03/10/2026
๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ง๐๐๐ข ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐ฃ๐ก๐๐ฌ๐๐ก
VDFHS, Nagwagi bilang ikatlong pinakamagaling na paaralan sa Division Math Fair 2026
Nagtipon-tipon nito lamang Sabado, Setyembre 26, 2026 ang mga kalahok ng Virgen Delas Flores High School sa Division Level Math Fair Competition 2026 na ginanap sa Mariano Ponce National High School.
Bukod sa pagiging Ikatlong Pwesto ng paaralan sa kabuoan, nagkamit rin ng pwesto ang lahat ng kalahok ng paaralan mula sa Math Jingle, Math Trail, Math Quiz Bee, Sudoku, at Rubik's Cube.
๐ง๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ผ ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ผ
Nakipagtalastasan ang bawat manlalahok sa iba't ibang paaralan nang may talino, at hangaring manalo. Bitbit ng bawat Floreskan ang determinasyon, mga taktika, at mga araw na pinagtyagaang ilaan ng bawat g**o't mag-aaral para magsanay at gawing pulido ang talino para manalo.
Bilang resulta, ๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ ๐ฎ๐๐ต ๐๐ฎ๐ถ๐ฟ ang mag-aaral mula sa Baitang 9 na si Lyrenne Khei M. Unilongo matapos magkamit ng Ikaunang Gantimpala sa Sudoku, na nagpakita hindi lamang ng bilis at talino, ngunit ng pagsusumikap at masuring pagtataya upang manalo, isang aral na itinuro ng g**o sa Matematika na si Ma'am Janine P. Caleon
Nagkamit rin ng Ikatlong Pwesto sa Math Jingle ang grupo ng mga Floreskan na kinabibilangan nina Kirk Collin L. Umali, Frencheska Mae M. Sosa, Juris Trisha D. Marca, Mark Vincent M. Cruz, Jebrant Dave P. Tugasa, Aliyah Precious S. Estabillo, Johan Chris M. Victorino, Rihanna E. Cruz at Precious Dianne A. Gatchalian tangan ang kanilang pulidong pagtatanghal, hatid ang impormasyon at halaga ng pagkatuto ng sipnayan na sinanay ng butihing g**o na si Ma' am Maria Angela L. Umali.
Panalo rin sa Math Quiz Bee ang mga Floreskan mula G7-G10. Nagtamo ng Ikalawang Pwesto ang mag-aaral mula sa Baitang 8 na si Dhen Mark S. De Guzman, Ikaapat na Pwesto para sa mga mag-aaral sa Baitang 8 at 9 na sina Aliah Mae C. Dayrit at Julius Jandon M. Dela Cruz at Ikalimang Pwesto naman para kay Patwin Jero P. Lagman na estudyante mula sa ika-10 Baitang. Sama-samang sinanay ng mga g**ong sina Ma'am Rowena L. Tellor, Ma'am Irish Joyce V. Buhain, Ma'am Quemie C. Galero at Sir Jettel A. Mananghaya.
Bukod pa rito, nagpakita din ng kasanayan sa bilis, partisipasyon at organisasyon ang mga mag-aaral mula G7-G10 na nagbuklod sa Math Trail. Nagkamit ng Ikaapat na Pwesto ang mga manlalahok na kinabibilangan nina Peter Champ C. Buag, Rheanna Espinosa, Rinoa Chloe O. Rivera at Sophia Jhane D. Ibaรฑez na pulidong sinanay at pinaglaanan ng panahong hubuhin ng masteradong g**o sa sipnayan na sina Sir Joseph L. De Luna.
Isa itong hindi matatawarang dedikasyon na sama-samang ipinakita ng bawat Floreskan. Inirepresenta nila hindi lamang ang kanilang mga sarili, ngunit maging ang paaralan.
Pinatunayan ng bawat kalahok na ang determinasyon, pagsusumikap, at pagsasanay ang nagiging susi sa pagkamit ng tagumpay at magandang laban sa silid o kahit sa entablado.
Sa likod ng tagumpay na ito, nanalo din ang bawat g**o, dahil angkin nila ang mga kamay na humubog, mga boses na naging gabay, at mga aral na binitbit ng bawat mag-aaral sa laban.
๐ฃ๐๐ก๐๐๐ข ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฆ ๐๐ง ๐ง๐๐๐๐ก๐ขโผ๏ธ