05/08/2026
Sa bawat salitang binibigkas, may kasaysayang isinasalaysay. Sa bawat wikang ginagamit, may pusong Pilipinong namamayani. ๐ต๐ญ
Kaisa ang Maranatha Christian Academy of Aklan, Inc. sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026.
Ngayong Agosto, ating parangalan ang Wikang Filipino. Ang wikang nag-uugnay sa ating nakaraan, gumagabay sa ating kasalukuyan, at nagbibigay-liwanag sa kinabukasan. Sa panahon ng makabagong teknolohiya at Artificial Intelligence, higit nating patunayan na ang sariling wika ay hindi naluluma, bagkus ay lalong nagiging makabuluhan bilang kasangkapan sa karunungan, pananaliksik, at paghubog ng susunod na henerasyon.
"Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."
Halina't ipagmalaki ang ating wika, yakapin ang ating kultura, at sama-samang itanghal ang diwang Pilipino.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa! ๐ต๐ญ๐๐