22/09/2026
PROJECT HAPAG | H-APAG-ARAL SA PAG-BASA
Ngayong Martes, Setyembre 22, 2026, 30 benepisyaryo ng Project HAPAG ng Concepcion Elementary School ang tumanggap ng masustansyang food products at sariwang prutas na personal na dinala at ipinamahagi ni Nurse Erick Alejandro, SGOD–Health Personnel, SDO City of Baliwag.
Ang Project HAPAG ay isang 50-araw na feeding program na naglalayong pagsabayin ang nutrisyon at literacy development, alinsunod sa layunin nitong suportahan ang pisikal na paglaki, kalusugan, at pagkatuto ng mga mag-aaral.
Kasabay nito, nagsagawa rin si Nurse Erick Alejandro ng monitoring sa School-Based Feeding Program (SBFP) ng paaralan upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan at nutrisyon.
💚 Sa ConES, sama-sama nating isinusulong ang masustansyang katawan at mas mahusay na pagkatuto!