DepEd Tayo Dr. Jose A. Alaras ES- Batangas Province

DepEd Tayo Dr. Jose A. Alaras ES- Batangas Province

Share

Developing Journey to Attain Absolute Education

Photos from DepEd Tayo Dr. Jose A. Alaras ES- Batangas Province's post 18/06/2026

Matagumpay na isinagawa ng Dr. Jose A. Alaras Elementary School ang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) bilang bahagi ng paghahanda at pagpapalakas ng kamalayan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani sa tamang pagtugon sa oras ng lindol.

Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, mas napagtitibay ang kahandaan ng bawat isa upang mapanatili ang kaligtasan sa panahon ng sakuna.

Laging Tandaan: Duck, Cover, and Hold!

✨ Ang kahandaan ngayon ay kaligtasan bukas.

17/06/2026

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa NSED (Nationwide Simultaneous Earthquake Drill) ngayong araw Hunyo 18, 9:00 AM.

Sama-sama tayong magsanay at maging handa sa oras ng sakuna tulad ng lindol.
Maging alerto, maging ligtas, at maging handa!

Photos from DepEd Tayo Dr. Jose A. Alaras ES- Batangas Province's post 11/06/2026

A heartfelt gratitude to our PSDS, Dr. Placida G. Dela Vega, and to Ma’am Rosemarie A. Encarnacion, for your visit, guidance, and unwavering support during the opening of classes for School Year 2026–2027.

Your dedication to quality education serves as an inspiration for us to continuously improve our programs and services for the benefit of our learners.

We sincerely appreciate your leadership and continued support to Dr.Jose A. Alaras Elementary School. Thank you very much!

06-09-2026


Photos from DepEd Tayo Dr. Jose A. Alaras ES- Batangas Province's post 04/06/2026

Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Program | Motorcade
Dr. Jose A. Alaras Elementary School

Noong Hunyo 1, 2026, matagumpay na naisagawa ang motorcade bilang hudyat ng pagsisimula ng Brigada Eskwela 2026. Nakiisa sa gawaing ito ang mga barangay officials, mga g**o, SPTA, at iba pang stakeholders bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa paaralan at sa edukasyon ng mga mag-aaral.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong aktibong pakikibahagi at suporta. Inaasahan po namin ang inyong patuloy na pakikiisa hanggang sa pagtatapos ng Brigada Eskwela 2026 sa Hulyo 5, 2026.

Sama-sama para sa MATATAG na paaralan at de-kalidad na edukasyon! 💙📚✨



Photos from DepEd Tayo Dr. Jose A. Alaras ES- Batangas Province's post 17/05/2026

OPLAN BALIK ESKWELA 2026–2027

Handa na ba ang lahat para sa panibagong taon ng pagkatuto?

Ang DepEd Tayo Dr. Jose A. Alaras ES- Batangas Province ay buong pusong nakikiisa sa Oplan Balik Eskwela para sa taong panuruan 2026–2027 upang matiyak ang ligtas, maayos, at masayang pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral. Sa pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, g**o, at komunidad, sama-sama nating ihahanda ang bawat bata tungo sa dekalidad na edukasyon.

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang at mag-aaral na makiisa at makipag-ugnayan sa ating paaralan para sa mga katanungan at impormasyon kaugnay ng pagbubukas ng klase.

Tara na at sama-samang maghanda para sa matagumpay at makabuluhang pagbubukas ng klase ngayong SY 2026–2027!


Photos from DepEd Tayo Dr. Jose A. Alaras ES- Batangas Province's post 31/03/2026

"You can be a leader in your own little ways."

Ms. Gennalyn Perez
Guest Speaker

Maraming salamat po Ms. Gennalyn sa inspirasyong inyong ibinahagi sa aming lahat lalo at higit sa mga batang Kindergarten na nagsiangat antas. Alam po namin na marami ang nainspire sa kwentong inyong ibinahagi na inyong naging karanasan sa ating mahal na paaralan, kung paano kayo nagsimula, nagkaroon ng mga kaibigan, at nangarap. Sa simpleng tanong "Sino na ang marunong na magbasa at magsulat? At anong gusto nilang maging paglaki... Ang mga katagang ito ay pumukaw sa mga munting isipan ng ating mga mag-aaral.

Muli, ang aming taos pusong pasasalamat sa iyo Bb. Gennalyn Perez. Nawa'y pagpalain po kayo ng Poong Maykapal!

Photos from DepEd Tayo Dr. Jose A. Alaras ES- Batangas Province's post 31/03/2026

"Huwag kayong matakot mangarap, okay lang na magkamali, okay lang mahirapan, kahit gaano kahirap ang inyong pinag dadaanan ngayon, Ay hindi had lang upang maiabot ninyo ang inyong mga pangarap. Tandaan ninyo, ang Tagumpay Ay hindi nasusukat kung saan kayo nagsimula kundi sa kung paano kayo nagsumikap upang makarating kayo sa inyong paroroonan. Magtiwala kayo sa inyong mga sarili, nagsumikap, at higit sa lahat, huwag kayong susuko, at higit sa lahat, huwag inyong kalilimutan na tumawag sa Diyos. Ang inyong pinag galingan Ay hindi had lang kundi inspirasyon. Ang kahirap an Ay hindi had lang kundi tulay, patungo sa Tagumpay. Balang araw, kayo naman ang taatay sa harap, hindi bilang estudyante kundi bilang inspirasyon ng susunod na henerasyon. Kaya Manga rap kayo, lumabas at huwag susuko."

Ma'am Maricon V. Noche
Panauhing Tagapagsalita

Maraming salamat po Maam sa pagiging inspirasyon sa aming lahat, lalo at higit sa aming mga mag- aaral na nagsipagtapos. Tunay na kapupulutan ng aral ang inyong mga ibinahagi sa mahalagang araw na ito. Mabuhqy po kayo at nawa ay marami pa ang maging inspirasyon na kagaya ninyo. Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal.

Muli, ang aming taos pusong pasasalamat!

Photos from DepEd Tayo Dr. Jose A. Alaras ES- Batangas Province's post 31/03/2026

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng nagsipagtapos, umangat sa susunod na antas, at kinilala sa kanilang mga natatanging tagumpay! 🎓✨

Ang araw na ito ay bunga ng inyong pagsisikap, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral. Sa bawat hamon na inyong nalampasan, mas lalo ninyong pinatunayan ang inyong kakayahan at determinasyon na maabot ang inyong mga pangarap.

Sa mga magsisipagtapos—dalhin ninyo ang aral at karanasan bilang gabay sa susunod ninyong hakbang. Sa mga umangat ng antas—ipagpatuloy ninyo ang inyong sipag at husay. At sa mga pinarangalan—nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa iba.

Lubos din ang aming pasasalamat sa mga g**o, magulang, at sa buong komunidad na walang sawang sumuporta at gumabay sa ating mga mag-aaral. Sa mga panauhing pandangal, sa mga Panauhing Tagapagsalita, Sa ating Punong Bayan ng Balayan, Mayor Lisa Ermita- Abad, maraming salamat po sa inyong mga handog para sa aming mga mag- aaral.

Muli, mabuhay kayo! Patuloy kayong mangarap, magsikap, at magtagumpay! 🌟

Photos from DepEd Tayo Dr. Jose A. Alaras ES- Batangas Province's post 04/03/2026

Sa temang “Ani ng Sining: Katotohanan at Giting,” ipinakita ng mga mag-aaral ng DepEd Tayo Dr. Jose A. Alaras ES- Batangas Province ang kanilang husay, talento, at pagkamalikhain sa iba’t ibang gawaing pansining. Ang bawat likha ay patunay na ang sining ay buhay sa puso ng bawat kabataan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa ating mga aktibidad. Patuloy nating linangin ang talento at pagmamahal sa sining — hindi lamang ngayong buwan kundi sa bawat araw.

Mabuhay ang Sining! 💛🇵🇭



Photos from DepEd Tayo Dr. Jose A. Alaras ES- Batangas Province's post 04/03/2026

Sa temang “Ani ng Sining: Katotohanan at Giting,” ipinakita ng mga mag-aaral ng DepEd Tayo Dr. Jose A. Alaras ES- Batangas Province ang kanilang husay, talento, at pagkamalikhain sa iba’t ibang gawaing pansining. Ang bawat likha ay patunay na ang sining ay buhay sa puso ng bawat kabataan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa ating mga aktibidad. Patuloy nating linangin ang talento at pagmamahal sa sining — hindi lamang ngayong buwan kundi sa bawat araw.

Mabuhay ang Sining! 💛🇵🇭



Want your school to be the top-listed School/college in Balayan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Duhatan
Balayan
4213