DepEd Sta. Barbara High School

DepEd Sta. Barbara High School Opisyal na page ng Mataas sa Paaralan ng Sta. Barbara mula sa Lungsod ng Baliwag, Bulacan.

🎉🌍 Happy Scouting Month 2026! 🏕️💡This year's theme: "Service, Innovation and Scouting for All" reminds us that every Sco...
03/10/2026

🎉🌍 Happy Scouting Month 2026! 🏕️💡

This year's theme: "Service, Innovation and Scouting for All" reminds us that every Scout plays a vital role in building a better world — through helping others, embracing new ideas, and making Scouting inclusive for everyone!

🟡 Show your pride and spirit by using our Scouting Month 2026 frame!

📸 Update your profile pic and tag your fellow Scouts to join the movement!

🔗 DP Frame: https://twb.nz/2026-scouting-month-celebratio

Let’s celebrate the values that make Scouting strong — service, innovation, and unity for all! 💪🌱


I’m Scouter (Name) and I am ready to celebrate the 2026 Scouting Month this October! Get yourself this Twibbonized frame at Happy Scouting!

🏆 2026 Division Mathematics Fair Awards | Septyembre 26, 2026 🏆Isang taos-pusong pagbati sa ating mga mag-aaral na matag...
03/10/2026

🏆 2026 Division Mathematics Fair Awards | Septyembre 26, 2026 🏆

Isang taos-pusong pagbati sa ating mga mag-aaral na matagumpay na nagbigay karangalan sa ating paaralan sa ginanap na 2026 Mathematics Fair noong Setyembre 26, 2026!

🥉 Ikatlong Pwesto - Grade 8 Mathematics Quiz Bee
Ryan Jacob M. Caddawan
🏅 Ikalimang Pwesto - Math Trail Competition
Caira Tolentino
Ralph Christian P. Vergara
Ferdinand G. Ramos, Jr.
Chariz L. Gatbonton

Ang inyong sipag, tiyaga, at husay sa Matematika ay tunay na kahanga-hanga.

Congratulations at mabuhay kayo! 🎉💙💛

Happy Birthday Ma'am Clarence Dimla Veneracion! 🎉Keep inspiring and making a difference in the lives of your students!
02/10/2026

Happy Birthday Ma'am Clarence Dimla Veneracion! 🎉
Keep inspiring and making a difference in the lives of your students!

WORK AND CLASS SUSPENSION FOR KAINANG PAMILYA MAHALAGA DAY 2026Bilang pakikiisa sa “Kainang Pamilya Mahalaga Day”, ang p...
27/09/2026

WORK AND CLASS SUSPENSION FOR KAINANG PAMILYA MAHALAGA DAY 2026

Bilang pakikiisa sa “Kainang Pamilya Mahalaga Day”, ang pasok sa mga tanggapan sa Pamahalaang Lungsod ng Baliwag at klase sa mga pampublikong paaralan ay hanggang ika-1:00 ng hapon lamang, bukas, araw ng Lunes, September 28, 2026.

Samantala, ang mga pribadong sektor ay hinihikayat na sumunod alinsunod sa proklamasyon ng pangulo.

Magbabalik ang regular na operasyon sa Martes, September 29.

Maraming salamat po!


Happy Birthday Ma'am Jennie Rose Perez Polintan-Soriano . May you be blessed with good health, happiness, and many more ...
27/09/2026

Happy Birthday Ma'am Jennie Rose Perez Polintan-Soriano . May you be blessed with good health, happiness, and many more fruitful years of teaching.

🎉 Happy Birthday to our hardworking Administrative Officer II! 🎂💐Your dedication, patience, and commitment make a meanin...
21/09/2026

🎉 Happy Birthday to our hardworking Administrative Officer II! 🎂💐

Your dedication, patience, and commitment make a meaningful difference in our school. Thank you for your invaluable service and support. May your special day be filled with happiness, blessings, and wonderful moments!

Keep shining and keep inspiring! ✨💛🤎

Isinagawa ngayong araw, Setyembre 18, 2026, ganap na 2:30 ng hapon sa Multipurpose Hall ng Mataas na Paaralan ng Sta. Ba...
18/09/2026

Isinagawa ngayong araw, Setyembre 18, 2026, ganap na 2:30 ng hapon sa Multipurpose Hall ng Mataas na Paaralan ng Sta. Barbara ang “Term 1 Parenting Seminar and Issuance of Report Cards” bilang bahagi ng General Assembly para sa mga magulang at tagapangalaga.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng Mainit na Pagbati at mahahalagang parenting tips mula kay Gng. Ria DC. Sanchez, Punongg**o I, na sinundan ng pagbisita at mensahe ng ating Igg. Kapitan Wendell M. Centeno.

Ibinahagi naman ni Gng. Marjorie F. Tiquia, SPTA President, ang PTA Financial Report, na sinundan ng School Paper Financial Report ni Bb. Marilen D. Pascual, School Paper Adviser.

Nagkaroon din ng maikling Oryentasyon tungkol sa ARAL Reading Program na pinangunahan ni Bb. Marilen D. Pascual, ARAL Reading Program Focal Person, at isang maikling talakayan naman mula kay G. John Paul T. Cruz, ARAL Math Program Focal Person.

Matapos ang parenting seminar, isinagawa ang pagbibigay ng Report Cards sa bawat pangkat, kung saan ipinamahagi ng mga Gurong Tagapayo ang mga report card at nakipag-ugnayan sa mga magulang hinggil sa pagkatuto at pag-unlad ng kanilang mga anak.

Taos-pusong nagpapasalamat ang Mataas na Paaralan ng Sta. Barbara sa lahat ng mga magulang, guardian, panauhin, PTA officers, at buong komunidad ng ating sintang paaralan sa kanilang patuloy na pakikiisa at suporta. Sama-sama nating gabayan at suportahan ang ating mga mag-aaral tungo sa kanilang patuloy na pag-unlad.




📣THIRD QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED) 2026 📣Setyembre 10, 2026 | 2:00 PMSa patuloy na pagsusulo...
10/09/2026

📣THIRD QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED) 2026 📣

Setyembre 10, 2026 | 2:00 PM

Sa patuloy na pagsusulong ng isang ligtas, handa, at disaster-resilient na paaralan, nakikiisa ang Sta. Barbara High School sa Third Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026 ngayong Setyembre 10, ganap na alas-2:00 ng hapon.

Sa pangunguna ng ating mga g**o at kawani, kasama ang ating mga mag-aaral na lumahok mula sa kani-kanilang tahanan bunsod ng Wellness Break, isinagawa ang earthquake drill upang higit na malinang ang kahandaan, disiplina, kamalayan, at wastong pagtugon sa oras ng lindol.

Duck. Cover. Hold.
Ang bawat tamang pagkilos ay mahalagang hakbang tungo sa kaligtasan. Sa panahon ng sakuna, ang pagiging handa ay hindi lamang kaalaman—ito ay responsibilidad at disiplina na dapat isabuhay.

✅⛑️Preparedness is everyone's responsibility.
Safety is everyone's priority.⛑️✅

Mrs. Ria DC. Sanchez
Principal I

Mrs. Ana Maria S. Pahati
District Supervisor

Mrs. Rowena T. Quiambao CESO V
Schools Division Superintendent








Mainit na pagbati ang buong-pusong ipinapaabot ng Mataas na Paaralan ng Sta. Barbara sa ating kagalang-galang na Regiona...
10/09/2026

Mainit na pagbati ang buong-pusong ipinapaabot ng Mataas na Paaralan ng Sta. Barbara sa ating kagalang-galang na Regional Director, DR. TOLENTINO G. AQUINO, CESO III, sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan. Isang taon na naman ng tapat at makabuluhang pamumuno ang ating ipinagpapasalamat.

Maraming salamat po sa inyong walang-sawang dedikasyon at inspirasyon sa patuloy na pag-aangat ng kalidad ng edukasyon sa ating rehiyon. Nawa po ay pagkalooban pa kayo ng mabuting kalusugan, kaligtasan, at higit pang tagumpay sa inyong paglilingkod. Biyayaan nawa kayo ng Poong Maykapal ng mas marami pang taon na puno ng kagalakan at pagpapala!

Mabuhay po kayo, RD Tolentino G. Aquino!


MALIGAYANG KAARAWAN, MAYOR VICE Ferdie Estrella! Ang buong pamunuan, mga g**o, kawani, at mga mag-aaral ng Mataas na Paa...
05/09/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, MAYOR VICE Ferdie Estrella!

Ang buong pamunuan, mga g**o, kawani, at mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Sta. Barbara ay nagpapaabot ng pinakamainit at taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating Pangalawang Punong Lungsod, Igg. Ferdinand "Ferdie" V. Estrella! 🎂✨

Isang malaking karangalan para sa ating paaralan at sa buong sektor ng edukasyon ang magkaroon ng isang lider na patuloy na naglilingkod nang may malalim na malasakit sa kapakanan ng ating mga kabataan. Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta sa mga programa at adhikaing naglalayong maghatid ng dekalidad na edukasyon para sa bawat BaliwagHenyo.

Dalangin po namin ang inyong patuloy na mabuting kalusugan, kaligtasan, at higit pang karunungan mula sa Dakilang Lumikha upang patuloy ninyong mapamunuan ang Sangguniang Panlungsod at ang buong Lungsod ng Baliwag. Mabuhay po kayo, Mayor Vice Ferdie! 💙💚


Address

Sta. Barbara, Baliwag, Bulacan
Baliuag

Opening Hours

Monday 8am - 3pm
Tuesday 8am - 3pm
Wednesday 8am - 3pm
Thursday 8am - 3pm
Friday 8am - 3pm

Telephone

+639222541648

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Sta. Barbara High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Sta. Barbara High School:

Shortcuts

Share

Category