09/09/2026
Walang face-to-face classes ngayong Huwebes, Setyembre 10, sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lalawigan ng Bataan, alinsunod sa Memorandum Circular No. 135 ng Malacaรฑang. Ipatutupad ang Alternative Learning Modes tulad ng online o modular.
Samantala, ipatutupad ang alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan sa . Maaari ring magpasya ang mga LGU sa nararapat na work arrangement sa kanilang nasasakupan, ayon sa nasabing Memorandum.
Ang anunsyong ito ay bunsod ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Enhanced Southwest Monsoon o Habagat at ng epekto ng matagal na pag-ulan.
Patuloy namang magbibigay-serbisyo ang mga ahensyang nangangasiwa sa basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo.
Ang suspension o alternative work arrangements sa pribadong sektor ay nasa pagpapasya ng kani-kanilang management.
Maaari pong tumawag sa mga sumusunod na numero kung kailanganin ang dagliang tulong:
โข Emergency Hotline: 911
โข PDRRMO: (0917) 186 6911 (Globe) | (0918) 907 6911 (Smart)
Ibayong pag-iingat po sa lahat. Manatili pong ligtas at patuloy na tumutok sa mga opisyal na abiso ng inyong LGU at paaralan.