Don Gregorio O. Balatan Institute Secret Files

Don Gregorio O. Balatan Institute Secret Files For enjoyment only:>

28/10/2021

Sana mag-usap tayong muli.🙂

10/09/2020

Pashout out naman sa mga marurupok dyan😂Kumusta kayo?

15/07/2020

TAKE CARE GREGORIANS😘💙Hindi ka na nga iningatan, d ka pa mag iingat. Mali ho 'yun kapatid!
-mallow

22/04/2020

So dahil nga quarantine ay wala na akong magawa dito sa bahay lol. Sa sobrang boring I end up remembering everything na nangyari sakin sa high school life ko. Please allow me to share it with you Gregorians. Since graduating na din ako.

Grade 7 ay pumasok ako sa school na labag sa loob. Since ayaw ko sa school na ito, pero wala akong nagawa kundi mag-aral dito. Dahil nga ayaw ko sa school ko ay nawalan din ako ng gana na mag-aral. Until noong G7 recognition ay nalaglag ako sa honor roll. God knows kung gaano ako nasaktan, kasi first time in my whole life na hindi ako kasama sa recognition rites.

And then G8 nagbalik-loob ako sa pag-aaral ng mabuti, wanting to prove to everyone na I'm not bobo ahahaha especially na sobra akong nasaktan noong G8 dahil sa iba't-ibang bagay. To the point na sobra akong naging competitive at puro pag-aaral lang yung ginawa ko. And I'm glad na I made it.

Then G9 sumali ako sa isang group sa school for extra curricular points. Yes, nasa top na ako nung G8 but hindi ako nakuntento. Akala ko sa pagsali ko doon sa group na yun ay mapapanatili ko yung top. But I was wrong. Nalaglag ako sa honor roll ahahaha pero d naman masakit. Super disappointed lang siguro sakin yung family ko kasi may otsenta ako sa Filipino ahahaha. Pinaka-lowest grades na natanggap ko sa buong buhay ko. Pero noong recognition rites ay may mga awards pa din ako kaya hindi masakit kagaya nung G7 na as in wala talaga.

G7 hanggang G9 wala akong friends, as in WALA. Meron naman akong nakakasama but my Lola always told me na huwag ma-aattach sa kaibigan. My Lola trained me to never rely with my friends. At ayaw ko din talaga makipag-kaibigan kasi ayaw ko ng away. After all, I only want a peaceful life. Char! Sabi kasi di ba ay best friends, best enemy. So I distant myself to everyone. Lalo na at may malungkot akong karanasan sa pakikipag-kaibigan. I have trust issues with them. Kasi during elementary days ay may mga kaibigan ako, I treasured them the point na para ko na silang kapatid. But end up na sinisiraan nila ako. So noong nag-high school ako, I told myself na I don't need friends. Kasi alam ko na at the end ay masasaktan lang ako. Which is ayaw ko sa lahat. Kasi everytime na nasasaktan ako ay sobra yung effect nito sa akin.

But before mag-end ang school year noong G9, two of my classmates approach me. They convinced me na they can be my friends. So dahil okay naman sila, napabilang ako sa isang circle of friends.

G10 napa-barkada ako. Naranasan ko na hindi mag-review kasi I have friends naman ahahaha. I admit na easy-go-lucky lang ako nun. Kinakabahan ako kapag mababa yung nakukuha kung result sa exams pero kuntento na ako doon dahil mas mababa naman ang nakukuha ng friends ko ahahaha. Hindi din ako nag-aral ng mabuti kaya nasa laylayan ako ng honor roll. Muntik ng malaglag pero okay lang kasi nasa honor pa rin. Napa-barkada ako to the point na nakalimutan ko yung goal ko na dapat nasa pinaka-top. Pero I still salute my adviser that time kasi kahit hindi ako nag-aaral ng mabuti ay isinali niya ako sa mga contest. Imagine, may mas magaling sakin pero sakin siya tumaya charot! So everytime na may contest ako ay ginagalingan ko na lang kasi ayaw kong ma-disappoint yung teacher ko na sobra yung tiwala sakin. And then gladly nananalo naman ako, to the point na umaabot ako sa Division Level. The reason kung bakit medyo na-realize ko yung worth ko. I'm so thankful to that teacher kasi na-discover niya yung worth ko na ako mismo di ko alam na nag-eexist. Indeed na behind every student's success is a teacher who push them and leads them to the right direction. To that teacher, I want to tell you na "hindi ka nagkamali ng profession na pinili." You made me realize my worth as a student and as a human being (lol). Sana madami ka pang student na ma-inspire. I miss you din ako kontento kasi gusto ko nandun ako sa medyo mataas na rank. Sobrang hiyang-hiya ako sa family ko kasi super yung love and support nila sakin pero hindi ko sila mapasaya ng lubosan kasi ako lang naman 'to si Natoy na mahal na mahal ka. Jowk!😅

So, back to the topic. During that time I promised to myself na ang SHS ko ay aayusin ko na. Isasantabi ko ang friends ko. Just like what I did noong G8. Kasi nakasali ako sa honor noon dahil wala akong friends na mag-aaya sakin sa ibang direction, like galaan ganern.

I promised na babawi ako sa family ko. Kaya sa SHS ay sobra na ang pag-aaral ko. To the point na alas 2 na ako natutulog para lang makapag-aral. I didn't care about my health or kahit tubuan ako ng napakaraming pimples, all I want is to make my family proud.

So, di ba sabi ko is hindi ako makikipag-kaibigan pero napabilang ako sa isang circle of friends kasi it's inevitable naman.

Pero may limit pa din ang pakikipag-kaibigan ko kasi like what I've said ay may trust issues nga ako. Naging super close ako sa mga classmates ko na naging friends ko na din. Pero I made a mistake. Nasaktan ko sila by telling na "hindi ko naman talaga kayo kaibigan." That was the exact term na ginamit ko sa kanila dahil na din siguro sa pag-burst ng emotion ko. Kasi that time feeling ko I was an intruder kasi I don't really belong with them, kailan lang ako naging part ng friendship nila. Naisip ko din na siguro napipilitan lang sila sakin. Kasi I grew up thinking na lahat ng tao ay nakikipag-lapit sakin for their own purpose.

So, kahit na kaibigan ko sila, I still build a wall na dapat hanggang doon lang ako kasi super advance ko mag-isip. I always think na sasaktan nila ako, na kapag may pagkakataon sila para saktan ako ay hindi sila magdadalawang isip na gawin yun. So, grade 11 was ended na wala yung connections ko sa kanila.

Grade 12 ay na-build ulit yung magandang pagkakaibigan namin. I'm glad na nasa iisang organization kami kasi doon nasubok yung tatag namin. Yung mga kaibigan ko na minsan kong nasaktan ay sila mismo yung sumalo sakin noong may umapak sakin pababa. And that incident slap me. I realized na masyado akong nabulag sa paniniwala ko na masama ang mga tao sa paligid ko. I forgot na may mga tao na pure yung intentions sakin. And I'm so glad for having them, Lalo na su babaying pirming nagsasabi na "magayon ako" hey girl! Thank you for being my friend.

So, kung nagbabasa ka nito please live your high school life to the fullest. Siguro sa journey na ito ay masasaktan ka, but it's a part. Hindi yan nawawala. Just always look for a brighter side. Kapag may nanakit sayo, huwag mong gantihan. Be thankful kasi that pain will surely help you to grow. And since college na ako next school year ay sasabihin ko sa inyo na "Entering DGOBI is one of the right thing I did." This school molds me to be the best version of myself. Thanks!

Alam ko na kilala niyo ako kasi masyado namang obvious. So don't you dare na ipakilala ako sa hindi nakakakilala.

16/03/2020

Pa post po
Thank you po dun sa teachers na nag push na galingan namin at very supportive sakin at samin kaya Di namin makakalimutan si ma'am GRACE, JUDY, MALIYA, sir BUDDY at sir JULY. thank you po we always love you♥

07/03/2020

Pa post po.
Shout out po dun sa taong pilit na sinisira yung napaka-gandang reputasyon ng isang tao. Naninira ka tapos di mo alam na hindi ka pinapaniwalaan ng karamihan kasi sarili mo mismong reputasyon ay sirang-sira na hahahha. Imbes na maraot mo su image niya a sadiri mo mismo a rinaraot mo. Sorry pero mas dakol a issue mo kaysa sa issue niya na kin tutuuson mala man kababaw. Irak mo man ta pinagtataw-an sana ika ka mga tawo sa paligid mo. Di mo isi na nagre-reflect kanimo a ginigibo mo. Hahahaha😊

02/03/2020

Papost naman po.
Maraming salamat po sa lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang Students' Day Celebration especially kay Sir Salvador Rull, Sir Dominggo Gastilo, Ma'am May Malapo, Ma'am Zharina Monedero, Sir July Bartolata, and Ma'am Judy Bose. We love you so much pooo. Godblessss po.

-mallow

01/03/2020

Papost naman po.
Lahat po ng Gregorians ay required na mag-participate sa event bukas. Huwag naman po nating sayangin ang effort ng SSG Officers at ni Ma'am Judy.

Schedule of Events:
4 am-Fun Run
6am-Zumba
8am-CONTEST PROPER
-GGT
-Song Writing Competition
-Spoken Word Poetry
10am-Quiz bee and Poster Making (Senior High Building)

Afternoon: 1-5pm
-Launching of Booth prepared by the SSG
-Games

Night Event:
-Awarding
-Denim Party

-mallow

12/12/2019

Stay strong lovers💓

06/11/2019

Hindi na tayo bata para mag-siraan :))

06/11/2019

Things end. But memories last forever💜

15/10/2019

Gusto kita kahit Grade-9 ka😍
-mallow

Address

Siramag
Balatan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Don Gregorio O. Balatan Institute Secret Files posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category