DepEd Sto. Niño High School-City of Baliwag

DepEd Sto. Niño High School-City of Baliwag

Share

This is the Official page of Sto. Niño High School.

𝙈𝘼𝙃𝘼𝙇𝘼𝙂𝘼𝙉𝙂 𝙋𝘼𝘼𝙇𝘼𝙇𝘼: Tiyakin ang laging pagsunod sa health and safety protocols kung magtutungo sa paaralan. Para sa mga katanungan o ilan pang impormasyon, maaaring magpadala ng mensahe sa page na ito o makipag-ugnayan sa numero at email address na nakasaad sa Official page na ito.

𝗥𝗘𝗤𝗨𝗜𝗥𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗡𝗥𝗢𝗟𝗟𝗘𝗘/𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗙𝗘𝗥𝗘𝗘:
• Birth certificate
• SF9/Report Card

𝘗𝘳𝘰𝘴𝘦𝘴𝘰:
1. Magpunta s

17/08/2026

ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS AND ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS FOR GOVERNMENT OFFICES

Alinsunod sa inilabas na Memorandum Circular No. 128 ng Malacañang, kabilang ang Bulacan sa mga lugar na magsasagawa ng alternative work arrangements para sa mga pampublikong tanggapan bukas, Martes, August 18, 2026, dahil sa patuloy na sama ng panahon na dulot ng Southwest Monsoon (Habagat).

Para naman sa mga paaralan, ipatutupad ang alternative learning modes para sa mga klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.

16/08/2026

NO FACE-TO-FACE CLASSES

Mga anak, batay sa ating weather forecast, may posibilidad na makaranas ang Lungsod ng Baliwag ng mahina hanggang sa malakas na pag-ulan bukas, Lunes, August 17, 2026.

Dahil dito, mas mabuti na wala munang face-to-face classes sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa ating lungsod upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral.

Patuloy namang isasagawa ng mga paaralan ang nararapat na alternative learning modalities upang hindi maputol ang pag-aaral ng mga estudyante.

Ibayong pag-iingat po!

15/08/2026

Ngayong ipinagdiriwang ng Lalawigan ng Bulacan ang ika-448 Anibersaryo ng Pagkakatatag nito, binibigyang-halaga natin ang isang mahalagang yugto sa ating pagkakakilanlan bilang mga Bulakenyo. Ang araw na ito ay hindi lamang paggunita sa nakaraan, kundi pagkilala rin sa mga kuwento, tradisyon, at pagpapahalagang patuloy na bumubuo sa ating lalawigan.

Sa mahabang paglalakbay ng Bulacan, maraming salinlahi ang nag-ambag sa paghubog nito bilang isang lalawigang may matibay na paninindigan at mahalagang papel sa kasaysayan ng bansa. Mula sa mga pamanang iniwan ng ating mga ninuno hanggang sa mga ambag ng mga Bulakenyong patuloy na nagsisilbi at nagsisikap para sa kanilang kapwa, nananatiling buhay ang diwa ng pagiging tunay na Bulakenyo.

Nawa’y patuloy nating pahalagahan at pangalagaan ang ating kasaysayan at kultura, habang sama-sama nating hinuhubog ang isang mas matatag, maunlad, at dakilang Bulacan para sa mga susunod na henerasyon.

Maligayang ika-448 Anibersaryo ng Pagkakatatag, Lalawigan ng Bulacan!

13/08/2026

𝐍𝐨𝐭 𝐣𝐮𝐬𝐭 𝐚 𝐥𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚 𝐭𝐢𝐭𝐥𝐞, 𝐛𝐮𝐭 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐭𝐫𝐮𝐞 𝐝𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧. ✨️

Taos-pusong pagbati kay 𝑪𝑯𝑨𝑹𝑴𝑨𝑬 𝑺𝑨𝑳𝑽𝑨𝑫𝑶𝑹 sa pagkamit ng unang ranggo bilang City Junior Councilor!

Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa tiwala, suporta, at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa iyong pamumuno at dedikasyon sa paglilingkod sa ating komunidad. Isang kahanga-hangang tagumpay na kumakatawan sa boses at kakayahan ng kabataan!

Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang higit pang maitaguyod ang tapat, responsable, at makabuluhang serbisyong pampubliko.

𝙄𝙥𝙖𝙜𝙥𝙖𝙩𝙪𝙡𝙤𝙮 𝙢𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙩𝙖𝙜𝙪𝙢𝙥𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙡𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜𝙠𝙤𝙙.

📷: Daniel G. Domingo | SSLG President
✍️: Shamiera Angel Comboy | SSLG G7 Representative



13/08/2026

FACE-TO-FACE CLASSES REMAIN SUSPENDED

Mga anak, dahil patuloy pa rin ang pag-ulan, suspendido muli ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Baliwag bukas, Biyernes, August 14, 2026.

Kahit nasa bahay, tuloy pa rin ang pag-aaral. Gamitin ang oras na ito para magbasa, mag-review, tapusin ang mga gawain, at makinig sa inyong mga g**o.

Manatiling ligtas, mga anak!

12/08/2026

NO FACE-TO-FACE CLASSES

Dahil sa patuloy na pag-ulan na ating nararanasan, suspendido muna ulit ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Baliwag, bukas, Agosto 13, 2026, Huwebes.

Patuloy namang isasagawa ng mga paaralan ang nararapat na alternative learning modalities upang hindi maputol ang pag-aaral ng mga estudyante.

Manatiling alerto at mag-ingat, mga Baliwagenyo!

10/08/2026

NO FACE-TO-FACE CLASSES

Mga anak, shift to Alternative Learning Modality muna ulit para sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan, bukas, Martes, August 11, dahil pa rin sa nararanasang sama ng panahon dulot ng Habagat.

Bagama't walang face-to-face classes, tuloy pa rin ang pagkatuto sa pamamagitan ng alternative learning modalities na ipatutupad ng inyong mga paaralan.
Ibayong pag-iingat, mga Baliwagenyo!

09/08/2026

𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 | 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗘𝗩𝗔𝗖𝗨𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Bilang pag-iingat sa patuloy na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon (Habagat) at dahil sa mataas na lebel ng tubig sa ilog, ipinatutupad ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag ang FORCED EVACUATION sa mga flood-prone areas na maaaring maapektuhan ng pagbaha, partikular sa mga lugar na malapit sa Angat River System.

Inatasan ang mga Evacuation Team, CDRRMO, PNP, BFP, BJMP, katuwang na barangay, at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committees (BDRRMC) na magsagawa ng agarang paglikas sa mga residenteng nasa mga lugar na may mataas na panganib ng pagbaha.

Sa mga residenteng sakop ng forced evacuation, mangyaring lumikas agad at huwag nang hintaying tumaas pa ang tubig. Nakahanda ang mga evacuation centers at evacuation teams upang tumulong sa inyong paglikas.

Agad nating inatasan ang ating mga Barangay Health Workers na mamahagi ng doxycycline sa mga lumikas bilang pag-iingat laban sa leptospirosis.

Para sa mga nakalubog sa baha o may exposure sa maruming tubig, agad na lumapit sa inyong Barangay Health Center para sa tamang payo at agarang medical assistance.

Mahigpit din na ipinagbabawal ang anumang aktibidad sa mga patubig, sapa, at ilog, gayundin ang pagbebenta at pag-inom ng alak.

Patuloy na makipag-ugnayan sa inyong barangay at sa Baliwag City CDRRMO para sa mga kinakailangang impormasyon at assistance.

📞 BALIWAG CITY HOTLINES:
0917-505-7827 / 0939-999-7827

📞 BALIWAG CITY HEALTH OFFICE:
798-0391 (7481)

📞 BALIWAG CITY – PNP:
(044) 766-2328 / 0933-876-5386 / 0998-589-5375

📞 BALIWAG CITY – BFP:
(044) 764-7658 / 0942-352-7440 / 0963-303-5238

Manatiling ligtas, Baliwagenyo.


09/08/2026

WALANG PASOK

Alinsunod sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), suspendido ang lahat ng klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong Bulacan, bukas, Lunes, Agosto 10, 2026.

Ang suspensyon ay ipinatutupad bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng pinalakas na Southwest Monsoon (Habagat), na maaaring magdulot ng patuloy na pag-ulan at iba pang panganib sa kaligtasan at pagbiyahe ng mga mag-aaral, g**o, at kawani.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, ligtas, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng paaralan at ng mga kinauukulang ahensya para sa mga susunod na update.

09/08/2026

Baliwag City Evacuation Centers

Want your school to be the top-listed School/college in Baliuag?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Sto. Niño High School, Sto. Niño, Baliwag, Bulacan
Baliuag
3006

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm