DepEd Pinagbarilan Integrated School

DepEd Pinagbarilan Integrated School This is the official page of Pinagbarilan Integrated School (est.2025) formerly known as Pinagbarilan Elementary School (est.1989)

πŸ‡΅πŸ‡­ PAGPUPUGAY SA WATAWAT AT PAGLINANG NG KAGANDAHANG-ASAL: FLAG CEREMONY AT VALUE OF THE WEEK (RESPECT) SA PINAGBARILAN ...
21/09/2026

πŸ‡΅πŸ‡­ PAGPUPUGAY SA WATAWAT AT PAGLINANG NG KAGANDAHANG-ASAL: FLAG CEREMONY AT VALUE OF THE WEEK (RESPECT) SA PINAGBARILAN INTEGRATED SCHOOL! πŸ¦…βœ¨

Isang makabayan, maayos, at masiglang simula ng linggo ang pinangunahan ng buong pamayanan ng Pinagbarilan Integrated School sa idinaos na lingguhang Flag Raising Ceremony kaninang umaga, Setyembre 21, 2026!

Tampok sa seremonya ang pagtalakay sa Value of the Week: RESPECT (PAGGALANG), na buong husay at siglang ibinahagi ng ating tagapayo sa Ikalimang Baitang, Gng. Sheila Ann C. Gamboa.

Sa pamamagitan ng makabuluhang mensahe, ipinaalala ni Ma'am Gamboa ang kahalagahan ng paggalang sa iba't ibang aspeto ng ating araw-araw na buhay:

🀝 Paggalang sa Kapwa: Ang pagpapakita ng tamang pakikitungo, paggamit ng magagalang na pananalita tulad ng "po" at "opo," at pakikinig sa mga g**o, magulang, at kapwa mag-aaral.

🏫 Paggalang sa Paaralan at Kapaligiran: Ang pag-iingat sa mga pasilidad, pagsunod sa mga alituntunin, at pagpapanatili ng kalinisan sa loob at labas ng silid-aralan.

πŸ’‘ Paggalang sa Sarili: Ang pagpapahalaga sa sariling kakayahan, pagiging tapat, at pagpili ng tama sa lahat ng pagkakataon upang magsilbing mabuting ehemplo.

Ang paglinang sa mga positibong pagpapahalaga ay katuwang ng ating adhikain na hindi lamang maghubog ng mga batang matatalino, kundi mga mamamayang may busilak na puso, disiplina, at taglay ang tunay na Talento at Talino!

Mataas na pagpupugay kay Ma'am Sheila Ann C. Gamboa at sa mga mag-aaral ng Baitang 5 sa maayos at matagumpay na pangunguna sa ating seremonya ngayong umaga! πŸ¦…πŸ’™

Jonah Francisco-Quizon, PhD
School Principal I

Engr. Lhio Roem Dela Cruz, PhD
Public Schools District Supervisor, District 7

πŸ“ Pinagbarilan Integrated School
City of Baliwag, Bulacan
District 7 - SDO of City of Baliwag

πŸ•ŠοΈ IN LOVING MEMORY OF JILLIAN BOLOFER CORIGAL πŸ€πŸ•ŠοΈβ€œThe Lord is close to the brokenhearted and saves those who are crushe...
19/09/2026

πŸ•ŠοΈ IN LOVING MEMORY OF JILLIAN BOLOFER CORIGAL πŸ€πŸ•ŠοΈ

β€œThe Lord is close to the brokenhearted and saves those who are crushed in spirit.” β€” Awit 34:18

Isang labis na kalungkutan at kabigatan ng puso ang bumabalot ngayon sa buong pamunuan, kaguruan, kawani, at mga mag-aaral ng Pinagbarilan Integrated School sa maagang pamamaalam ng isa sa ating mga minamahal na mag-aaral sa Baitang 7, si JILLIAN BOLOFER CORIGAL.

Si Jillian ay nakilala sa ating paaralan bilang isang mabait, magalang, at masayahing mag-aaral na puno ng pangarap. Ang kanyang positibong enerhiya, kabutihan, at magagandang pakikitungo sa kanyang mga g**o at kamag-aral ay mananatiling buhay at tanglaw sa ating mga alaala sa loob ng bawat silid-aralan ng Ka-Pinagbarilan.

Ang buong pamilya ng Pinagbarilan IS ay nagpapaabot ng taos-pusong pakikiramay, panalangin, at pakikidalamhati sa kanyang mga magulang, pamilya, at mga mahal sa buhay sa panahong ito ng matinding pangungulila. Nawa'y pagkalooban kayo ng Poong Maykapal ng lakas ng loob, kapayapaan, at lubos na kaaliwan.

Paalam, Jillian. Maraming salamat sa bawat ngiti, samahan, at alaalang iniwan mo sa ating paaralan. Payapa kang magpahinga sa mapagpalang piling ng ating Dakilang Lumikha. πŸ•―οΈπŸ•ŠοΈ

🀝 MATATAG NA UGNAYAN PARA SA MAS MALIWANAG NA KINABUKASAN: GENERAL PTA CONFERENCE / ASSEMBLY SA PINAGBARILAN INTEGRATED ...
18/09/2026

🀝 MATATAG NA UGNAYAN PARA SA MAS MALIWANAG NA KINABUKASAN: GENERAL PTA CONFERENCE / ASSEMBLY SA PINAGBARILAN INTEGRATED SCHOOL! πŸ¦…βœ¨

β€œParents and Teachers: United for a Brighter Tomorrow”

Matagumpay, masigla, at mabungang idinaos ng Pinagbarilan Integrated School ang ating General PTA Conference / Assembly kahapon, Setyembre 18, 2026!

Nagsama-sama ang ating mga masisigasig na magulang, g**o, at kawani upang patatagin ang ugnayan ng tahanan at paaralan para sa kapakanan at tagumpay ng bawat batang Ka-Pinagbarilan.
Kabilang sa mga naging tampok sa naturang asembleya:

πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦ Matatag na Pagtutulungan (Stronger Partnership, Brighter Future): Pagpapatibay ng komunikasyon at pagtutulungan ng mga magulang at g**o sa paggabay sa mga mag-aaral.

πŸ“‹ Mga Ulat at Programang Pampaaralan: Pagbabahagi ng mga proyekto, patakaran, at mga nakatakdang gawain para sa patuloy na pag-unlad ng paaralan at kaligtasan ng mga bata.

πŸ’‘ Bayanihan Para sa Ka-Pinagbarilan: Pagkakaisa ng buong komunidad tungo sa layuning magtaguyod ng Better Parents, Brighter Learners, and Stronger Community!

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang, guardian, at opisyal ng GPTA sa inyong aktibong pakikibahagi, suporta, at pagmamahal sa ating paaralan. Tunay ngang: "Together We Support, Together We Succeed! One School, One Family for Brighter Learners!" πŸ’™πŸ‘

Jonah Francisco-Quizon, PhD
School Principal I

Engr. Lhio Roem Dela Cruz, PhD
Public Schools District Supervisor, District 7

πŸ“ Pinagbarilan Integrated School
City of Baliwag, Bulacan
District 7 - SDO of City of Baliwag

π—˜π——π—¨π—žπ—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—” | π— π—”π—žπ—”π—¦π—”π—¬π—¦π—”π—¬π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—Ÿπ—”π—šπ——π—” π—‘π—š π—Ÿπ—˜π—”π—¦π—˜ π—”π—šπ—₯π—˜π—˜π— π—˜π—‘π—§, π—£π—”π—šπ—•π—œπ—•π—œπ—šπ—”π—¬ π—‘π—š π—žπ—”π—₯π—”π—šπ——π—”π—šπ—”π—‘π—š π—Ÿπ—˜π—”π—₯π—‘π—œπ—‘π—š π—¦π—£π—”π—–π—˜ 𝗦𝗔 π—£π—œπ—‘π—”π—šπ—•π—”π—₯π—œπ—Ÿπ—”π—‘ π—œπ—¦Isang...
17/09/2026

π—˜π——π—¨π—žπ—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—” | π— π—”π—žπ—”π—¦π—”π—¬π—¦π—”π—¬π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—Ÿπ—”π—šπ——π—” π—‘π—š π—Ÿπ—˜π—”π—¦π—˜ π—”π—šπ—₯π—˜π—˜π— π—˜π—‘π—§, π—£π—”π—šπ—•π—œπ—•π—œπ—šπ—”π—¬ π—‘π—š π—žπ—”π—₯π—”π—šπ——π—”π—šπ—”π—‘π—š π—Ÿπ—˜π—”π—₯π—‘π—œπ—‘π—š π—¦π—£π—”π—–π—˜ 𝗦𝗔 π—£π—œπ—‘π—”π—šπ—•π—”π—₯π—œπ—Ÿπ—”π—‘ π—œπ—¦

Isang makasaysayang hakbang tungo sa pagtugon sa pangangailangan sa silid-aralan ang isinagawa ngayong ika-17 ng Setyembre sa tanggapan ng DepEd City of Baliwag sa pamamagitan ng pormal na paglagda sa Contract Agreement for the Lease of Real Property for Classroom Usage at Pinagbarilan Integrated School (IS), na popondohan gamit ang National Fund ng Kagawaran ng Edukasyon.

Pinangunahan ni Schools Division Superintendent Rowena Tizon-Quiambao, CESO V, kasama ang ilang kawani mula sa Schools Division Office of City of Baliwag, ang nasabing paglagda. Kabilang din sa mga dumalo sina Dr. Jonah F. Quizon, Punongg**o ng Pinagbarilan Integrated School, at G. Danilo Bugay, may-ari ng real property na uupahan.

Layunin ng proyekto na makapaglaan ng karagdagang learning space para sa mga mag-aaral ng Pinagbarilan IS na matatandaang naging ganap na Integrated Schoool nito lamang nakaraang taon, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Kagawaran ng Edukasyon na matugunan ng mabilis ang pangangailangan sa classroom facilities at matiyak ang pagkakaroon ng sapat, ligtas, at angkop na lugar para sa pagkatuto.

Ang real property na paksa ng kasunduan ay dating ginagamit bilang pribadong paaralan. Sa pamamagitan ng pag-upa rito, mapakikinabangan ang isang umiiral na pasilidad para sa layuning pang-edukasyon, na makatutulong sa mas maayos na pag-oorganisa ng mga klase at sa paglikha ng mas angkop na learning environment para sa mga mag-aaral.

Ang pagpopondo mula sa National Fund ng Kagawaran ng Edukasyon ay bahagi ng mga hakbang upang maisakatuparan ang mga proyektong tumutugon sa aktuwal na pangangailangan ng mga paaralan. Ipinapakita nito ang patuloy na pagtutok ng Kagawaran sa pagpapalawak ng access sa learning facilities at sa pagpapatibay ng mga serbisyong pang-edukasyon.

Higit pa sa isang kasunduan, ang contract signing ay sumasalamin sa pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor upang maisulong ang kapakanan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga ganitong hakbang, patuloy na isinusulong ng DepEd ang layuning magkaroon ang bawat mag-aaral ng mas maayos at angkop na kapaligiran para sa pagkatuto.

Dangal at Husay sa Paglilingkod sa Edukasyonβ€”para sa bawat batang BaliwagHenyo!




16/09/2026

Happy Birthday Sir Michael πŸŽ‰πŸŽˆπŸŽπŸ₯³
Enjoy your day!πŸ˜‡

16/09/2026

Happy Birthday Ma’am Maylene πŸŽ‰πŸŽˆπŸŽπŸ₯³
Enjoy your day!πŸ˜‡

May teacher tayong hindi natin malilimutan dahil sa aral, tiwala, at inspirasyong iniwan nila sa atin. πŸ’›Ngayong National...
13/09/2026

May teacher tayong hindi natin malilimutan dahil sa aral, tiwala, at inspirasyong iniwan nila sa atin. πŸ’›

Ngayong National Teachers’ Month, balikan natin ang g**ong naging bahagi ng ating kuwento. Mag-iwan ng mensahe sa comments at pasalamatan si Ma’am o Sir sa inspirasyong ibinigay niya sa’yo.

Para sa lahat ng g**ong patuloy na gumagabay, nagtuturo, at naniniwala sa bawat learner, maraming salamat! ✨

π— π—”π—Ÿπ—œπ—šπ—”π—¬π—”π—‘π—š π—žπ—”π—”π—₯𝗔π—ͺ𝗔𝗑, 𝗣π—₯π—˜π—¦π—œπ——π—˜π—‘π—§ π—™π—˜π—₯π——π—œπ—‘π—”π—‘π—— β€œπ—•π—’π—‘π—šπ—•π—’π—‘π—šβ€ π—₯. 𝗠𝗔π—₯𝗖𝗒𝗦 𝗝π—₯.!Taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating Pa...
13/09/2026

π— π—”π—Ÿπ—œπ—šπ—”π—¬π—”π—‘π—š π—žπ—”π—”π—₯𝗔π—ͺ𝗔𝗑, 𝗣π—₯π—˜π—¦π—œπ——π—˜π—‘π—§ π—™π—˜π—₯π——π—œπ—‘π—”π—‘π—— β€œπ—•π—’π—‘π—šπ—•π—’π—‘π—šβ€ π—₯. 𝗠𝗔π—₯𝗖𝗒𝗦 𝗝π—₯.!

Taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating Pangulo na patuloy na nangunguna sa pagsusulong ng isang Bagong Pilipinas, isang bansang nagkakaisa, matatag, maunlad, at may malasakit sa bawat Pilipino.

Ang inyong marangal at mahusay na pamumuno ay nagsisilbing inspirasyon sa mga lingkod-bayan na patuloy na naglilingkod nang may integridad, dedikasyon, at malasakit. Sa sama-samang pagkilos at pagtutulungan, patuloy nating hinaharap ang mga hamon at isinusulong ang mga pagbabagong naglalayong maghatid ng mas magandang kinabukasan para sa sambayanang Pilipino.

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng ating Dakilang Diyos ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas, at patnubay upang higit ninyong mapangunahan ang bansa tungo sa katuparan ng adhikain para sa isang Bagong Pilipinas.

π‘―π’‚π’‘π’‘π’š π‘©π’Šπ’“π’•π’‰π’…π’‚π’š, 𝑴𝒓. π‘·π’“π’†π’”π’Šπ’…π’†π’π’•! πŸŽ‚πŸ‡΅πŸ‡­

Nawa’y maging makabuluhan at puno ng pagpapala ang inyong bagong taon ng buhay. Patuloy nawa kayong maging gabay at inspirasyon sa pagtataguyod ng marangal na pamumuno, mahusay na serbisyo, at isang Bagong Pilipinas.

Pagbati mula sa pamilya ng DepEd City of Baliwag!





TULONG AT MALASAKIT SA KABATAAN: PINAGBARILAN INTEGRATED SCHOOL, TUMANGGAP NG 62 ARMCHAIRS MULA SA MY FUN ENTERPRISES! πŸ¦…...
11/09/2026

TULONG AT MALASAKIT SA KABATAAN: PINAGBARILAN INTEGRATED SCHOOL, TUMANGGAP NG 62 ARMCHAIRS MULA SA MY FUN ENTERPRISES! πŸ¦…βœ¨

Isang malaking biyaya at tulong para sa ating mga mag-aaral ang pormal na tinanggap ng Pinagbarilan Integrated School sa pamamagitan ng donasyong 62 armchairs mula sa ating mapagpalang katuwang, ang Fun Enterprises!

Ang naturang turn-over ay personal na kinatawan nina G. Rain Reyes at Gng./Bb. Roxanne Reyes, na buong pusong naghatid ng unang batch (first batch) ng mga upuan para sa ating paaralan.

Ang mga karagdagang armchairs na ito ay magdudulot ng:

πŸ“š Mas komportableng silid-aralan: Titiyakin ang maayos at kaaya-ayang upuan ng ating mga mag-aaral sa oras ng kanilang mga klase.

✍️ Mas tutok na pag-aaral: Makatutulong upang mapanatili ang magandang postura, konsentrasyon, at sigla sa pagsusulat at pakikinig.

🀝 Matatag na ugnayan: Patunay ng buhay na diwa ng bayanihan sa pagitan ng ating paaralan at ng mga pribadong katuwang sa komunidad.

Taos-pusong pasasalamat mula sa buong pamunuan, kaguruan, magulang, at mga mag-aaral ng Pinagbarilan Integrated School sa pamunuan ng My Fun Enterprises, lalo't higit kina Mr. Rain Reyes at Roxanne Reyes, sa inyong wagas na malasakit at suporta sa edukasyon ng ating mga kabataan na may Talento at Talino! πŸ’™πŸ‘

https://www.facebook.com/MyFunEnterprises

Jonah Francisco-Quizon, PhD
School Principal I

Engr. Lhio Roem Dela Cruz, PhD
Public Schools District Supervisor, District 7

πŸ“ Pinagbarilan Integrated School
City of Baliwag, Bulacan
District 7 - SDO of City of Baliwag

πŸͺ‘ TULONG AT MALASAKIT SA KABATAAN: PINAGBARILAN INTEGRATED SCHOOL, TUMANGGAP NG 62 ARMCHAIRS MULA SA MY FUN ENTERPRISES!...
11/09/2026

πŸͺ‘ TULONG AT MALASAKIT SA KABATAAN: PINAGBARILAN INTEGRATED SCHOOL, TUMANGGAP NG 62 ARMCHAIRS MULA SA MY FUN ENTERPRISES! πŸ¦…βœ¨

Isang malaking biyaya at tulong para sa ating mga mag-aaral ang pormal na tinanggap ng Pinagbarilan Integrated School sa pamamagitan ng donasyong 62 armchairs mula sa ating mapagpalang katuwang, ang Fun Enterprises!

Ang naturang turn-over ay personal na kinatawan nina G. Rain Reyes at Gng./Bb. Roxanne Reyes, na buong pusong naghatid ng unang batch (first batch) ng mga upuan para sa ating paaralan.

Ang mga karagdagang armchairs na ito ay magdudulot ng:

πŸ“š Mas komportableng silid-aralan: Titiyakin ang maayos at kaaya-ayang upuan ng ating mga mag-aaral sa oras ng kanilang mga klase.

✍️ Mas tutok na pag-aaral: Makatutulong upang mapanatili ang magandang postura, konsentrasyon, at sigla sa pagsusulat at pakikinig.

🀝 Matatag na ugnayan: Patunay ng buhay na diwa ng bayanihan sa pagitan ng ating paaralan at ng mga pribadong katuwang sa komunidad.

Taos-pusong pasasalamat mula sa buong pamunuan, kaguruan, magulang, at mga mag-aaral ng Pinagbarilan Integrated School sa pamunuan ng My Fun Enterprises, lalo't higit kina Mr. Rain Reyes at Roxanne Reyes, sa inyong wagas na malasakit at suporta sa edukasyon ng ating mga kabataan na may Talento at Talino! πŸ’™πŸ‘

https://www.facebook.com/MyFunEnterprises

Jonah Francisco-Quizon, PhD
School Principal I

Engr. Lhio Roem Dela Cruz, PhD
Public Schools District Supervisor, District 7

πŸ“ Pinagbarilan Integrated School
City of Baliwag, Bulacan
District 7 - SDO of City of Baliwag

MY FUN ENTERPRISES is a duly registered company which aims to deliver outstanding printing services (tarpaulins for posters/banners, tarpaulins for billboards, Sticker on sintra board printing, photographic materials, acrylic signages, LED signages.

Address

Sta. Lucia Street Pinagbarilan Baliwag, Bulacan
Baliuag
3006

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Pinagbarilan Integrated School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Pinagbarilan Integrated School:

Shortcuts

Share

Category