18/08/2026
MAHALAGANG PAALALA:
Mananatili pa rin ang ADM: Modular/Online Class na set-up sa lahat ng mga estudyante bukas, Agosto 19, 2026.
Ang lahat ng opisina ng San Aurelio National High School at mananatili pa ring sarado ayon sa inilabas na Memorandum Circular No. 129 ng tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.
Ang kanselasyon ng face-to-face class at pagsasara ng opisina ay rekomendasyon ng NDRRMC dahil sa patuloy at malakas na ulan na dala ng Habagat.
Pinapayuhan pa rin ang lahat na maging maingat at alerto sa anumang banta ng malakas na ulan na dulot ng Habagat.
Manatili sa loob ng tahanan, Aurelians.