17/08/2026
๐๐๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ -๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, ๐๐ข๐ง๐๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐๐ก๐๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ค๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Ipinagpatuloy ang matagumpay na pagsasagawa ng ๐ซ๐จ๐ณ๐ผ๐ด๐จ๐ป 2026: ๐บ๐๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ sa pamamagitan ng ikalawang sesyon na pinangunahan ng Departamento ng Sistemang Pang-Impormasyon. Isinagawa ang talakayan noong ika-14 ng Agosto 2026, mula ika-1:00 hanggang ika-3:00 ng hapon, na may temang โ๐บ๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ (๐จ๐ฐ): ๐ฌ๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐, ๐ฌ๐๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐
๐ฉ๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐.โ
Naging tagapanayam sina ๐. ๐๐จ๐ง๐ง๐๐ฅ ๐๐จ๐ก๐ง ๐๐ฎ๐๐ฏ๐๐ฌ, ๐๐ฎ๐ง๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐จ, kasama sina ๐๐. ๐๐ฎ๐๐๐ง๐ข๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง, ๐๐๐, ๐๐๐, at ๐๐. ๐๐ก๐ข๐ง ๐๐๐ ๐๐ ๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง. Sa kanilang pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan, nabigyang-linaw ang mga makabagong paraan ng paggamit ng Artificial Intelligence sa pagtuturo at pagkatuto, gayundin ang mga etikal na konsiderasyon at pinakamahusay na gawi upang matiyak ang responsable at makabuluhang paggamit nito sa edukasyon.
Ang sesyon ay naging malinaw na halimbawa ng mga pangunahing pagpapahalaga ng SNCFI. Naipamalas ang Service sa pamamagitan ng pangunguna ng Departamento ng Sistemang Pang-Impormasyon sa pagbabahagi ng kanilang kadalubhasaan para sa kapakinabangan ng buong akademikong komunidad.
Naipakita rin ang Competence dahil sa mataas na antas ng kaalaman, kasanayan, at propesyonalismo ng mga tagapanayam sa larangan ng teknolohiya at edukasyon. Higit sa lahat, naitaguyod ang Innovation and Quality sa pagtataguyod ng mga makabagong estratehiya at teknolohiyang makatutulong sa patuloy na pag-angat ng kalidad ng pagtuturo at pagkatuto sa institusyon.
Napapanahon ang paksang ito sapagkat hindi na maikakailang mahalagang katuwang sa edukasyon ang ibaโt ibang AI tools at applications. Sa wastong paggamit nito, maaaring mapahusay ang pagdisenyo ng mga aralin, pagtataya ng pagkatuto, at paglikha ng mas makabuluhang karanasan para sa mga mag-aaral. Gayunman, binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagtataguyod ng integridad, pananagutan, at etikal na paggamit ng teknolohiya.
Isa sa mga mahahalagang usaping tinalakay ay ang pagbuo ng institusyonal na patakaran sa responsable at etikal na paggamit ng Artificial Intelligence para sa mga g**o at mag-aaral. Kaugnay nito, isang pananaliksik ang maaaring isagawa na tutuon sa pananaw, pagdama, at paggamit ng AI ng mga g**o at mag-aaral upang magsilbing batayan sa paglikha ng mga polisiya at programang tumutugon sa kasalukuyang pangangailangan ng komunidad pang-edukasyon.
Sa kabuoan, ang sesyong ito ay hindi lamang nagpalawak ng kaalaman ng mga kalahok kundi nagpatibay rin ng kultura ng kolaborasyon, kahusayan, at inobasyon na siyang adhikain ng DALUMAT 2026.
Mga Sustainable Development Goals (SDGs) na Tinugunan
โ
SDG 4: Quality Education โ pagtataguyod ng de-kalidad at makabagong edukasyon sa pamamagitan ng AI-enhanced teaching and learning.
โ
SDG 8: Decent Work and Economic Growth โ pagpapahusay ng digital competencies ng mga g**o upang maging mas epektibo at produktibo sa kanilang propesyon.
โ
SDG 9: Industry, Innovation and Infrastructure โ pagsusulong ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya at digital innovation sa akademikong kapaligiran.
โ
SDG 17: Partnerships for the Goals โ pagpapalakas ng kolaborasyon at pagbabahaginan ng kaalaman sa pagitan ng mga departamento tungo sa kolektibong kahusayan at patuloy na pag-unlad.
Sa pagtatapos ng sesyon, muling pinatunayan ng Departamento ng Sistemang Pang-impormasyon ang mahalagang papel nito sa pagsusulong ng kahusayan, inobasyon, at kolaborasyon sa loob ng SNCFI. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng makabagong kaalaman sa Artificial Intelligence at responsableng paggamit nito sa edukasyon, higit na napalakas ang kahandaan ng mga g**o na harapin ang mga hamon at oportunidad ng makabagong panahon.