01/08/2023
https://www.facebook.com/100064822867502/posts/666085862228837/?mibextid=CDWPTG
ALAM NIYO BA?
Ang Pilipinas ang tanging bansang may nakalaang gintong panahon taon-taon upang gunitain at pahalagahan ang wikang Pambansa.
Tama! Ngayong araw ang simula ng paggunita sa Buwan ng Wika.
Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041 na pinaigting ni dating Pangulong Fidel Ramos noong 1997, ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa buong buwan ng Agosto, kasama ang tagubilin sa iba't ibang sangay ng pamahalaan, lalo na sa mga paaralan, ang okasyon ay naging simbolo ng mga gawaing nagpapalaganap ng kalinangan ng wika at lahing Pilipino.
Sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang tema ng pagdiriwang ngayong 2023 ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.” | via Sheila Balagan, Philstar.com intern
📸 KWF/Facebook