21/12/2024
๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐๐ฆ๐ข ๐ฌ๐ข ๐๐ญ๐จ๐ฆ ๐๐ซ๐๐ฎ๐ฅ๐ฅ๐จ ๐ฉ๐๐ซ๐จ '๐๐๐ ๐๐!'
๐๐ฎ๐๐จ๐ฌ ๐ฉ๐จ ๐ค๐๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐ง๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฌ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ก๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐ญ๐ฎ๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ญ ๐ง๐๐ฐ๐'๐ฒ ๐ฆ๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐๐ก๐จ๐ค ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ก๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐.
๐๐๐บ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐๐ฎ๐, ๐ป๐ฎ๐ด๐ป๐ถ๐ป๐ด๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ป๐ด๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐บ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐๐ฎ
Itinanghal ng mga mag-aaral mula sa Humanities and Social Sciences (HUMSS) ang katagumpayan ng ikatlong taon ng Tanghalang Humanista sa pamamagitan ng paggagawad ng mga parangal na ginanap nitong ika-18 ng Disyembre sa Covered Court ng Bataan National High School - Senior High School.
Pinangasiwaan nina Carlyle Garcia at Kenneth Guevarra ang awarding ceremony, kung saan inanunsyo nila ang mga nagwaging kalahok sa programa.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pambungad na pananalita mula sa tagapayo ng The Humanista, Maโam Diana Mari Wagan, na nagbigay ng inspirasyon at suporta sa mga mag-aaral.
Nanguna sa patimpalak ang 12-HUMSS Davide, na nag-uwi ng anim na parangal, kabilang ang Best Director na si Kenneth Guevarra at ang pinakamataas na pagkilala bilang Best Film. Ang mga tagumpay na ito ay nagdulot ng labis na saya at pagmamalaki sa kanilang seksyon.
Samantala, nagkamit naman ang 12-HUMSS Arellano ng limang parangal, kabilang ang Best Supporting Actor na si Ruzz Dela Paz at Best Leading Actress na si Grethel P. Manuel. Pinarangalan sila bilang 2nd Best Film sa nasabing awarding.
Dagdag pa rito, ang 12-HUMSS Santos ay nakakuha ng parangal bilang 3rd Best Film, kung saan kinilala ang Love's Last Current star na si Lewis Ivan Sy-Changco bilang Best Leading Actor.
Mula naman sa 12-HUMSS Paras, itinanghal si Maricris Agoyaoy bilang Best Supporting Actress para sa kanyang natatanging pagganap.
Narito ang buong listahan ng mga nagwagi:
Major Awards
Best Film: The Curse of Santaรฑius, 12 HUMSS Davide
2nd Best Film: Dose NgAAAAAAAAAAAA, 12 HUMSS Arellano
3rd Best Film: Loveโs Last Current, 12 HUMSS Santos
Festival Awards
Best Leading Actor: Lewis Ivan Sy-Changco, Loveโs Last Current, 12 HUMSS Santos
Best Leading Actress: Grethel Manuel, Dose NgAAAAAAAAAAAA, 12 HUMSS Arellano
Best Supporting Actor: Ruzz Dela Paz, Dose NgAAAAAAAAAAAA, 12 HUMSS Arellano
Best Supporting Actress: Maricris Agoyaoy, A Bond Beyond Life, 12 HUMSS Paras
Best Director: Kenneth Guevarra, The Curse of Santaรฑius, 12 HUMSS Davide
Best Screenplay: Dose NgAAAAAAAAAAAA, 12 HUMSS Arellano
Best in Cinematography: The Curse of Santaรฑius, 12 HUMSS Davide
Best Editing: The Curse of Santaรฑius, 12 HUMSS Davide
Special Award
Top Grossing Film Award: The Curse of Santaรฑius, 12 HUMSS Davide
Peopleโs Choice Awards
Most Reacted Film Poster: Dose NgAAAAAAAAAAAA, 12 HUMSS Arellano
Most Reacted Film Trailer: The Curse of Santaรฑius, 12 HUMSS Davide
Lubos na nagpasalamat si Christian Alwin Banzon, pangulo ng The Humanista, sa lahat ng lumahok at nagbigay ng kanilang buong suporta sa programa. Gayundin, binigyang-pugay ni Sir Joseph Sicat, g**o ng Creative Writing, ang mga nagwagi at ang bawat estudyanteng naging bahagi ng patimpalak.
Ang aktibidad na ito ay proyekto ng mga mag-aaral mula sa istrand na HUMSS para sa asignaturang Creative Writing.
Balitang Pampaaralan ni: Thea Irish Flores
Sinuri ni: Jasmine Kate Basalo
Larawan ni: Allison Sausa