17/09/2026
๐๐ฆ๐๐ข๐ง, ๐๐ช๐ ๐ก๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐-๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ
16 Setyembre 2026 | Aurora โ Nagkasundo ang Aurora State College of Technology (ASCOT) at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na itaguyod ang Language Immersion Program tulad ng Bahay-Wika at Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP) sa komunidad ng Alta sa Brgy. Diteki, San Luis Aurora. Layunin ng inisyatibang ito na pangalagaan, pasiglahin, at maipasa sa susunod na salinlahi ang katutubong wika at kultura ng mga Alta sapagkat ito ay isa sa mga nanganganib na wika na sa Pilipinas.
Isinagawa ang isang pagpupulong sa tanggapan ng Pangulo ng ASCOT upang talakayin ang mga layunin, proseso, at mahahalagang hakbang sa pagtatatag at pagpapatupad ng Programang Bahay-Wika at MALLP. Nakipagpulong si Ma. Victoria G. Corrige-Casoy, Linguistic Specialist ng Sangay ng Lingguwistika, Publikasyon at Promosyon (SLPP) ng KWF, kina G. Joseph T. Gonzales, Board Secretary V, at Bb. Angelica Vallejo, Direktor ng ASCOTโSentro ng Wika at Kultura.
Binigyang-diin sa pagpupulong ang tungkulin ng ASCOT bilang katuwang ng KWF:
1. Pagsasagawa ng oryentasyong pangkultura sa komunidad
2. Pangangasiwa sa pagpaplano ng komunidad
3. Paghahanda ng mga materyales at mga kagamitang pampagkatuto para
sa Bahay-Wika at MALLP
4. Pagdaraos ng mga oryentasyon at pagsasanay sa komunidad
5. Pagsasagawa ng assessment at monitoring ng programa
6. Pakikiisa sa mga gawain na may kaugnayan sa programa
Kabilang sa mahahalagang katuwang sa pagsusulong ng programa ang Komunidad ng Diteki, Pamahalaang Bayan ng San Luis, Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora, at Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa Aurora.
Sa ilalim ng Programang Bahay-Wika at MALLP, na may pangunahing layunin na pasiglahin muli ang mga wikang nasa kalagayang nanganganib nang mawala gaya ng wikang Alta. Layunin din ng programang pangwika na ito na tulungang maituro at maipasa sa bagong henerasyon at sa susunod pa ang katutubong wika upang mapanatili pa ang pag-iral nito. Nakatuon ang programang ito sa kabataang may edad dalawang taong gulang hanggang apat na taong gulang.
Bilang bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng KWF at ASCOT, nagbigay rin si Bb. Casoy ng kopya ng Manwal sa Programang Bahay-Wika, na magsisilbing gabay sa pagpaplano, pagtatatag, at pagpapatupad ng mga gawaing nakatuon sa pangangalaga at pagpapasigla ng mga nanganganib na katutubong wika sa Pilipinas.
Ang paghahanda para sa pagpapatupad ng Bahay-Wika at MALLP para sa pamayanang Alta sa Komunidad ng Diteki ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mga hakbangin para sa pangangalaga ng pamanang pangwika at pangkultura ng mga katutubo. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga institusyong pang-edukasyon, pamahalaan, pamayanan, at mga katutubong tagapagsalita, layunin ng programa na mapanatiling buhay ang wikang Alta at mapalakas ang paggamit nito sa loob ng pamayanan.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungang ito, higit na napalalakas ng ASCOT at KWF ang kanilang mga hakbangin para sa isang edukasyong kumikilala at nagpapahalaga sa wika, kultura, at pagkakakilanlan ng mga pamayanang katutubo. Kinikilala rin ng ASCOT ang mahalagang papel nito sa pagsuporta sa mga programang naglalayong mapangalagaan at mapasigla ang wikang Alta, isang wikang nangangailangan ng patuloy na suporta, paggamit, at pagpapasa sa susunod na salinlahi.
Sa pagpapatuloy ng ugnayan ng ASCOT at KWF, inaasahang higit pang mapalalakas ang mga programang pangwika at pangkultura na magbibigay ng mas malawak na pagkakataon sa pamayanang Alta na maging aktibong katuwang sa pangangalaga, pagpapaunlad, at pagpapatuloy ng kanilang sariling wika at kultura.