17/08/2026
โ๐ ๐๐ ๐ก๐บ๐๐บ๐ ๐ฏ๐บ๐๐๐บ๐๐บ๐๐๐ ๐บ๐ ๐ฆ๐บ๐ป๐บ๐, ๐บ๐ ๐บ๐๐ ๐ก๐บ๐๐บ๐ ๐ฏ๐บ๐๐๐บ๐๐บ๐๐บ๐
๐ ๐บ๐ ๐จ๐๐บ๐๐ ๐ ๐๐บ๐
.โ
Nagbukas ng panibagong yugto ang Northern Iloilo Christian School, Inc. (NICS) ngayong Lunes, Agosto 17, 2026. Sinimulan ang linggo sa pamamagitan ng Bible Hour na pinangunahan ni G. Warrie Espaรฑola. Sa kanyang mensahe, ibinahagi niya kung paano maaaring magsilbing daan tungo sa pagbabago ang mga pagkakamaling nararanasan sa ating buhay.
Bagamaโt karaniwang itinuturing na negatibong karanasan ang pagkakamali, binigyang-diin ng tagapagsalita na hindi ito ang wakas, kung saan kailangang mawalan ng pag-asa ang isang tao dahil sa isang kasalanang hindi naman niya sinasadyang gawin. Sa halip, maaari itong maging simula ng tunay na pagkatuto, pagbabago, at paghubog ng pagiging mas responsable, matalino sa bawat desisyon, at may sapat na pag-unawa sa buhay.
Una, binigyang-diin ni G. Espaรฑola na ang pagwawasto ay hindi lamang isang anyo ng pagpuna, kundi pagpapakita rin ng malasakit. Ang mga paalala at pagwawastong nagmumula sa mga g**o, magulang, at kaibigan ay naglalayong gabayan ang isang tao upang matukoy ang kanyang mga pagkukulang at magsikap upang maging mas mabuting bersiyon ng kanyang sarili.
Ipinapaalala rin na ang pagkakamali ay hindi nangangahulugang masamang tao ang isang indibidwal, kundi bahagi ito ng proseso ng paglago at pagkatuto. Kaugnay nito, binigyang-diin ang mga bersikulo sa Proverbs 3:11โ12 at Proverbs 13:18, na nagpapakita ng kahalagahan ng pagtanggap sa pagsubok, pagtutuwid, at disiplina bilang bahagi ng paghubog sa pagkatao. Sa halip na ituring na kabiguan ang pagkakamali, mahalagang gamitin ito bilang daan patungo sa tamang landas upang matuto, magbago, at higit pang mapaunlad ang sarili.
Bilang halimbawa, ibinahagi ang kuwento ni David sa Bibliya na, sa kabila ng kanyang pagkakamali, ay nagpakumbaba, umamin, at nagbago ng kanyang mga landas. Ipinakita nito na ang pagkakamali ay hindi kailangang maging wakas ng isang tao, lalo na kung mayroon siyang tapang na tanggapin ang kanyang kasalanan at gumawa ng pagbabago.
Sa huli, kapag ipinakita ng Panginoon o ng mga taong tunay na nagmamalasakit sa atin ang ating mga pagkakamali, nasa atin ang pagpapasya upang ipagtanggol ang mga ito o magkaroon ng lakas ng loob na kilalanin, unawain, at tanggapin ang mga ito, tulad ni David na nagsabing, โAko ay nagkasala.โ
Huwag nating takasan at talikuran ang ating mga pagkakamali. Sa halip, gawin natin itong gabay tungo sa paglago, karunungan, at pagiging mas mabuting tao hindi lamang para sa ibang tao kundi sa ating mga sarili.
โ๏ธ : ๐ ๐๐๐พ๐
๐๐พ ๐ฉ๐๐๐ผ๐พ ๐ฃ๐พ๐
๐บ ๐ข๐๐๐
๐ธ : ๐ข๐
๐บ๐๐พ๐พ ๐ฒ๐๐๐๐พ ๐ ๐๐บ๐ฝ๐
๐ฉ๐ปโ๐ป: ๐ฒ๐๐บ๐๐ฝ๐บ๐
๐พ ๐ฉ๐๐๐๐บ๐ ๐ซ๐๐๐บรฑ๐พ๐