21/07/2025
Mga kalungsod, ayon sa tala ng PAGASA, magkakaroon ng Orange Rainfall Warning na magdadala ng malakas hanggang matinding pag-ulan sa Lalawigan ng Bulacan, bukas, araw ng Martes, July 22.
Dahil dito, SUSPENDIDO ang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan at ang trabaho sa mga pampublikong tanggapan sa lungsod.
Gayunpaman, ang mga ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa pagbibigay ng pangunahing serbisyo, pangkalusugan, at pagtugon sa mga sakuna ay magpapatuloy sa kanilang operasyon.
Ang mga trabaho naman para sa mga pribadong kumpanya ay nasa pagpapasya ng kanilang pamunuan.
Para naman sa mga Baliwagenyong naninirahan malapit sa ilog at mabababang lugar, patuloy pa ring nagpapaalala ang Pamahalaang Lungsod na maging alerto at handa kung magkakaroon ng pagtaas ng tubig sa ilog na maaaring magdulot ng pagbaha.
Sinisiguro ng Pamahalaan na handa ang ating mga evacuation centers para sa mga kailangang lumikas gayundin ang pagbibigay ng tulong para sa mga maaapektuhang pamilya.
Pinapakiusapan pa rin ang publiko na makinig sa mga opisyal na anunsyo, at sundin ang mga tagubilin ng lokal na pamahalaan para sa inyong kaligtasan.
Kung mayroong emergency situations, mag-text o tumawag sa mga numerong:
BALIWAG CITY HOTLINES: 0917-505-7827 / 0939-999-7827
BALIWAG CITY HEALTH OFFICE: 798-0391 (7481)
BALIWAG CITY - PNP: (044)766-2328 / 0933-876-5386 / 0998-589-5375
BALIWAG CITY - BUREAU OF FIRE PROTECTION (BFP): (044)764-7658 / 0942-352-7440/ 0963-303-5238