07/07/2023
4/4 PARA SA PERSEUS๐ฑ๐ซถ๐ป๐ค
"Utak at kaalaman; sandata para sa parating na kinabukasan"
Isang panibagong tagumpay: 12- STEM "Lahat may Karangalan" Perseus๐คโจ
Sa mga sertipiko na kulay ay katumbas ng talino, alin sa dalawa ang nais na makamtan mo?
Sa pagtatapos ng semestre, huling markahan sa halos walong buwan sa pangkat ng malilikhain at matitiyaga, 12-STEM Perseus.
Bakit hindi natin palakpakan ang may mga karangalan? Karangalan na pinagpuyatan, karangalan na pinagbuhusan ng oras at panahon, karangalan na tila isang responsibilidad na โdi matapos-tapos, at karangalan na iniyakan ngunit hindi kailanman sinukuan.
Sa pagtatapos ng tuldok sa pahinang ito, panibagong kabanata ang magbubukas para sa ating lahat. Panibagong pinto ng pagsubok ang haharapin ngunit tandaan: Mahirap ang mangarap ngunit magtatagumpay tayo sa kabila ng lahat.
Para sa mga nagsusumikap, hindi sa tuldok nagtatapos ang kwento ng Perseus; Lahat aangat, walang maiiwan. Hanggat may layunin, lahat ay may mararating.
CONGRATULATIONS PERSEUS!! ๐ฅณ๐ซถ๐ปโจ