25/09/2026
Clean-Up Drive, Isinagawa Buwan-Buwan sa San Simon Elementary School
Patuloy na isinasagawa sa San Simon Elementary School ang "Clean-Up Drive" tuwing huling Biyernes ng bawat buwan bilang bahagi ng sama-samang pagkilos para mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng buong paaralan.
Ang programa ay pinamumunuan ng Federated PTA President Kgd. Rhea N. Bacod, katuwang si Kgd. Rogie R. Batalla, Kagawad In-Charge in Education**, kasama ang mga magulang, g**o, learners, at iba pang stakeholders ng paaralan.
Layunin ng Clean-Up Drive na mahikayat ang buong school community na magkaroon ng malasakit at pananagutan sa kapaligiran. Kabilang sa mga gawaing isinasagawa ang paglilinis ng paligid ng paaralan, pagtatanggal ng mga kalat, pag-aayos ng mga learning spaces, at pagpapanatili ng maayos at ligtas na kapaligiran para sa mga learners.
Sa pamamagitan ng regular na gawaing ito, naipapakita ang kahalagahan ng bayanihan at pagtutulungan sa pagpapanatili ng kalinisan sa paaralan. Higit sa paglilinis, nagsisilbi rin itong pagkakataon upang mahubog sa mga learners ang disiplina, responsibilidad, at pagmamahal sa kanilang paaralan at kapaligiran.
Patuloy namang hinihikayat ng San Simon Elementary School ang lahat ng stakeholders na makiisa sa mga gawaing naglalayong magkaroon ng malinis, ligtas, maayos, at learner-friendly na paaralan.