03/08/2026
๐๐๐จ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฒ๐ฑ ๐ฆ๐ถ๐ป๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ฑ ๐๐ผ๐๐ฟ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป
Sinimulan na ng Local Government Unit (LGU) ng Bangued Progreso Bangued ang pagkakabit ng mga ilaw sa covered court ng paaralan upang mas mapabuti ang pasilidad para sa mga mag-aaral at komunidad. Kasunod nito, nakatakda ring ilagay ang basketball ring na magbibigay-daan sa mas aktibong paggamit ng court para sa sports at iba pang aktibidad.
Ipinaabot ni G. Leo Mark Vasquez ang taos-pusong pasasalamat ng buong paaralan sa LGU Bangued na pinangungunahan ni Mayor Perfecto Cardenas, sa kanilang tulong at malasakit. Pinasalamatan din niya ang Barangay Local Government ng Calot sa pangunguna ng Punong Barangay Robert B. Bio. Ang proyektong ito ay inaasahang magbibigay ng mas ligtas, mas maliwanag, at mas kumpletong lugar para sa mga kabataan at residente sa kanilang mga gawain.
๐ธ Bb. Remilyn, Bb. Joice
|