DepEd San Jose Elementary School-City of Baliwag

DepEd San Jose Elementary School-City of Baliwag

Share

BE YOUR BEST AT SJES!

18/08/2026

Magandang buhay, San Joseans!

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 129 mula sa Office of the President, ipatutupad ang Alternative Learning Modes sa mga paaralan sa Bulacan bukas, August 19, 2026.

Mangyaring antabayanan ang mga learning activities na ibibigay ng inyong mga g**o sa inyong mga group chats para sa pagpapatuloy ng pagkatuto.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Ingat, San Joseans.

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS FOR GOVERNMENT OFFICES, ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON AUGUST 19

Pursuant to Memorandum Circular No. 129, government offices are directed to implement appropriate alternative work arrangements in the National Capital Region and the following provinces on August 19, 2026:

πŸ“ National Capital Region (NCR)
πŸ“ Abra
πŸ“ Benguet
πŸ“ Ilocos Sur
πŸ“ La Union
πŸ“ Pangasinan
πŸ“ Bataan
πŸ“ Bulacan
πŸ“ Nueva Ecija
πŸ“ Pampanga
πŸ“ Tarlac
πŸ“ Zambales
πŸ“ Batangas
πŸ“ Cavite
πŸ“ Laguna
πŸ“ Rizal
πŸ“ Occidental Mindoro
πŸ“ Oriental Mindoro

Unless otherwise directed by their respective Local Chief Executives, alternative learning modes for classes and learning continuity measures at all levels in public and private schools shall be implemented in the aforementioned areas.

Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.

Photos from Master Ceddi's post 18/08/2026
17/08/2026

Magandang buhay, San Joseans!

Walang face-to-face classes bukas, Agosto 18 dahil sa patuloy na sama ng panahon dulot ng Habagat. Abangan ang mga learning activities mula sa inyong mga g**o.

Stay safe, San Joseans!

ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS AND ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS FOR GOVERNMENT OFFICES

Alinsunod sa inilabas na Memorandum Circular No. 128 ng MalacaΓ±ang, kabilang ang Bulacan sa mga lugar na magsasagawa ng alternative work arrangements para sa mga pampublikong tanggapan bukas, Martes, August 18, 2026, dahil sa patuloy na sama ng panahon na dulot ng Southwest Monsoon (Habagat).

Para naman sa mga paaralan, ipatutupad ang alternative learning modes para sa mga klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.

16/08/2026

DRRM INFO WALL | Ang kaligtasan ay nagsisimula sa kaalaman at kahandaan.

16/08/2026

Magandang buhay, San Joseans!

πŸ“’ WALANG FACE-TO-FACE CLASSES BUKAS, LUNES, AGOSTO 17, 2026

Alinsunod sa anunsyo ni Mayor Mommy Sonia Estrella, walang isasagawang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Baliwag bukas, bilang pag-iingat sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o at kawani.

Batay sa weather forecast, may posibilidad na makaranas ang Baliwag ng mahina hanggang sa malakas na pag-ulan. Dahil dito, minabuti ng Pamahalaang Lungsod na pansamantalang huwag munang magsagawa ng face-to-face classes upang maiwasan ang anumang panganib at abala dulot ng masamang panahon.

Isasagawa ng San Jose Elementary School ang nararapat na Alternative Delivery Modalities (ADM) upang maipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng suspensyon ng face-to-face classes.

Mga minamahal naming San Joseans, unahin natin ang kaligtasan. Manatili sa ligtas na lugar, maging mapagmatyag sa lagay ng panahon, at patuloy na makipag-ugnayan sa ating mga g**o para sa mga kinakailangang learning activities.

Mag-ingat po tayong lahat at manatiling ligtas!

NO FACE-TO-FACE CLASSES

Mga anak, batay sa ating weather forecast, may posibilidad na makaranas ang Lungsod ng Baliwag ng mahina hanggang sa malakas na pag-ulan bukas, Lunes, August 17, 2026.

Dahil dito, mas mabuti na wala munang face-to-face classes sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa ating lungsod upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral.

Patuloy namang isasagawa ng mga paaralan ang nararapat na alternative learning modalities upang hindi maputol ang pag-aaral ng mga estudyante.

Ibayong pag-iingat po!

16/08/2026

Happy birthday, Ma'am Ma. Carolina M. Sulit! πŸŽ‰

May God continue to bless you with good health, genuine happiness and many more meaningful years. May all the goodness you have given to others return to you a hundredfold.

15/08/2026

Mabuhay ang lalawigang hitik sa kasaysayan, kultura, kabayanihan at mga Bulakenyong patuloy na nagbibigay dangal sa ating bayan!

Maligayang ika-448 Guning Taong Pagkakatatag ng Dakilang Lalawigan ng Bulacan!




Maligayang ika-448 Guning Taong Pagkakatatag ng Dakilang Lalawigan ng Bulacan!


14/08/2026

Magandang buhay, San Joseans!

Alamin ang 72-Hour Survivor Kit at Emergency Hotlines!

Sa panahon ng bagyo, lindol, baha, sunog at iba pang emergency, ang kahandaan ay mahalagang bahagi ng kaligtasan.

Ang pagkakaroon ng 72-Hour Survivor Kit o Go Bag ay makatutulong upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng pamilya sa unang tatlong araw ng isang emergency.

Alamin din ang EMERGENCY HOTLINES!
Sa larawan, makikita ang mahahalagang contact numbers ng Provincial Disaster Office, CDRRMO–City of Baliwag, Mayor’s Office, School Principal’s Office, Baliwag City Hotline, Barangay San Jose, at iba pang emergency responders.

San Joseans, huwag nating hintaying dumating ang emergency bago tayo maghanda.
Ang simpleng pag-iimpok ng supplies, pag-alam sa evacuation plan, at pag-save ng emergency hotlines ay maaaring makapagligtas ng buhay.

Maging mapagmatyag.
Maging handa.
Maging ligtas.

Bida ang Handa, San Joseans! πŸ’š

Thank you, Kuya Froilan Silva! πŸŽ¨πŸ–ŒοΈ

13/08/2026

San Joseans, mahalaga na alam natin ang DepEd Emergency Learning Continuity Framework. Ito ay gabay upang matiyak na ang kaligtasan, kapakanan at pagpapatuloy ng pagkatuto ng ating mga mag-aaral ay napangangalagaan sa panahon ng emergencies at disasters.

Ayon sa DepEd Order No. 014, s. 2026, ang Learning Continuity Framework ay nagbibigay ng gabay sa pagpili at pag-aangkop ng learning experiences batay sa antas ng kaligtasan at kahandaan ng mga learners. Nakapaloob dito ang apat na antas:

🟒 HAYO (GO) - normal operations at full learning activities
🟑 HINAY (EASE-IN) - may adjustment, flexible schedules, at reduced workload
🟠 HINGA (PAUSE) - pansamantalang paghinto/adjustment upang unahin ang safety at well-being
πŸ”΄ HINTO (STOP) - matinding emergency kung saan kaligtasan at agarang pagtugon ang pangunahing prayoridad.

Hindi lamang ito tungkol sa pagpapatuloy ng klase. Ito ay tungkol sa paggawa ng tamang desisyon sa tamang panahon dahil sa oras ng emergency, kaligtasan muna bago lahat.

San Joseans, maging mulat. Maging handa. Maging ligtas.

Thank you, Kuya Froilan Silva! πŸŽ¨πŸ–ŒοΈ

13/08/2026

🌧️ FACE-TO-FACE CLASSES REMAIN SUSPENDED

Magandang buhay, San Joseans!

Alinsunod sa anunsyo ni Mayor Mommy Sonia V. Estrella, dahil sa patuloy na pag-ulan, suspendido muli ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Baliwag bukas, Biyernes, Agosto 14, 2026.

Kahit nasa bahay tayo, tuloy pa rin ang pag-aaral. Gamitin natin ang oras na ito upang magbasa, mag-review, tapusin ang mga gawain, at patuloy na makinig at makipag-ugnayan sa inyong mga g**o.

Higit sa lahat, kaligtasan muna. Manatili sa ligtas na lugar, iwasang lumabas kung hindi kinakailangan, at patuloy na makinig sa mga opisyal na anunsyo.

Ingat, San Joseans! πŸ™

FACE-TO-FACE CLASSES REMAIN SUSPENDED

Mga anak, dahil patuloy pa rin ang pag-ulan, suspendido muli ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Baliwag bukas, Biyernes, August 14, 2026.

Kahit nasa bahay, tuloy pa rin ang pag-aaral. Gamitin ang oras na ito para magbasa, mag-review, tapusin ang mga gawain, at makinig sa inyong mga g**o.

Manatiling ligtas, mga anak!

Want your school to be the top-listed School/college in Baliuag?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


J. P Rizal Street , San Jose, Baliuag Bulacan
Baliuag

Opening Hours

Monday 6am - 5am
Tuesday 6am - 5am
Wednesday 6am - 5am
Thursday 6am - 5am
Friday 6am - 5am
Saturday 6am - 5am