11/05/2023
Guinaburan Elementary School announces EARLY REGISTRATION for the incoming KINDERGARTEN and GRADE 1
✔️ Ang EARLY REGISTRATION ay para sa school year 2023 - 2024.
✔️ Simula sa May 10 hanggang
June 9, 2023 inaanyayahan ang mga magulang ng mga sumusunod para magpalista:
➡️ KINDER: Mga batang limang (5) taong gulang sa o bago mag August 31, 2023 (DepEd Order No. 20, s. 2018).
➡️ GRADE 1: Mga batang kasalukuyang nakaenrol sa Kindergarten.
PAMAMARAAN sa PAGPAPATALA
1. Kumuha ng kopya ng enrollment form sa g**o.
2. Kumpletuhin ang impormasyong kailangan. Huwag pong kalimutan na maglagay Ng contact number.
3. Ibalik ang form kasama ng kopya ng Birth Certificate. Siguraduhing di maghihiwalay ang registration form at Birth Certificate.
✔️Palagi pong magsuot ng face mask. Huwag na po magsama ng Bata. Magdala rin po ng sariling ballpen. Maraming Salamat po.
Mag.ingat sa sobrang init ng panahon, gumamit ng payong o sumbrero. Palagiing uminom ng tubig.