05/05/2026
𝙈𝙖𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝙇𝙖𝙣𝙜𝙞𝙩, 𝙋𝙖𝙖 𝙨𝙖 𝙇𝙪𝙥𝙖, 𝙈𝙖𝙣𝙜𝙖𝙧𝙖𝙥 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙩𝙖𝙖𝙨 𝙖𝙩 𝙏𝙪𝙥𝙖𝙧𝙞𝙣 𝙞𝙩𝙤 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙩𝙖𝙨" ✊🏻✨
Sumakses na rin sa wakas, nakarating na rin sa finish line! alam naming hindi naging madali ang lahat puro puyat, pagod, stress at pag-aalinlangan pero proud kami sa inyo, dahil kinaya niyo.
Isang makabuluhang taon ang inyong nabuo, na may kasamang aral, pag titiyaga, at tagumpay. Tiyak na magiging daan ito patungo sa mas matayog na pangarap, at mag silbing daan ito patungo sa bagong yugto ng inyong hinaharap. Isang hinaharap na hindi lang ninyo tutunguhin kundi inyong aakinin nang may dunong at buong puso.
Ang lahat ng aming pinaghirapan ay may iisang patutunguhan—kayo. Maraming salamat kapwa namim BTECHenyos na naging rason, at insipirasyon sa bawat tagumpay na aming naabot, sa aming minamahal na Moderators, walang sawang humuhubog sa aming kaalaman, at gumagabay sa aming mga ninanais na proyekto. Gayundin sa mga kawani ng paaralan na nag mamahal, at kasangga sa pag-abot ng layunin
Ito ang ating mga magulang, g**o, kaibigan at maging si crush! sa bawat laban na gusto mo ng sumuko, sa bawat laban na akala mo hindi mo kaya, nandyan sila upang ipapaalala sa'yo kung ano ang "purpose" mo.
Nawa'y bawat aral, tawanan, maging iyakan dalhin niyo hanggang sa susunod na pahina ng buhay niyo at habang lumalakad kayo papunta sa daan ng pangarap niyo, lumakad kayo ng taas noo na may dangal, respeto at talino.
Salamat sa sampung buwan, BTECHenyos! 🤍
✍🏻: 𝑭𝒓𝒂𝒏𝒄𝒆 𝑱𝒆𝒂𝒏 𝑴. 𝑱𝒂𝒗𝒊𝒆𝒓 & 𝑺𝒐𝒇𝒊𝒂 𝑹𝒂𝒎𝒐𝒔
🖼️ : 𝑩𝒓𝒊𝒂𝒏𝒂 𝑺𝒕𝒂 𝑱𝒖𝒂𝒏𝒂