08/11/2025
Kung may isang lider na tunay na isinabuhay ang kaniyang pangalan, iyon ay si Dr. Khristian S. Liwanag.
Sa loob ng apat na taon at tatlong buwan na pinamunuan niya ang Virgen Delas Flores High School, unti-unting kumislap ang ating paaralan hanggang sa ito ay tuluyang magningning. Hindi lamang sa Lungsod ng Baliwag nakilala ang VDFHS, kundi sa buong lalawigan at maging sa pambansang antas.
Dumating si Doc Khristian sa VDFHS sa panahong puno ng pangamba at hindi tiyak na bukas, sa kasagsagan ng COVID 19. Ngunit dahil sa mahinahon at matalino niyang paggabay, nakapagtatag ang paaralan ng ligtas, maayos, at epektibong sistema ng distribusyon ng learning modules. Bunga nito, kinilala tayo ng nooโy Pamahalaang Bayan ng Baliwag, ng DepEd Bulacan, at ng DepEd Philippines, at naitampok pa sa isang news program ng Net 25. Dahil sa ipinakitang kahandaan ng ating paaralan, napabilang tayo sa mga kauna-unahang nagbukas para sa limited face to face classes noong 2022.
Hindi lamang nito pinatunayan ang kaniyang husay sa pamamahala. Ipinakita rin nito ang kaniyang malasakit sa mga g**o. Sa kaniyang paggabay, nakamit ng marami sa ating kasamahan ang kanilang minimithing promosyon. Anim ang naging Head Teacher at anim ang naging Master Teacher. Ito ay isang bihirang tagumpay na ipinagmamalaki ng ating paaralan at hinangaan din ng iba pang paaralan. Patunay ito na kapag ang lider ay marunong magpalakas at magtiwala, umaangat ang buong organisasyon.
Sa patuloy na pag udyok ni Doc Khristian sa pananaliksik, inobasyon, at pakikipag-ugnayan, naging sentro ng kahusayan ang VDFHS. Tayo ang isa sa may pinakamaraming naisagawang research at innovation, pinakamaraming naitatag na partnership, pinakamaraming naipanalong kompetisyon, at pinakamaraming naitaas na ranggo ng g**o sa Baliwag. Sa ilalim ng kaniyang pamumuno, kinilala rin ng DepEd Baliwag ang mahusay na implementasyon ng ating Numeracy o Math Program, National Learning Camp, at Foreign Language Program.
Hindi rin matatawaran ang kaniyang suporta sa campus journalism. Dahil sa tuloy tuloy na pag-alalay niya, naiuukit ng Ang Kalasag ang pangalan ng VDFHS sa buong bansa. Noong 2024 National Schools Press Conference, nakamit natin ang ika-5 puwesto sa Pinakamahusay na Pahinang Lathalain sa buong Pilipinas. Nakakuha rin tayo ng apat na karangalan sa 2023 Gawad Ditto Sarmiento Publication Awards sa UP Diliman, na nagbigay sa atin ng pinakamaraming parangal sa mga lumahok mula Luzon hanggang Mindanao.
Sa kaniyang termino rin naitatag ang SCIENCE Hub. Ito ay konkretong patunay na nais niyang maranasan mismo ng mga mag-aaral ang agham, paglikha, at pagtuklas gamit ang abot kayang materyales. Dito rin unang natutuhan ng mga bata ang robotics. Noong 2022, kinilala ang proyektong ito bilang isa sa pinakamahuhusay na inobasyon sa buong DepEd Bulacan.
Maging sa pamamahala ng pondo, ilang ulit ding kinilala ang VDFHS dahil sa maayos at tapat na paggamit ng MOOE, katuwang ang ating Finance Department. Sa ibaโt ibang patimpalak tulad ng Festival of Talents, Athletic Meet, Bungkos Talino Quiz Bee, LENTE Short Film Festival, at marami pang iba, patuloy na nagkamit ng parangal ang ating paaralan.
Dahil sa lahat ng ito, kinilala ang VDFHS bilang Top 1 Performing School sa Mega School Category para sa SY 2024 2025. Si Doc Khristian naman ay pinarangalan bilang pinakamahusay na punong g**o sa sekondarya. Ang mga parangal na ito ay hindi lamang titulo. Ito ay kulminasyon ng kaniyang pagpupunyagi, pagsisikap, at pagbuo ng matatayog na pangarap para sa ating paaralan.
Lahat ng ito ay naging posible dahil mayroon tayong punong g**o na marunong umalalay, magtiwala, magplano, manuri, at higit sa lahat, magmahal sa kaniyang paaralan at sa kaniyang mga g**o.
Higit sa anumang tagumpay o pagkilala, nakilala natin siya bilang isang lider na laging naroon kapag kailangan. Handang gumabay. Handang magbigay ng suporta at inspirasyon. Handang mag-isip ng solusyon sa mga suliranin ng paaralan. Handang tumulong at maghanda ng mga dokumento sa panahon ng promosyon. At higit sa lahat, handang umunawa sa panahon ng mga personal na kalagayan.
Ngayon na siya ay itinalaga bilang School Principal IV ng Mariano Ponce National High School, baon niya ang aming paghanga, taos-pusong pasasalamat, at panalangin na ipagpatuloy niya roon ang paglalagay ng liwanag kung saan ito kinakailangan.
Mula sa Virgen Delas Flores High School na naging tahanan niyo sa loob ng apat na taon at tatlong buwan,
๐ฌ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐จ๐๐จ๐๐ก๐๐ข๐๐ฉ ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐๐ฅ๐ช๐ฅ๐ช๐๐๐ฎ ๐จ๐ ๐๐ฎ๐ค,
๐ฟ๐ง. ๐๐๐ง๐๐จ๐ฉ๐๐๐ฃ ๐. ๐๐๐ฌ๐๐ฃ๐๐!