22/08/2026
Magastos Ba Magpa-Therapy Sa Pilipinas?
Isa ito sa pinakamabigat na tanong ng maraming magulang.
At naiintindihan ko kung bakit.
Natural sa magulang na gustong ibigay ang best para sa anak nila.
Pero paano kung ang tulong na kailangan ng anak mo ay mahal?
The reality is…
may mga lugar sa Pilipinas na mas mahal pa ang therapy kaysa sa iba.
Bakit?
Dahil mataas ang demand.
Pero kakaunti ang providers.
At gaya ng ibang serbisyo at produkto, kapag mas mataas ang demand kaysa supply, tumataas ang presyo.
Ang masakit pa rito…
kahit mas mura ang therapy sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa, mabigat pa rin ito para sa maraming pamilya.
Dahil ang problema naman natin ay mababa ang kita ng maraming Pilipino.
At habang nahihirapan ang mga magulang…
may mga therapists naman na napipilitang magtrabaho sa ibang bansa para mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang pamilya.
At naiintindihan ko rin sila.
Dahil may mga pangarap din silang gustong abutin.
May pamilya rin silang binubuhay.
Kapag mas marami pang therapists ang umalis…
mas kakaunti ang matitira.
Kapag mas kakaunti ang matitira…
mas tataas ang demand.
At kapag mas mataas ang demand…
posibleng mas tumaas pa ang presyo ng therapy.
So where is the hope?
The hope is that more people are becoming aware.
Mas maraming therapists ang nagtetrain.
Mas maraming organizations ang tumutulong.
Mas maraming pamilya ang nagsasalita tungkol sa autism at special needs.
At habang mas maraming tao ang pumapasok sa field na ito, mas maraming batang matutulungan.
Pero gusto ko ring sabihin ito sa mga magulang:
Alam kong minsan pakiramdam mo puro gastos.
Assessment.
Therapy.
Check-up.
Transportation.
Materials.
At parang walang katapusan.
Pero subukan nating tingnan ito sa ibang perspektibo.
Hindi lang ito gastos.
Ito ay tulong.
Ito ay investment.
Ito ay pagmamahal.
Dahil sa bawat session na pinupuntahan mo…
sa bawat oras na inilalaan mo…
sa bawat sakripisyong ginagawa mo…
sinasabi mo sa anak mo:
“Mahal kita.”
At handa akong gawin ang lahat ng makakaya ko para matulungan ka.
At kung pagod ka na…
I want you to know this:
Nakikita ng anak mo ang pagmamahal mo.
At balang araw…
maiintindihan din niya ang lahat ng sakripisyong ginawa mo para sa kanya.