27/08/2026
MAAARI KA BANG PAALISIN AGAD NG LANDLORD KAPAG HINDI KA NAKABAYAD NG RENTA?
HINDI, HINDI KA PUWEDENG PAALISIN AGAD.
Sa ilalim ng R.A. No. 9653 (Rent Control Act of 2009), kung sakop ng batas ang paupahan, ang hindi pagbabayad ng renta sa loob ng 3 buwan ay ground para sa ejectment. Ibig sabihin, hindi maaaring basta-basta paalisin agad ng landlord nang walang pagsunod sa legal na proseso.
Legal basis: Sec. 9(b), R.A. No. 9653.