ng pagiging makabayan at responsableng mamamayan. Nawa’y magsilbi itong paalala sa bawat isa na ang kalayaan ay bunga ng sakripisyo at dapat itong ingatan at ipagpatuloy sa ating araw-araw na gawain.

Matapos ang flag ceremony, sinundan ito ng masiglang calisthenics dance na nagbigay sigla at lakas sa lahat ng mag-aaral at g**o. Ang aktibidad na ito ay hindi lamang nagpapanatili ng kalusugan, kundi nagpapatibay din ng samahan at disiplina sa loob ng paaralan.

Isang bagong simula, isang panibagong pagkakataon upang matuto, humusay, at magtagumpay—na may pusong makabayan at katawan na handa sa hamon ng edukasyon!




Taos-Pusong Pasasalamat sa Barangay CouncilLubos naming ipinapaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa Barangay Counci...
15/06/2026

Taos-Pusong Pasasalamat sa Barangay Council

Lubos naming ipinapaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa Barangay Council sa pangunguna ni Punong Barangay Rex P. Dollaga sa kanilang makabuluhang hakbang para sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral.

Malaki ang naitutulong ng paglalagay ng “Slow Down” na road signage, lalo na tuwing flag ceremony at oras ng dismissal o uwian. Simple man ito, pero malinaw ang mensahe—paalalahanan ang mga motorista na maghinay-hinay at maging mas maingat habang papasok at palabas ang ating mga bata.

Ipinapakita ng hakbang na ito ang tunay na malasakit sa kapakanan ng ating paaralan at buong komunidad. Sa tulong ng ganitong mga inisyatiba, mas nagiging panatag ang loob natin na ligtas ang ating mga mag-aaral sa kanilang araw-araw na pagpasok at pag-uwi.

Maraming salamat po sa patuloy ninyong suporta at malasakit!













Address

Centro Toma
Bani
2407

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 4pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+639179129046

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Centro Toma ES 101234 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Tayo Centro Toma ES 101234:

Shortcuts

Share