14/09/2026
Lubos ang aming pasasalamat sa tagumpay na ito bilang District Champion sa Gulayan sa Paaralan Program Evaluation 2026. Ang pagkilalang ito ay bunga ng sama samang pagsisikap, pagmamahal, at dedikasyon ng buong pamilya ng Real Elementary School.
Maraming salamat sa aming mga magulang sa walang sawang suporta at pakikiisa, sa aming mga g**o at kawani sa kanilang malasakit, tiyaga, at patuloy na paggabay, sa aming mga mag aaral na naging inspirasyon at katuwang sa pagpapaunlad ng ating gulayan, at sa aming mga stakeholders at katuwang sa komunidad na patuloy na nagbibigay ng suporta upang maisakatuparan ang ating mga programa.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang tropeo kundi simbolo ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pagmamalasakit para sa mas malusog na mag aaral at mas luntiang paaralan.
Sama sama nating pinatutunayan na kapag ang bawat isa ay nagtatanim ng malasakit, ang ani ay tagumpay para sa lahat. πΏπ
Mabuhay ang Real Elementary School Family! π