OLM Institute of Science and Technology Inc.

OLM Institute of Science and Technology Inc.

Share

Official Page of formerly OLM Institute & Skills Training Center for Allied Courses Inc. - Baliwag

18/08/2026

ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS AND ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS FOR GOVERNMENT OFFICES

Alinsunod sa inilabas na memorandum ng MalacaΓ±ang, kabilang ang Bulacan sa mga lugar na magsasagawa ng alternative work arrangements para sa mga pampublikong tanggapan bukas, Miyerkules, August 19, 2026, dahil sa patuloy na sama ng panahon na dulot ng Southwest Monsoon (Habagat).

Para naman sa mga paaralan, ipatutupad ang alternative learning modes para sa mga klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.

18/08/2026

πŸ’™πŸ’™πŸ’™

16/08/2026

NO FACE-TO-FACE CLASSES

Mga anak, batay sa ating weather forecast, may posibilidad na makaranas ang Lungsod ng Baliwag ng mahina hanggang sa malakas na pag-ulan bukas, Lunes, August 17, 2026.

Dahil dito, mas mabuti na wala munang face-to-face classes sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa ating lungsod upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral.

Patuloy namang isasagawa ng mga paaralan ang nararapat na alternative learning modalities upang hindi maputol ang pag-aaral ng mga estudyante.

Ibayong pag-iingat po!

10/08/2026

NO FACE-TO-FACE CLASSES

Mga anak, shift to Alternative Learning Modality muna ulit para sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan, bukas, Martes, August 11, dahil pa rin sa nararanasang sama ng panahon dulot ng Habagat.

Bagama't walang face-to-face classes, tuloy pa rin ang pagkatuto sa pamamagitan ng alternative learning modalities na ipatutupad ng inyong mga paaralan.
Ibayong pag-iingat, mga Baliwagenyo!

05/08/2026

Keep safe & dry OLMians! πŸ’šπŸ’›πŸ’š

WALANG PASOK SA MGA TANGGAPAN NG GOBYERNO AT KLASE SA LAHAT NG ANTAS SA AGOSTO 6

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 122, suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa:

πŸ“ National Capital Region (NCR)
πŸ“ Ilocos Sur
πŸ“ La Union
πŸ“ Benguet
πŸ“ Pangasinan
πŸ“ Abra
πŸ“ Zambales
πŸ“ Kalinga
πŸ“ Mountain Province
πŸ“ Ifugao
πŸ“ Ilocos Norte
πŸ“ Apayao
πŸ“ Nueva Vizcaya
πŸ“ Tarlac
πŸ“ Nueva Ecija
πŸ“ Bataan
πŸ“ Pampanga
πŸ“ Bulacan
πŸ“ Rizal
πŸ“ Cavite
πŸ“ Batangas
πŸ“ Laguna
πŸ“ Occidental Mindoro

Ang mga ahensyang ang tungkulin ay ang paghahatid ng basic at health services, kahandaan at pagtugon sa sakuna at kalamidad, at/o iba pang mahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon.

05/08/2026

WALANG PASOK

Mga kalungsod, alinsunod sa inanunsyo ng MalacaΓ±ang, SUSPENDIDO ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan at trabaho sa mga pampublikong tanggapan sa Bulacan bukas, Huwebes, Agosto 6, dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Tropical Storm Maymay at Habagat.

Mananatiling bukas at tuloy-tuloy ang operasyon ng mga ahensyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo, serbisyong pangkalusugan, pagtugon sa kalamidad, at iba pang mahahalagang serbisyo.

Samantala, ang suspensyon ng trabaho sa mga pribadong kumpanya at tanggapan ay nakasalalay sa pagpapasya ng kani-kanilang pamunuan.

Pinapayuhan ang lahat ng Baliwagenyo na manatiling ligtas, maging mapagmatyag, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo. Magbaon ng payong o anumang panangga sa ulan kung lalabas ng bahay.

02/08/2026

Mga kalungsod, HINAY muna sa pag-aaral sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Baliwag bukas, araw ng Lunes, Agosto 3, 2026, bunsod ng masamang panahon na dulot ng Tropical Depression Luis at Habagat.

Suspendido muna ang face-to-face classes at hinihikayat ang lahat ng paaralan na magpatupad ng anumang naaangkop na Alternative Learning Modality upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Pinapayuhan ang lahat ng Baliwagenyo na manatiling alerto at laging handa sa posibleng pagbaha at iba pang panganib na dulot ng patuloy na pag-ulan. Ugaliing nakasubaybay sa official advisories at weather updates mula sa PAGASA at sa Pamahalaang Lungsod ng Baliwag.

Kung mayroon emergency situation, magtext o tumawag sa Baliwag City Hotlines: 09399997827 / 09175057827.

Ibayong pag-iingat, mga anak!

22/07/2026

PRELIMS at UNIT TEST na!
Good luck, OLMIANS πŸ’šπŸ’›
Oppppsss. Wag kalimutan ang Exam Essentials natin πŸ€”πŸ™ˆπŸ™Š

Want your school to be the top-listed School/college in Baliuag?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address

Baliuag
3006