22/10/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ 2025: ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฎ๐ง๐ฅ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ค๐ก๐๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐t๐๐๐ง โจ
Sa bawat salita at ideya na isinulat ng ating mga estudyante sa ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, nahubog hindi lamang ang kanilang talento kundi pati ang kanilang puso at isipan. Noong nakaraang araw, matagumpay nilang ipinamalas ang kakayahan at malikhaing galing sa โISIPSULAT: Pagkilala sa Kakayahang Pagkamalikhain.โ Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang mga kwento, pagtanggap ng puna, at masigasig na pagrerebisa, ipinakita ng bawat isa na ang malikhaing pagsusulat ay proseso ng pagtitiyaga, pag-aaral, at pag-unlad. ๐ง
Lubos naming ikinagalak ang aktibong partisipasyon ng lahat, ang pagiging bukas sa kritisismo at suhestiyon, at ang pagpapakita ng respeto sa bawat akda. Ang bawat maikling kwento ay naghatid ng inspirasyon at paalala na sa malikhaing proseso, bawat pagkakamali ay pagkakataon upang mas mapaunlad ang sarili.
Muli, pinakita ng ating mga estudyante, sa gabay at suporta ng aming g**o Anarose Moncada, na sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at pagmamahal sa sining ng pagsusulat, nagkaroon sila ng kapangyarihan na magpahayag, magbahagi, at mag-inspire. Nawaโy patuloy nilang yakapin ang malikhaing proseso at ipagpatuloy ang pagsusulat nang may puso, dedikasyon, at walang takot sa pagkamalikhain. ๐โ๏ธ
#๐๐ง๐ฌ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ฆ