12/08/2026
📢 HAYO, HINAY, HINGA, HINTO: Learning Continuity Framework
🏫 Navotas Elementary School | Taon Panuruan 2026–2027
Alinsunod sa DepEd Order No. 14, s. 2026, ipinatutupad ng Department of Education ang HAYO, HINAY, HINGA, HINTO Learning Continuity Framework bilang gabay sa pagpapatuloy ng pagkatuto sa panahon ng emergency o kalamidad.
🔵 HAYO – CONTINUE
Kapag ligtas at handa ang mga mag-aaral at g**o, magpapatuloy ang regular na klase at mga gawaing pampagkatuto.
🟡 HINAY – EASE-IN
Kapag may aberya o stress na nararanasan, magpapatuloy ang pagkatuto sa mas flexible at mas magaan na paraan, gamit ang angkop na learning modalities at materyales.
🟢 HINGA – CHECK-IN
Kapag higit na kailangan ang panahon para sa kalusugan at kapakanan, babawasan ang mga gawaing akademiko at bibigyang-prayoridad ang emotional well-being, pahinga, at suporta.
🔴 HINTO – STOP
Kapag hindi na ligtas ang sitwasyon, pansamantalang ititigil ang mga klase at gawaing pang-akademiko upang unahin ang kaligtasan at pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral at g**o.
💙 Sa Navotas Elementary School, nananatili ang aming paninindigan na ang kaligtasan, kapakanan, at pagkatuto ng bawat mag-aaral ay dapat laging magkakasabay na isaalang-alang.
HAYO kung ligtas. HINAY kung kinakailangan. HINGA kung kailangan ng pahinga at suporta. HINTO kung kaligtasan ang nakataya.
Sama-sama nating panatilihing ligtas, flexible, at tuloy-tuloy ang pagkatuto sa anumang hamon o kalamidad.
Ligtas na Pagkatuto. Patuloy na Pag-asa. Sama-samang Pagbangon.