HUMSS & ABM 12-Darwin

HUMSS & ABM 12-Darwin The Official page of 12–Darwin (HUMSS & ABM), Bataan Heroes College | S.Y. 2026–2027.

𝗦𝗽𝗲𝗮𝗿𝗵𝗲𝗮𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗼𝘂𝗿 𝗲𝘃𝗼𝗹𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻—𝘁𝗵𝗲 𝗻𝗲𝘄𝗹𝘆 𝗲𝗹𝗲𝗰𝘁𝗲𝗱 𝗰𝗹𝗮𝘀𝘀 𝗼𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿𝘀 𝗼𝗳 𝗛𝗨𝗠𝗦𝗦/𝗔𝗕𝗠 𝟭𝟮–𝗗𝗮𝗿𝘄𝗶𝗻With remarkable verve, the just-electe...
17/06/2026

𝗦𝗽𝗲𝗮𝗿𝗵𝗲𝗮𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗼𝘂𝗿 𝗲𝘃𝗼𝗹𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻—𝘁𝗵𝗲 𝗻𝗲𝘄𝗹𝘆 𝗲𝗹𝗲𝗰𝘁𝗲𝗱 𝗰𝗹𝗮𝘀𝘀 𝗼𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿𝘀 𝗼𝗳 𝗛𝗨𝗠𝗦𝗦/𝗔𝗕𝗠 𝟭𝟮–𝗗𝗮𝗿𝘄𝗶𝗻

With remarkable verve, the just-elected classroom officers of HUMSS/ABM 12–Darwin come forward to represent the section.

While our section's namesake, Charles Darwin, put forth the theory of evolution, we take on a different kind of evolution; our transition from Grade 11 students to high school seniors.

More than ready and ready for more, these friendly faces will assume their positions with resoluteness, each standing as a reliable yet firm presence, helping you ease into the academic year.

23/04/2026

Samahan kami sa walang katapusang pag-ariba sa Bataan Heroes College sa ilalim ng Strengthened Senior High School (SSHS) curriculum para sa mga incoming Grade 11 students! Ano, tara?

Did you know na libre ang Senior High sa Heroes para sa public JHS completers? Registration fee na lang ang babayaran pero sulit na sulit dahil sa kalidad ng pagtuturo.

𝗣𝗮𝗱𝗮𝘆𝗼𝗻! 𝗕𝗮𝘀𝘁𝗮 𝗔𝗕𝗠 𝗮𝘁 𝗛𝗨𝗠𝗔𝗡𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝘂𝗺𝗮𝗮𝗿𝗶𝗯𝗮!Sa awiting Byahe (Hunyo) ni Kyle Raphael: “Dantay ka muna sa’kin… ilang oras p...
23/04/2026

𝗣𝗮𝗱𝗮𝘆𝗼𝗻! 𝗕𝗮𝘀𝘁𝗮 𝗔𝗕𝗠 𝗮𝘁 𝗛𝗨𝗠𝗔𝗡𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝘂𝗺𝗮𝗮𝗿𝗶𝗯𝗮!

Sa awiting Byahe (Hunyo) ni Kyle Raphael: “Dantay ka muna sa’kin… ilang oras pa ang biyahe natin.” At sa biyaheng ito — hindi lamang ito simpleng roadtrip, kundi paglalakbay ng pangarap, pagod, at pag-asa.

Sa bawat larawang tampok sa post na ito, para tayong nakasakay sa iisang jeep—may kaniya-kaniyang destinasyon, pero iisa ang direksyong tinatahak: ang pag-abot sa pangarap.

May mga pagkakataong mabilis ang takbo. Minsan naman ay trapik sa dami ng gawain. May mga sandaling gusto na nating bumaba, pero pinipili pa ring magpatuloy.

Binabati namin ang lahat ng Academic Achievers at Non-academic Awrdees ng S.Y. 2025–2026. Kayo ang mga pasaherong buong tapang na hinarap ang mahabang biyahe ng Grade 11—hindi man naging madali, pero pinili ninyong hindi bumitaw sa manibela ng inyong mga pangarap.

Ngunit sa gitna ng pagdiriwang, nawa’y hindi natin malimutan ang realidad sa labas ng ating sariling biyahe. Habang tayo ay patuloy sa pag-usad, may mga drayber ng jeep/tricycle/bus na pansamantalang napapahinto—hindi dahil nais nilang huminto, kundi dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina. Sa kanilang paghinto, may mga pamilyang naapektuha. May mga biyahe ring hindi naipagpapatuloy.

Kaya sa bawat tagumpay na ating ipinagdiriwang, nawa’y may puwang din ang ating kamalayan at malasakit. Sapagkat ang tunay na pag-abante ay hindi lamang pansarili—ito rin ay paglingon sa iba na kasabay nating naglalakbay.

Sa mga hindi pa nakakarating sa kanilang destinasyon—huwag panghinaan ng loob. Hindi pare-pareho ang oras ng pagdating. Ang mahalaga, hindi kayo tumitigil sa pag-arangkada.

At kung mapagod man, alalahanin: may pahinga sa bawat pagod. Huminto saglit. Huminga. Magpatuloy muli. Kaya sa biyahe natin papuntang Grade 12, sama ka? Ano, tara?

Padayon, ABM at HUMANISTA. Sa biyahe ng buhay—patuloy tayong umaariba.

via. Thaddaeus Camangian

♫ “𝑭𝒂𝒊𝒕𝒉 𝒄𝒂𝒏 𝒒𝒖𝒊𝒆𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒘𝒐𝒓𝒔𝒕 𝒇𝒆𝒂𝒓. 𝑪𝒐𝒍𝒅𝒆𝒔𝒕 𝒘𝒊𝒏𝒕𝒆𝒓𝒔 𝒕𝒖𝒓𝒏 𝒊𝒏𝒕𝒐 𝒔𝒑𝒓𝒊𝒏𝒈. 𝑬𝒗𝒆𝒏 𝒅𝒂𝒓𝒌𝒏𝒆𝒔𝒔 𝒎𝒖𝒔𝒕 𝒅𝒊𝒔𝒂𝒑𝒑𝒆𝒂𝒓. 𝑺𝒐 𝒅𝒐𝒏’𝒕 𝒈𝒊𝒗𝒆 𝒖𝒑,  𝒋𝒖...
21/11/2025

♫ “𝑭𝒂𝒊𝒕𝒉 𝒄𝒂𝒏 𝒒𝒖𝒊𝒆𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒘𝒐𝒓𝒔𝒕 𝒇𝒆𝒂𝒓. 𝑪𝒐𝒍𝒅𝒆𝒔𝒕 𝒘𝒊𝒏𝒕𝒆𝒓𝒔 𝒕𝒖𝒓𝒏 𝒊𝒏𝒕𝒐 𝒔𝒑𝒓𝒊𝒏𝒈. 𝑬𝒗𝒆𝒏 𝒅𝒂𝒓𝒌𝒏𝒆𝒔𝒔 𝒎𝒖𝒔𝒕 𝒅𝒊𝒔𝒂𝒑𝒑𝒆𝒂𝒓. 𝑺𝒐 𝒅𝒐𝒏’𝒕 𝒈𝒊𝒗𝒆 𝒖𝒑, 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒌𝒆𝒆𝒑 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈. 𝑱𝒖𝒔𝒕 𝒌𝒆𝒆𝒑 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈!” ♫ — Courage, Ben&Ben

Noong ika-19 ng Nobyembre, isinagawa ng 11-Darwin (HUMSS/ABM) ang isang seremonya upang kilalanin ang mga mag-aaral na nagkamit ng Karangalan at Mataas na Karangalan para sa Ikalawang Markahan.

Tulad ng mensahe ng awiting Courage, ang araw na ito ay hindi lamang patungkol sa mataas na marka—ito ay pagdiriwang ng patuloy na pagbangon, pagharap sa mga hamon, at pagtitiwala na kaya pa ring magpatuloy.

Ang bawat pagkilalang ipinagkaloob ay patunay ng sipag, tiyaga, at kakaibang katapangan na ipinamalas ng bawat mag-aaral. Sa kabila ng pagod, pagsubok, at pagdududa, pinili ninyong tumawid, magpakatatag, at magpatuloy. Tulad ng sinasabi sa kanta—kahit gaano man kabigat ang sitwasyon, may pag-asa pa rin sa dulo.

At tandaan—hindi ito ang katapusan, kundi simula pa lamang. Marami pang darating na pagkakataon upang mas mailabas ninyo ang inyong talino, talento, at tiwala. Kasama ng pagkilalang ito ang paalala na kaya ninyong harapin ang susunod pang kabanata—sapagkat pinatunayan ninyong hindi kayo susuko.

𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗸𝗼.

Muli, isang mainit na pagbati sa inyong lahat. Patuloy kayong maging patunay na sa ABM at HUMMS—anumang hamon ay kayang lampasan basta may tapang at pagtitiwala. Patuloy ninyong iwagayway ang sagisag ng isang masigasig na mag-aaral mula sa ABM at HUMMS!

𝗕𝗔𝗦𝗧𝗔 𝗔𝗕𝗠 𝗔𝗧 𝗛𝗨𝗠𝗔𝗡𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗨𝗠𝗔𝗔𝗥𝗜𝗕𝗔!

𝗜𝘀𝗮, 𝗱𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮, 𝘁𝗮𝘁𝗹𝗼. 𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝗯𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗺𝗶𝗸𝗿𝗼𝗽𝗼𝗻𝗼.Mapapa-sound check ka talaga kapag ganito na ‘yung announcement sa group chat ...
28/07/2025

𝗜𝘀𝗮, 𝗱𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮, 𝘁𝗮𝘁𝗹𝗼. 𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝗯𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗺𝗶𝗸𝗿𝗼𝗽𝗼𝗻𝗼.

Mapapa-sound check ka talaga kapag ganito na ‘yung announcement sa group chat ninyo. Strepsils? Lola Remedios? o Katinko? Pili ka na lang ng panangga sa tatlo. Para bukas, Tuesday (1:00–3:00 PM) sa AB2-306, wala nang “𝘯𝘰𝘪𝘴𝘦” na makakapigil sa’yo na mag-speech sa harapan ng 11-Darwin students!

Huwag kaliligtaan. Magdala ng:
• Formal Attire (Baunin)
• Speech Script (1 Whole Sheet of Yellow Paper)
• Tubig, panyo, at ang napiling panangga.
• Sandamakmak na CONFIDENCE!

via. Thaddaeus Camangian (President)

28/07/2025

𝗣𝗿𝗲𝗹𝗶𝗺𝘀 𝘄𝗲𝗲𝗸 𝗶𝘀 𝗺𝘆 𝘄𝗲𝗲𝗸-𝗻𝗲𝘀𝘀!

This day (Monday) marks the beginning of our Preliminary Examinations, continuing through Tuesday and Wednesday.

It’s your time to shine, to show what you’ve learned and how far you’ve come! So review well, believe in yourself, and give it your best shot. Best of luck to everyone—may we all pass the Preliminary Examination!

P.S. Hindi lang mga titig at ngiti mo ang kahinaan ko. Mas pipiliin ko na lang bumagsak sa standards niya, huwag lang sa Preliminary Examination. Ang exam kasi ay parang panliligaw; pumasa ka man o hindi, may chance ka pa ring bumawi sa susunod!

via. Thaddaeus Camangian (President) & Ashley Manuel (Vice President)

’𝗗𝗶 𝗸𝗼 𝗻𝗮𝗶𝘀𝗶𝗽 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘄𝗮𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗸𝗮 𝗽𝗮…Paulit-ulit na pag-uulat? Kaya pa ba? Kaya mo ‘yan! Katulad ng pag-uulat, kinakailangan ...
15/07/2025

’𝗗𝗶 𝗸𝗼 𝗻𝗮𝗶𝘀𝗶𝗽 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘄𝗮𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗸𝗮 𝗽𝗮…

Paulit-ulit na pag-uulat? Kaya pa ba? Kaya mo ‘yan! Katulad ng pag-uulat, kinakailangan mong tumayo upang marinig ng iba ang nais mong ipabatid; magtanong upang mas maliwanagan; at sumagot upang mas matuto. Nasa unahan pa lamang tayo ng walang hanggang pag-uulat. HUMANISTA tayo. Huwag kayong panghinaan ng loob, kasi alam naming kaya ninyo — at kakayanin natin!

via. Thaddaeus Camangian (President)

𝗜𝘁’𝘀 𝗯𝗲𝗲𝗻 𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗻 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮 𝗯𝗮 𝗻𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗺𝗶𝗴?Kung oo, baka dahil sa ulan ‘yan — o baka dahil sa convo na nakabukas...
04/07/2025

𝗜𝘁’𝘀 𝗯𝗲𝗲𝗻 𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗻 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮 𝗯𝗮 𝗻𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗺𝗶𝗴?

Kung oo, baka dahil sa ulan ‘yan — o baka dahil sa convo na nakabukas! Pero kahit ano man ang dahilan, safety first dapat! Umulan man o umaraw, tandaan na hindi lamang grades ang dapat mataas; dapat mataas din ang awareness sa safety at health! Sabi nga nila, walang saysay ang perfect attendance kung may sakit ka naman at basa ang medyas mo all day.

Mga Paalala:
• Laging magdala ng payong.
• Magsuot o magbaon ng sweater o jacket.
• Mag-ingat sa madulas na sahig o daan.
• Maging updated sa weather forecast (hindi sa chismis).
• Ihanda ang first aid kit at emergency supplies.
• At syempre… huwag kalimutan ang “ingat” galing sa kaniya!

Kaya hanapin mo na rin sana 'yung taong laging handang payungan ka. Dahil hindi lahat ng naliligo sa ulan ay masaya — minsan, nalulunod na rin sa luha habang iniisip kung “ako pa ba?”

Stay safe and stay warm, Heroes and Heroines!

via. Manuel (Vice President), Dela Cruz (Secretary) & Kang (P.I.O)

𝗠𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝘁𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮, 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝘂𝗹𝗶𝗻 — 𝗼𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗸𝗹𝗮𝘀𝗲 𝗻𝗴 𝟭𝟭-𝗗𝗮𝗿𝘄𝗶𝗻, 𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝗹 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮.Mula sa silid-aralan ng Bataan...
29/06/2025

𝗠𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝘁𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮, 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝘂𝗹𝗶𝗻 — 𝗼𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗸𝗹𝗮𝘀𝗲 𝗻𝗴 𝟭𝟭-𝗗𝗮𝗿𝘄𝗶𝗻, 𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝗹 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮.

Mula sa silid-aralan ng Bataan Heroes College, nagdaos ng botohan ang 11-Darwin upang italaga ang mga mag-aaral na bubuo sa hanay ng mga opisyal ng klase sa taunang pampaaralan 2025–2026 noong ika-23 ng Hunyo.

• President: Thaddaeus V. Camangian
• Vice President: Ashley Jamae F. Manuel
• Secretary: Kim Gerlyn C. Dela Cruz
• Finance Manager: Hannah Anica S. Pascua
• Public Information Officer: Audrey Jean L. Kang

Ang 11-Darwin ay binubuo ng dalawang larangan ng pag-aaral: HUMSS (Humanities and Social Sciences) at ABM (Accountancy, Business, and Management), sa ilalim ng pangangasiwa ni Miss Jobelle Sioson.

Ang botohan sa apat na sulok ng silid-aralan ay ang humuhubog sa kakayahan ng isang mag-aaral na bumoto nang matalino at bumoto ng matalino; kung kayaʼt iwagayway ninyo ang sagisag ng isang masigasig na opisyal ng klase.

via. Thaddaeus Camangian (President) & Audrey Kang (P.I.O.)

Address

Roman Super Highway, Barangay Tenejero
Balanga
2102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when HUMSS & ABM 12-Darwin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category