12/06/2026
๐๐๐ก๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐ง๐๐ฌ ๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฎ๐๐๐ฃ! ๐ต๐ญ
Ngayong Hunyo 12, ipagdiwang natin ang ating kasarinlan kasabay ng pag-alala sa mahahalagang kasaysayan ng ating bansa.
๐ต๐ญ Alam Mo Ba?
Ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay opisyal na ipinagdiriwang tuwing Hunyo 12 bilang pag-alala sa makasaysayang pagpapahayag ng kasarinlan ng bansa noong taong 1898. Ginanap ang makasaysayang okasyong ito sa balkonahe ng mansiyon ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Cavite el Viejo (na kilala ngayon bilang Kawit, Cavite). Sa araw na ito, unang iwinagayway ang pambansang bandila ng Pilipinas na dinesenyo ni Aguinaldo at tahiin nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina Herbosa de Natividad sa Hong Kong, kasabay ng unang pagpapatugtog ng Marcha Nacional Filipina na binuo naman ni Julian Felipe.
Bagamat idineklara ang kalayaan noong 1898, hindi ito kinilala ng ibang bansa tulad ng Estados Unidos at Espanya, na siyang naghantong sa Kasunduan sa Paris kung saan ipinasa ng Espanya ang Pilipinas sa Amerika. Matapos ang pananakop ng mga Amerikano at Hapon, ganap na kinilala ng Estados Unidos ang kalayaan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 sa pamamagitan ng Kasunduan sa Maynila. Dahil dito, unang ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan tuwing Hulyo 4 sa loob ng ilang taon, habang ang Hunyo 12 naman ay ginawang "Philippine Republic Day."
Nagbago ang petsa ng pagdiriwang noong Mayo 12, 1962, nang lagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Presidential Proclamation No. 28 na nagbabalik sa Hunyo 12 bilang opisyal na Araw ng Kalayaan. Sinundan ito ng pagsasabatas ng Republic Act No. 4166 noong 1964 upang maging pinal ang naturang kautusan. Ayon kay Macapagal, ang Hunyo 12 ang tunay na araw ng pagsilang ng bansang Pilipinas dahil ito ang sandali na nagpasya ang mga Pilipino na mamuhay bilang isang malayang lahi, kaya naman ito ang patuloy nating ipinagdiriwang hanggang sa kasalukuyan.