DepEd Tayo Dacap Sur ES 101237

DepEd Tayo Dacap Sur ES 101237 Basic Education: Kindergarten, SPED, Elementary

SCHOOL ADVISORY No. 02, s. 2026PARA SA: Mga Mag-aaral, Magulang/Tagapag-alaga, at School PersonnelGALING KAY: Sa Tanggap...
17/08/2026

SCHOOL ADVISORY No. 02, s. 2026

PARA SA: Mga Mag-aaral, Magulang/Tagapag-alaga, at School Personnel

GALING KAY: Sa Tanggapan ng Punongg**o

SUBJECT: Pagpapatupad ng Work-From-Home (WFH) At HINAY Learning Continuity Arrangement Sa AGOSTO 18, 2026 dahil sa Inaasahang Patuloy na Malakas na Pag-Ulan
DATE: Agosto 17, 2026

1. Alinsunod sa Memorandum Circular No. 128 na inilabas ng Malacañang, at bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat, ipatutupad sa Agosto 18, 2026 (Martes) ang Work-from-Home (WFH) arrangement at naaangkop na alternative learning mode sa Dacap Sur Elementary School.
2. Layunin nito na mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga g**o, kawani, mag-aaral, at magulang/tagapag-alaga laban sa mga posibleng panganib dulot ng malakas na pag-ulan, pagbaha, at iba pang epekto ng masamang panahon.
3. Bilang tugon sa kasalukuyang kondisyon, HINAY (Ease-In) ang learning continuity arrangement na ipatutupad ng Dacap Sur Elementary School sa Agosto 18, 2026. Sa ilalim ng HINAY, magpapatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng naaangkop na alternative learning modes, ngunit ang mga learning activities at academic requirements ay iaangkop, pasimplehin, at bibigyang konsiderasyon ayon sa aktuwal na kalagayan ng mga mag-aaral at kanilang pamilya.
4. Ang lahat ng g**o at kawani ng paaralan ay hindi kinakailangang pumasok nang personal sa paaralan at susunod sa naaangkop na Work-from-Home (WFH) arrangement na itinakda ng pamunuan.
5. Sa pagpapatupad ng HINAY, ang mga g**o ay inaasahang magbibigay lamang ng simple, manageable, at essential learning activities. Hindi dapat dagdagan ang academic burden ng mga mag-aaral sa panahon ng masamang panahon.
6. Ang mga learning activities, instructions, at mahahalagang anunsiyo ay ipararating sa pamamagitan ng iisang opisyal na School Group Chat ng paaralan.
7. Ang mga mag-aaral na hindi makapagsagawa o makapagsumite ng learning activities dahil sa malakas na pag-ulan, pagbaha, pagkawala ng kuryente o internet connection, kakulangan ng learning resources, o hindi ligtas na kalagayan ay bibigyan ng sapat na konsiderasyon at makatuwirang palugit.
8. Hindi dapat magkaroon ng hindi nararapat na sanction o hindi makatarungang marka sa mga mag-aaral na hindi agad nakatugon sa learning activities dahil sa mga pangyayaring dulot ng kalamidad o masamang panahon.
9. Ang mga g**o ay dapat magbigay ng flexibility sa deadline, paraan ng pagsusumite, at learning activities, alinsunod sa prinsipyo ng HINAY at sa kalagayan ng mga mag-aaral.
10. Walang regular na transaksiyon sa mga opisina ng paaralan sa Agosto 18, 2026. Ang mga transaksiyon ay ipagpapatuloy sa susunod na regular na araw ng pasok o sa panibagong opisyal na abiso.
11. Hindi saklaw ng kautusang ito ang mga Security at Maintenance Personnel/Job Order (JO) Workers na kinakailangang gampanan ang kanilang mga tungkulin para sa seguridad, kalinisan, at pangangalaga ng pasilidad ng paaralan. Ang kanilang pagpasok at work arrangement ay alinsunod sa direktiba ng pamunuan at sa umiiral na kasunduan o kondisyon ng kanilang serbisyo.
12. Hinihiling sa mga magulang/tagapag-alaga na tiyaking mananatiling ligtas ang kanilang mga anak at huwag silang papuntahin sa paaralan habang suspendido ang face-to-face classes.
13. Pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag at patuloy na sumubaybay sa opisyal na anunsiyo ng paaralan at ng mga kinauukulang awtoridad hinggil sa lagay ng panahon at iba pang posibleng panganib.
14. Sa panahon ng HINAY, kaligtasan, kapakanan, at pagpapatuloy ng pagkatuto ang pangunahing konsiderasyon ng paaralan. Ang pagkatuto ay ipagpapatuloy sa paraang angkop sa kalagayan ng bawat mag-aaral at pamilya.
15. Para sa mahigpit na pagsunod at malawak na pagpapabatid.

School Status Report as of 2:14 PMAugust 17, 2026School Name: Dacap Sur Elementary SchoolSchool ID: 101237District: Bani...
17/08/2026

School Status Report as of 2:14 PM
August 17, 2026
School Name: Dacap Sur Elementary School
School ID: 101237
District: Bani
School Head: Vladimir K Arizala
SDRRM Alternate: Helbert V. Oquin
First Aid Team Leader: Frankie Z. Reyes
No damages
Not flooded
Not use as evacuation center

SCHOOL ADVISORY No. 01, s. 2026PARA SA: Mga Mag-aaral, Magulang/Tagapag-alaga, at School PersonnelGALING KAY: Sa Tanggap...
17/08/2026

SCHOOL ADVISORY No. 01, s. 2026

PARA SA: Mga Mag-aaral, Magulang/Tagapag-alaga, at School Personnel

GALING KAY: Sa Tanggapan ng Punongg**o

SUBJECT: Suspensiyon ng Klase at Trabaho sa Dacap Sur ES

DATE: Augusto 17, 2026

Kaugnay ng dalawang magkahiwalay na advisory na inilabas ng Municipality of Bani dahil sa epekto ng Southwest Monsoon (Habagat), ipinababatid ng Dacap Sur Elementary School ang sumusunod:

1. SUSPENSION OF CLASSES: Suspendido ang klase sa lahat ng antas ngayong August 17, 2026 (Monday). Alinsunod sa unang advisory, maaaring gamitin ang Alternative Learning Modality (ADM), kabilang ang modular learning, upang maipagpatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung ito ay ligtas at praktikal na maisasagawa.

2. SUSPENSION OF WORK: Sa kasunod na advisory ng Bani LGU, idineklara ang suspension of work sa lahat ng government offices, at ayon sa nasabing advisory, kasama ang mga g**o at school personnel sa work suspension. Dahil dito, ang mga g**o at school personnel ng Dacap Sur Elementary School ay hindi magsasagawa ng regular na work-related duties ngayong araw habang umiiral ang work suspension.

3. SUSPENSION OF SCHOOL OFFICE TRANSACTIONS: Dahil kasama ang school personnel sa work suspension, sarado rin ang opisina ng Dacap Sur Elementary School ngayong August 17, 2026. Dahil dito, walang regular na office transactions, requests, submission, release of documents, o iba pang school-related transactions na tatanggapin o ipoproseso ngayong araw. Ang mga nasabing transaksyon ay maaaring ipagpatuloy sa susunod na regular na araw ng pasok, o ayon sa magiging opisyal na abiso ng paaralan.

4. PARA SA MGA MAG-AARAL AT MAGULANG: Ang mga learning activities/modules at kaukulang instructions ay maaaring makuha o maipadala sa pamamagitan ng opisyal na School Group Chat ng Dacap Sur Elementary School. Ang pag-access at paggawa ng mga activities ay nakabatay sa kakayahan, kalagayan, at kaligtasan ng bawat mag-aaral at pamilya. Ang mga mag-aaral na hindi makakagawa o makapagsumite ng modular activities dahil sa: masamang panahon o kalamidad; pagbaha o hindi ligtas na kondisyon sa kanilang lugar; lokasyon o kahirapan sa pag-access sa learning materials; kawalan o limitadong access sa internet o communication facilities; kakulangan ng kinakailangang learning resources; o iba pang makatwirang dahilan na hindi kontrolado ng mag-aaral o ng kanyang pamilya, ay bibigyan ng sapat na konsiderasyon at pagkakataong makumpleto ang kanilang mga gawain sa sandaling maging normal at ligtas ang sitwasyon. Walang mag-aaral ang dapat mabigyan ng anumang hindi nararapat na sanction o hindi makatarungang marka dahil lamang sa hindi niya kayang makapagpatuloy ng modular learning dahil sa mga pangyayaring dulot ng kalamidad o iba pang kadahilanang hindi niya kontrolado.

5. MODULAR LEARNING, MONITORING AT SUBMISSION NG OUTPUTS: Dahil kasama ang mga g**o sa work suspension, walang regular na monitoring, checking, collection, o assessment ng modular outputs na isasagawa ngayong araw. Ang mga learning activities na hindi natapos o hindi nagawa ngayong araw ay maaaring ipagpatuloy at isumite sa susunod na regular na araw ng pasok, o ayon sa magiging opisyal na schedule o instruction ng paaralan.

6. MGA SUSUNOD NA ANUNSYO: Ang mga karagdagang anunsyo at instructions tungkol sa pagpapatuloy ng klase, modular learning, submission ng activities, school office transactions, at iba pang school requirements ay ipaaalam sa pamamagitan ng opisyal na School FB Page at Group Chat ng Dacap Sur Elementary School. Hinihiling namin ang pang-unawa at pakikiisa ng lahat. Sa ganitong pagkakataon, ang kaligtasan, kapakanan, at accessibility ng learning ng bawat mag-aaral ang pangunahing konsiderasyon. Manatiling ligtas at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng Dacap Sur Elementary School at Bani LGU.

7. Para sa inyong kaalaman at mahigpit na pagsunod.

FACE-TO-FACE CLASSES SUSPENSION ADVISORYMagandang araw po sa ating mga mag-aaral, magulang, at mga g**o.Kaugnay sa anuns...
17/08/2026

FACE-TO-FACE CLASSES SUSPENSION ADVISORY
Magandang araw po sa ating mga mag-aaral, magulang, at mga g**o.
Kaugnay sa anunsiyo ng LGU Bani, August 17, 2026, tungkol sa suspensyon ng face-to-face na klase at pag-shift sa Alternative Learning Modality bilang paghahanda sa masamang panahon, ipinapaalam po na ang naturang kautusan ay ipatutupad ngayong araw.
Ang mga g**o ay magbibigay ng kaukulang learning activities sa pamamagitan ng napagkasunduang alternative learning modality.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto at subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa LGU Bani, PAGASA, DepEd, at ng paaralan.
Maraming salamat po at manatiling ligtas ang lahat.

August 14, 2026Modular Class due to inclement weather
17/08/2026

August 14, 2026
Modular Class due to inclement weather

UPDATED ADVISORYMagandang araw po sa ating mga mag-aaral, magulang, at mga g**o.Kaugnay sa anunsiyo ng LGU Bani, August ...
13/08/2026

UPDATED ADVISORY

Magandang araw po sa ating mga mag-aaral, magulang, at mga g**o.

Kaugnay sa anunsiyo ng LGU Bani, August 14, 2026, tungkol sa suspensyon ng face-to-face na klase at pag-shift sa Alternative Learning Modality bilang paghahanda sa masamang panahon, ipinapaalam po na ang naturang kautusan ay ipatutupad ngayong araw.

Ang mga g**o ay magbibigay ng kaukulang learning activities sa pamamagitan ng napagkasunduang alternative learning modality.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto at subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa LGU Bani, PAGASA, DepEd, at ng paaralan.

Maraming salamat po at manatiling ligtas ang lahat.

Warmest Congratulations!!!The Dacap Sur Elementary School family warmly congratulates Mr. Vladimir K. Arizala as he begi...
13/08/2026

Warmest Congratulations!!!

The Dacap Sur Elementary School family warmly congratulates Mr. Vladimir K. Arizala as he begins a new chapter in his public service as Principal I!

His dedication, exemplary leadership, and commitment to serving learners and the school community have truly inspired those around him. With his continued leadership and passion for education, the Dacap Sur Elementary School community looks forward to achieving greater heights together—always carrying the spirit of “Sa Dacap Sur ES, SURE ang Galing ng Batang Dacapenians!”

May this new role open greater opportunities for him to lead, empower, and make a meaningful difference in the lives of learners and the entire school community.

Wishing him continued success and fulfillment in his public service. May he continue to be a dedicated leader, a source of inspiration, and an advocate for quality education.

Congratulations, Maestro Vladimir K. Arizala!

Dacap Sur Elementary School conducted a three-day Student-Led School Watching and Hazard Mapping Activity on July 27, 28...
12/08/2026

Dacap Sur Elementary School conducted a three-day Student-Led School Watching and Hazard Mapping Activity on July 27, 28, and 31, 2026. The activity was led by the SELG, with Hashie Elise M. Sisneros, SELG President, serving as the Team Leader, under the supervision of Mr. Frankie Z. Reyes, Teacher-Moderator.

The activity aimed to engage learners in identifying hazards and at-risk areas within the school and to promote awareness, preparedness, and participation in ensuring a safe and disaster-resilient school environment. The results and recommendations gathered will serve as inputs in planning appropriate safety measures and the school's contingency plan.

Day 1 – July 27, 2026, Monday
Opening Ceremony and Orientation
After the Opening Ceremony, the orientation proper commenced. The members of the School Watching Team (SWT) were oriented by Mr. Frankie Z. Reyes, Teacher-Moderator, on the background, objectives, and purpose of the activity. The teacher-moderator also discussed the roles and responsibilities of the team members and leveled off with the team on the proper procedures and guidelines in conducting the School Watching and Hazard Mapping activity.

Day 2 – July 28, 2026, Tuesday
Conduct of the School Watching and Hazard Mapping
The members of the School Watching Team went around the different areas of the school, including buildings, classrooms, offices, laboratory, workshop, play area, and garden, to identify possible hazards and risks using the School Watching Checklist.
After the school walkthrough, the teacher-moderator facilitated the processing and validation of the information gathered by the team. The members then mapped and plotted the identified hazards and at-risk areas on the school hazard map. The teacher-moderator closely supervised and guided the team in consolidating and finalizing their output.

Day 3 – July 31, 2026, Friday
Presentation of the Results and Recommendations of the SWT to the SPT
The School Watching Team, led by the SELG, presented the results of the school watching activity and the completed hazard map to the School Planning Team (SPT). The team also presented the identified hazards, at-risk areas, and corresponding recommendations for appropriate action.
The results and recommendations presented by the SWT will serve as an important basis in identifying priority safety concerns and in crafting the school's contingency plan and other appropriate disaster risk reduction and management measures.

10/08/2026

PAUNAWA

Ipinababatid ng pamunuan ng Dacap Sur Elementary School sa lahat ng g**o, kawani, mag-aaral, magulang, at guardian na magkakaroon na ng Face-to-Face Classes ngayong araw, Agosto 11, 2026 (Martes).

Inaasahan ang lahat ng mag-aaral na pumasok at dumalo sa kanilang mga klase ayon sa itinakdang iskedyul. Hinihikayat din ang lahat na maging handa at patuloy na sumunod sa mga alituntunin at panuntunan ng paaralan.

Ang pamunuan ng paaralan ay malugod na naghihintay sa pagbabalik ng lahat ng mag-aaral sa paaralan.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at patuloy na suporta.

Magandang araw at maging ligtas ang lahat!

August 10, 2026Modular Class due to inclement weather
10/08/2026

August 10, 2026
Modular Class due to inclement weather

Address

Dacap Sur
Bani
2407

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Dacap Sur ES 101237 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category