BSED: major in filipino

BSED: major in filipino Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BSED: major in filipino, Education, masbate, Balud.

18/08/2021
13/04/2020

Bayang Hindi Pinagpala ay ang Bayang Hindi pa Malaya
Pilipinas! Bansang ating kinabibilangan. Bilang mamamayan, pansin natin ang pagbabago. Itinuro satin ang mga nakaraan nito tulad ng pananakop, pang aapi, pang aabusi, at malubog na karanasan sa ginawang pananakop ng mga Espanol, Hapon, at Amerikano.
Pinalanganan ng hari ng espanya na si Haring Philip na Pilipinas na hango mula sa kanyang pangalan. Bago pa ito tinawag na Pilipinas ay ang nakasanayan ay Maharlika.
Ang nakakalungkot isipin ay ang ginagamit at ang nakasanayang bigkasin hanggang ngayon ay "Pilipinas". Tama nga, kulang parin tayo ng pagiging independent.
Kaya tama lang na ibalik kung ano ang dapat upang mas lalo pang makapangyarihan ang ating bayan. Ipinapahayag nito ang pagwawalang bisa ng taong gumawa ng pangalan nito.

03/04/2020

Sana kapag alam mong ikakagalit ko, sana naman iwasan mo.

03/04/2020

Sama ka?
Pakilala kita kay mama.

25/03/2020

Miss u all classmates☺

13/02/2020

Sa mga nag pm saken paumanhin sa inyo .. di ko kayu mareplyan kasi busy pa ako ngaun sa midterm nmin. Ty ..

13/12/2019

Tagal kuna di nkapost s0rry guys bucy pa aku e malapit na kc exam namin ..

22/11/2019

“Binibini Maganda Ka"
ni:Ria Villaflores
(Binibining Manunulat)

Binibini,ano ba basehan mo sa pagiging maganda
Kung gaano karami ang likes sa social media
O kung gaano karami ang sa iyo ay humahanga
Kung iyan ang basehan mo,nagkakamali ka

Binibini maganda ka
Sadyang mapanghusga lamang sila
Na hindi inaalala ang damdamin ng iba
Dahil ang mahalaga ay mahusgahan ka

Huwag mong iisipin ang sasabihin ng iba
Kung bakit mag tigyawat ang iyong mukha
Sabihin mo parte yan ng pagiging dalaga
Dahil kung pangit ka,mas pangit ang ugali nila

Binibini maganda ka
Kahit wala kang kolorete sa mukha
Maganda ka dahil may respeto ka sa kapwa
Tandaan mo binibini,Maganda ka..

22/11/2019

Parabula ng Lapis

isang araw isang lalaking dalubhasang gumawa ng lapis ang naisipan lumikha ng limang iba’t ibang klase ng lapis.

Ang Unang lapis niyang ginawa ay napakaganda, pino ang hawakan at tila isang makinang na ginto at napakalinaw ang sulat nito. Ang Pangalawang lapis na kanyang ginawa ay may kakaibang katangian, meron itong pambura sa kabilang dulo.

Ang Pangatlo naman ay pangkaraniwan lang, ngunit maganda rin ang panulat nito, matingkad ang itim at magandang pangmarka kahit anong mga bagay. Ang Pang-apat ay medyo manipis ang panulat at madaling mabali, ngunit, madaling tasahan.

Sa Panglima lapis na ginawa ay medyo hindi kagandahan. Bukod na minadali ito, simpleng kahoy lang ang ginamit sa katawan at hindi pa tasado.

Pagkatapos mayari ang limang lapis agad ibinenta sa tindahan. Ang Unang lapis ang agad na nabili, dahil sa gandang taglay. Ang nakabili nito ay ginawang regalo. Subalit, dahil sa sobrang ganda nanghinayang gamitin nang pinagbigyan hanggang nabulok.

Ang Pangalawang lapis ay napunta sa isang pintor, malaking tulong ang naibigay ng lapis sa pintor dahil tuwing nagkakamali sa pagguhit, nabubura niya ito at nababago hanggang naging mahusay na pintor.

Ang Ikatlong lapis ay napasakamay naman sa isang karpintero, naging matibay lahat ang bahay na kanyang ginawa dahil sa pagmamarka at malaking rin naitulong nito sa pagpaplano nang pagtatayo ng bahay.

Ang Pang-apat na lapis ay napunta sa isang estudyante, sa nipis ng panulat nito lagi itong napuputol o minsan hindi pa malinaw ang marka nito. Ngunit, hindi tumigil ang estudyante at lagi nitong tinatasahan hanggang magkaroon ng magandang panulat.

Ang Panglimang lapis na lang ang hindi nabili dahil hindi kagandahan ito. Itatapon na sana ang lapis nang makita nya ang isang batang pulubi na nakatingin sa kanyang tindahan. Nilapitan ang bata at tinanong bakit nakatingin ito sa tindahan. Sagot ng ng bata, mag-aaral na sana siya sa darating na pasukan ngunit wala siyang panulat. Naantig sa bata at binigay itong ng walang bayad.

Makalipas ng ilang taon may bisita ng gumagawa ng lapis, ang pulubing batang binigyan niya ng lapis. Kwento ng bata bagamat pangit ang lapis na ibinigay niya, ang panulat naman nito ay ubod ng ganda. Tumagal ang lapis sa kanya hanggang siya maging manunulat. Tinanong kung ano ang isinulat niya na gamit ay ang lapis at ang kanyang sagot ay Bibliya.

Aral: Ang limang lapis ay tugma rin sa buhay ng isang tao.

Ang Unang lapis ay sumasalamin, kahit ng anong ganda at galing mo kung wala ka naman pananampalataya sa Diyos, para kang ligaw na bata. Ang ibig sabihin naman ng Pangalawang lapis ay kahit anong pagkakamali na nagawa mo ay kaya mo itong burahin upang mabago.

Ang Pangatlong lapis ay sumalamin sa marka mo sa ibang tao at kung ito nagampanan mo ang tungkulin mo sa iba. Ang Pang-apat na lapis ay tungkol sa buhay ng tao, lahat ng paghihirap ay hangganan, ang mga problema at pagsubok ang tumatasa sa upang maging isang ganap na tao.

Ang Panglima ang pinakamahalaga sa buhay na ito, kung ano ang na sa loob mo ay ito ay nasa puso mo. Ito ay magandang halimbawa ng isang tao na tapat sa kanyang sarili, sa iba at sa Diyos. Walang bahid na dumi at purong puro ang ganda ng kalooban

13/11/2019

“FILIPINO MAJOR EASY LANG NAMAN YUN”
“FILIPINO LANG?”
“Nagmajor ka pa FILIPINO lang din naman”
“PINAKAMADALING SUBJECT”

Tuwing may nagtatanong sa’kin kung ano major ko matapang at nakangiti akong sumasagot ng “FILIPINO”, hindi na ako nagugulat kapag sinasabi na “easy” kasi yun naman talaga ang tingin ng mga taong hindi kumukuha ng Batsilyer ng Edukasyon Medyor ng FILIPINO! Aminin nyo man at hindi alam at ramdam naming mga Filipino major na ganun ang tingin nyo sa aming mga taga Filipino. Porke tagalog madali na? Porke English major, brainy? Porke math matalino?(hindi ko sila sinasali, for example lang) Wow!! For your information walang major na hindi mahirap kaya wag nyo kami maliitin! Osige kayo ang kumuha ng 20 na major sa loob ng apat na taon. Alamin nyo kung sinu-sino ang ama ng wika at etc. Alamin nyo kung saan nagmula ang mga alibata chubanes na yun. Saan nagmula ang bawat salita, ang bawat tunog dito sa mundo! Alam nyo ba? E kaming FILIPINO MAJOR ALAM NAMIN YUN!! Kaya nyo bang gumawa ng tula na may tugma at sukat, dula, maikling kwento, balagtasan etc sa loob ng apat na oras? Kami kinaya namin!! Kaya please don’t us!!
Hindi ko rin sinasabing magaling ako, o kaming filipino major. Ang sinasabi ko lang wag nyong nilalang ang Filipino.

Jessa Mae Salazar Atajar
Batsilyer ng Edukasyon Medyor ng Filipino

13/11/2019

RET😂RIKO"

PANITIKAN. Isang simpleng salita na binubuo ng siyam na letra. Mababaw kung babasahin, ngunit malalim kung sisisirin ang salitang panitikan. Kumbaga ito ay isang karagatan na nagtataglay ng lalim at kariktan. Ngunit ano nga ba ang panitikan kung susuriin ang aking nasa isipan? Mula sa aking kinatatayuan, nakikita ko ang panitikan bilang isang....bato. Isang katanungan! Chelson, bakit bato ang pagkakakilanlan mo sa panitikan? Aba! bakit nga ba? Dahil kung ako ang iyong tatanungin, ang panitikan ay tila parang isang bato na makikita mo kung saan- saan. Maaaring katabi mo na ngunit hindi mo pa nakikita? O puwede rin naman na ginagamit mo na ngunit 'di mo man lang napapansin sapagkat manhid ka? Ang panitikan ay parang isang batong magaspang, sa una ay iyong kamumuhian ngunit kung ito ay paghihirapan mo na kukuskusin, ito ay nagtataglay ng dyamante't yaman! Ang panitikan ay nagagamit natin sa araw-araw nating pakikipagtalastasan, o kapag pumapasok ka sa eskuwela at may baon kang dala at mapapasabi ka na lamang sa kanya "MOMSHIE! MAY TYISMIS AKONG DALA!". Ito ay maihahalintulad ko na rin sa putik. Sapagkat ang panitikan ay isang kagamitan o materyal tulad ng putik. Iisa ang komposisyon ngunit iba-iba ang anyo. Tulad na lamang nito: Hindi tao, hindi bagay, hindi hayop, ngunit nagtatanong? Ano ito? Bugtong!Ngunit kung ako'y bibigyan ng pagkakataong bigyang kahulugan muli ang panitikan, paano ko nga ba ito ilalarawan?

Ang panitikan ay may iba't -ibang katangian tulad ng piksyon. Alam niyo ba na kahapon ay sinagot si Chelson ng kanyang babaeng iniirog? Isang Halimbawa ng Piksyon! Ito ay ang mga storyang kathang isip lamang. Mga istoryang nabuo dahil sa imahinasyon, mga kuwentong gumagamit ng Aligorya, at mga kuwentong nailikha ng hiraya at pantasya ngunit kailanman ay hindi makakamtan. At kung mayroon kang kuwento, ano ang tawag mo dito? Akda! Ang iyong mga isinusulat ay tinatawag na akda. Isang halimbawa ng akda:
Kaarawan ng iyong iniirog, babatiin mo siya sa facebook, snapchat, instagram o twitter, tumblr, at iba pang mga app, at ano ang iyong sinusulat? Nobela! Bubuo ng kuwentong nahahati sa dalawang yugto pagkatapos ay ano ang iyong napala? Wala! Binasa ba niya? Hinde! Bakit? Siguro ay mas gusto niya ang liham ni crush. Ang panitikan ay nagagamit natin kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa natin araw- araw. Nakinig ka sa telebisyon at ano ang iyong nasagap? Impormasyon! Sumagot si crush sa iyong liham! Tatawagin mo ang iyong kaibigan at makikipagtalastasan, ipapahayag ang sarili mong opinyon at reaksyon hanggang magdapit -hapon.

Panitikan. Isang simpleng salita na binubuo ng siyam na letra. Aliw, kaalaman, luha't nararamdaman, ito ang hatid sa atin ng panitikan. Sa Pilipinas, Asya, pati narin ang buong mundo, ang panitikan ay isang napakagandang regalo mula sa ating mga ninuno. Ito ang sumasalamin sa ating pagkatao. Bata, matanda, milenyal, empleyado at retirado, ang panitikan ay bahagi na ng buhay ng tao. At kung sa tingin mo ay sapat na ang nalalaman mo, higit na malalim ang panitikan kaysa sa inaakala mo!

Address

Masbate
Balud
5400

Telephone

09122379142

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BSED: major in filipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category