DepEd - Muzon Harmony Hills High School - 307512

DepEd - Muzon Harmony Hills High School - 307512 Official FB page of Muzon Harmony High School, a public secondary school under Department of Education

10/08/2026

📣

ADM pa rin sa The Rising City, mga anak!

Dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng habagat, SUSPENDIDO pa rin ang face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS ng mga pampubliko at pribadong paaralan bukas, Martes, August 11, 2026.

Habang nananatiling banta ang masamang panahon, ang kaligtasan ng bawat kabataang San Joseño ang ating pangunahing prayoridad. Bilang pag-iingat, pansamantala munang ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning upang tuloy-tuloy pa rin ang pagkatuto sa inyong mga tahanan.

Mga anak, hangga’t maari ay huwag lumabas kung hindi naman kailangan at manatili na lamang muna sa inyong tahanan at tumulong sa mga gawaing bahay.

Abangan ang mga susunod na opisyal na anunsyo at abiso mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa ating mga official pages.

Mag-ingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseño! 🧡







09/08/2026

sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng San Jose del Monte at buong Bulacan bukas, Lunes, August 10, 2026 dahil pa rin sa tuloy tuloy na pag-ulang dulot ng Habagat.

Ito ay upang masig**o ang kaligtasan ng lahat at batay na rin sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Lagi nating unahin ang kaligtasan ng lahat. Manatiling alerto at updated sa mga susunod na abiso ng inyong pamahalaang lungsod.

‘Wag na po tayong lumabas muna ng bahay hangga’t maari at kung kinakailangan, agad na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang tanggapan para sa anumang tulong o emergency.

Stay safe, San Joseños!







PABATID SA LAHAT!Base sa MEMORANDUM CIRCULAR NO. 122 na inilabas mula sa Office of the President, kanselado lahat ng tra...
05/08/2026

PABATID SA LAHAT!

Base sa MEMORANDUM CIRCULAR NO. 122 na inilabas mula sa Office of the President, kanselado lahat ng trababo sa pamahalaan at klase sa lahay ng antas sa iba't ibang bahagi ng bansa na nakararanas ng pagulan na dulot na Bagyong Maymay partkular na sa buong Lalawigan ng Bulacan.

05/08/2026

📣

ADM pa rin sa The Rising City, mga anak!

Dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong , SUSPENDIDO ang klase sa LAHAT NG ANTAS sa pampubliko at pribadong paaralan bukas, Huwebes, August 6, 2026.

Habang hindi pa humuhupa ang sama ng panahon, pansamantala munang ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning upang tuloy-tuloy pa rin ang inyong pagkatuto mula sa inyong mga tahanan.

Mga anak, mas mahalaga ang inyong kaligtasan, kaya manatili muna kayo sa loob ng bahay at iwasan ang paglabas hangga’t hindi kinakailangan.

Abangan ang mga opisyal na anunsyo at abiso mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa ating mga official pages.

Mag-ingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseño! 🧡







ANUNSYO NG PAGKANSELA NG KLASE/PASOK SA HAPONDahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan at masamang panahon dulot ng Bagyon...
05/08/2026

ANUNSYO NG PAGKANSELA NG KLASE/PASOK SA HAPON

Dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan at masamang panahon dulot ng Bagyong Maymay, ipinapaalam sa lahat na kanselado ang pasok (Face to Face Classes) ng mga panghapon ngayong araw at magshishift sa Alternative Delivery Mode.

Ang desisyong ito ay alinsunod sa opisyal na anunsyo mula sa Tanggapan ng Punong Lungsod, Mayor Florida P. Robes, bilang pag-iingat para sa kaligtasan ng lahat laban sa posibleng pagbaha, malalakas na pag-ulan, at iba pang panganib na maaaring idulot ng bagyo.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas, subaybayan ang mga susunod pang abiso mula sa lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensya, at iwasan ang mga lugar na maaaring bahain o mapanganib.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa at pakikiisa.

🎉 CONGRATULATIONS AND WELCOME TO MUZON HARMONY HILLS HIGH SCHOOL! 🎉The entire MHHHS Family extends its warmest welcome t...
03/08/2026

🎉 CONGRATULATIONS AND WELCOME TO MUZON HARMONY HILLS HIGH SCHOOL! 🎉

The entire MHHHS Family extends its warmest welcome to our newly appointed Teacher I!

We are thrilled to have you join our dedicated roster of educators. May your journey with us be filled with meaningful teaching experiences, growth, and inspiring moments with our learners.





📢 PABATID SA LAHAT!Batay sa inilabas na kautusan mula sa tanggapan ng ating Punong Lungsod, Mayor Florida P. Robes, buns...
02/08/2026

📢 PABATID SA LAHAT!

Batay sa inilabas na kautusan mula sa tanggapan ng ating Punong Lungsod, Mayor Florida P. Robes, bunsod ng patuloy na maulang panahon, ang ating paaralan ay magpapatupad ng Alternative Delivery Mode (ADM) bukas, Agosto 3, 2026.

Layunin ng hakbanging ito na maipagpatuloy ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral habang tinitiyak ang kanilang kaligtasan at kapakanan sa gitna ng nararanasang masamang panahon.

Inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral at mga magulang na makipag-ugnayan sa mga g**o para sa mga kaukulang gawain at tagubilin.

Mag-ingat po tayong lahat at manatiling ligtas.

Maraming salamat.


📢 PAALALA MULA SA MUZON HARMONY HILLS HIGH SCHOOLSA PAG-IWAS SA DENGUE!Magandang araw, mga mag-aaral, magulang, at kawan...
28/07/2026

📢 PAALALA MULA SA MUZON HARMONY HILLS HIGH SCHOOL
SA PAG-IWAS SA DENGUE!

Magandang araw, mga mag-aaral, magulang, at kawani ng Muzon Harmony Hills High School.

Nais naming paalalahanan ang lahat na maging mapagmatyag at makiisa sa pagpigil sa pagkalat ng dengue, isang sakit na dulot ng kagat ng lamok na Aedes aegypti.

Everyone Belongs at MHHHS! Muzon Harmony Hills High School is proud to join the nation in celebrating 48th National Disa...
21/07/2026

Everyone Belongs at MHHHS!

Muzon Harmony Hills High School is proud to join the nation in celebrating 48th National Disability Rights Week (July 17–23, 2026)! 🇵🇭

We are committed to giving every learner the support and opportunity they need to succeed. Let’s continue to break barriers and champion inclusion for all!




Maligayang Kaarawan, Secretary Sonny Angara!Mula sa buong pamilya ng Muzon Harmony Hills High School, aming taos-pusong ...
15/07/2026

Maligayang Kaarawan, Secretary Sonny Angara!

Mula sa buong pamilya ng Muzon Harmony Hills High School, aming taos-pusong binabati kayo sa inyong espesyal na araw.

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at gabay sa inyong marangal na paglilingkod para sa edukasyon at sa sambayanang Pilipino. Maraming salamat sa inyong dedikasyon at pagsisikap na mapaunlad ang kalidad ng edukasyon para sa bawat mag-aaral at g**o sa ating bansa.

Hangad namin ang inyong patuloy na tagumpay, kaligayahan, at inspirasyon sa pagtupad ng inyong mga adhikain para sa mas maliwanag na kinabukasan ng kabataang Pilipino.

Maligayang Kaarawan po, Sec. Sonny Angara!
Nawa’y maging puno ng biyaya, pagmamahal, at tagumpay ang inyong bagong taon ng buhay.

Address

Blk 2, Australia Street, Harmony Hills I Subdivision, Bgry. Muzon South
Bagumbong
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639511883419

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd - Muzon Harmony Hills High School - 307512 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd - Muzon Harmony Hills High School - 307512:

Shortcuts

Share