19/05/2023
Binigyang-diin ni Undersecretary for Curriculum and Teaching Gina O. Gonong ang kahalagahan ng wikang panturo sa pagkatuto ng mga bata sa ginanap na Language and Inclusion Pre-Summit noong Mayo 4 at 5.
Sa ginanap na Pre-Summit, tinipon ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang mga opisyal, field implementers, partners, at experts upang makakalap ng mga datos at rekomendasyon para sa pagpapaunlad ng mga programang magsusulong ng ingklusibong edukasyon.