21/08/2026
Ikatlong Linggo ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan
Masiglang ipinagdiwang ng Tacalan Elementary School ang ikatlong linggo ng Buwan ng Wika at Kasaysayan sa pamamagitan ng iba’t ibang gawaing nagpapahalaga sa kulturang Pilipino.
Tampok sa mga gawain ang pagsusuot ng mga etnikong kasuotan, Poster Making Contest, at Patimpalak sa Lutong Pinoy na inihanda at sinuportahan ng mga magulang ng bawat baitang. Sa pamamagitan ng mga aktibidad na ito, naipamalas ng mga mag-aaral at kanilang mga magulang ang pagmamahal at pagpapahalaga sa ating kultura, wika, at kasaysayan.
Patuloy na isinusulong ng Tacalan Elementary School ang diwa ng pagkakaisa at pagmamalaki sa pagiging Pilipino.