Some of our fun games 🥳
Mahad Luzon Al-Islami Center, Inc
Mahad Luzon Al-Islami is a Center for the Muslim Children located at 112Pinewood, Crystal Cave, Baguio City
09/12/2025
2nd Musabaqah Ilmiyyah (Wassiyah, Azan, Qaseedah, Nasheed)
December 7,2025
Luzon Al-Islami Center
09/12/2025
Alhamdulillah, matagumpay na naisagawa ang ating Madrasah Intramural noong Disyembre 6-7 na ginanap sa Melvin Jones at sa ating mahal na madrasah, ang Mahad Luzon Al-Islami Center. Tunay na ito ay naging isang makabuluhang kaganapan na nagbigay ng saya, pagkakaisa, at paglago sa ating mga mag-aaral.
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakibahagi at tumulong upang maisakatuparan ang programang ito:
Sa administrasyon, g**o, at staff ng madrasah, na walang sawang gumabay at nagbigay ng suporta sa bawat bahagi ng programa.
Sa mga mag-aaral, na buong siglang lumahok at ipinakita ang kanilang talento, disiplina, at sportsmanship.
Sa mga magulang at tagasuporta, na nagbigay ng tiwala, pag-intindi, at patuloy na pag-agapay sa ating mga gawain.
Sa mga organizers at volunteers, na naglaan ng oras, lakas, at dedikasyon upang maging maayos at matagumpay ang bawat aktibidad.
Ang ating pagsasama-sama at pagtutulungan ay patunay na ang Mahad Luzon Al-Islami Center ay hindi lamang paaralan, kundi isang pamilya na nagkakaisa para sa ikabubuti at ikauunlad ng atin pong mga kabataan.
Nawa’y patuloy tayong pagpalain ni Allah (SWT) at bigyan ng lakas at inspirasyon upang mas pagandahin pa ang mga darating nating programa.
Jazakumullahu khayran sa inyong lahat.
05/12/2025
Assalamu alaikum wa rahmatullahi wa barakatuh!
Ipinapaalam namin na ang Intramurals ng ating Madrasah ay gaganapin sa Sabado, Disyembre 6, 2025, sa Melvin Jones, Lungsod ng Baguio.
🕖 Oras ng Pagpupulong: 7:00 AM
📍 Lugar: Melvin Jones Grounds, Baguio City
Inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral, at mga g**o na makiisa sa isang araw ng pagkakaisa, paligsahan, at masayang gawain. Mangyaring dumating nang maaga at magsuot ng angkop na kasuotang napagkasunduan
Gawin natin itong isang makabuluhan at masayang kaganapan para sa lahat.
Magkita-kita tayo doon, in shaa Allah!
18/11/2025
📚 Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh!
Nalalapit na ang ating 3rd Grading Examination ngayong Nobyembre 22–23, 2025 sa Mahad Luzod Al-Islami Center. Nawa’y paghandaan natin ito nang may sinseridad, disiplina, at pagtitiwala kay Allah. Ito ay isang magandang pagkakataon upang maipakita ang ating natutunan sa buong 3rd grading at mapalalim pa ang ating kaalaman sa pag-aaral sa Islam in sha Allah.
🌙 Nawa’y pagkalooban ni Allah ang lahat ng mag-aaral ng malinaw na pag-iisip, matatag na memorya, at tagumpay sa pagsusulit.
🤲 Nawa’y gantimpalaan Kayo ni Allah sa inyong pagsisikap at gabayan kayo sa bawat hakbang ng inyong pag-aaral.
Para sa lahat ng estudyante:
Mag-aral nang mabuti, magpahinga nang sapat, at harapin ang pagsusulit nang may kumpiyansa at tawakkul (pagtitiwala kay Allah).
Narito ang Schedule ng ating Exam sa bawat baitang.
08/11/2025
Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh 🌧️
Magandang araw po sa lahat! Ipinapaalam namin na walang pasok bukas, Linggo, Nobyembre 09, 2025, dahil sa masamang panahon na dulot ng paparating na bagyo.
Para sa kaligtasan ng lahat - mga mag-aaral at mga Ustadh/Ustadha - manatili po muna tayo sa bahay, mag-ingat sa malakas na ulan at hangin, at patuloy na manalangin kay Allah ﷻ na ilayo tayo sa anumang kapahamakan.
In shaa Allah, magkita-kita tayong muli kapag maayos na ang panahon.
Jazakumullahu khayran! 🤲
07/11/2025
Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh 🌧️
Ipinababatid po na walang pasok bukas, Sabado, Nobyembre 08, 2025.
Ito ay alinsunod sa deklarasyong suspensyon ng klase dahil sa paparating na bagyo na inaasahang papasok sa bansa. Ito ay para sa kaligtasan ng lahat ng ating mga mag-aaral at mga Ustadh/ Ustadha.
Manatili po tayong alerto, mag-ingat sa malakas na ulan at hangin, at patuloy na magduah kay Allah ﷻ para sa ating kaligtasan.
Jazakumullahu khayran. 🤲
01/10/2025
21/09/2025
Assalamu Alaykom wa rahmatullah wa barakatuhu
Improtant Announcement to all📢
Ayon sa derektiba ng ating Principal, Moder, President ng Mahad ay Half day po ang klase ngayong araw (Sunday, Sept 21, 2025)
Mangyaring ang mga magulang na may anak na sinusundo ay sunduin na ang kanilang mga anak.
Note: naging ipektibo ang Announcement na ito dahil sa inaasahang bagyo na darating.
و الله ولي التوفيق و السداد
16/09/2025
Taos-Pusong Pasasalamat sa Tagumpay ng Ating Musabaqah 'Ilmiyyah at Riyadhiyyah
Ma’had Luzon Al-Islami Center
Alhamdulillah!
Buong puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng tumulong at nakiisa upang maging matagumpay ang katatapos lamang na Musabaqah 'Ilmiyyah at Riyadhiyyah dito sa Ma’had Luzon Al-Islami Center.
Ang kaganapang ito ay patunay ng ating pagkakaisa at pagsusumikap na linangin ang kaalaman, disiplina, pagkakapatiran, at kalusugan ng katawan ayon sa mga aral ng Islam.
Sa aming mga mahal na g**o, tagapag-organisa, mga boluntaryo, magulang, at mga kalahok—maraming-maraming salamat po sa inyong tiyaga, oras, at walang sawang suporta.
Nawa’y gantimpalaan kayo ni Allah ﷻ ng pinakamabuting gantimpala dito sa mundo at higit sa lahat, sa Kabilang Buhay.
Sa ating mga mag-aaral at kalahok—binabati namin ang lahat ng nanalo, at higit pa roon, ang lahat ng lumahok na may kasipagan, kababaang-loob, at magandang asal. Kayo ay tunay na mga panalo sa paningin ni Allah ﷻ kung kayo ay nagsumikap nang may sinseridad.
Patuloy po nating isabuhay ang mga pagpapahalagang Ihsan (kahusayan), Wahdah (pagkakaisa), at Ikhlas (katapatan sa layunin) sa lahat ng ating gawain para sa ikalulugod ni Allah ﷻ.
Jazakumullahu khayran,
At nawa’y pagkalooban pa tayo ni Allah ng mas maraming ganitong pagkakataon upang magtagumpay at magkaisa bilang isang Ummah—matatag sa kaalaman at sa mabuting asal, in shaa Allah.
16/09/2025
🌟 Alhamdulillah! Matagumpay na Musabaqah sa Mahad Luzon Al-Islami Center 🌟
Taos-puso po kaming bumabati at nagpapasalamat sa lahat ng mga estudyante, g**o, at mga tagapag-organisa sa matagumpay na pagdaraos ng ating Musabaqah Program sa Mahad Luzon Al-Islami Center.
Ang programang ito ay binubuo ng dalawang mahalagang bahagi:
📚 Musabaqah ‘Ilmiyyah (Paligsahang Pangkaalaman)
Isang pagkakataon kung saan ipinamalas ng ating mga estudyante ang kanilang kaalaman sa iba't ibang asignaturang Islamiko — mula sa pagmememorya ng Qur'an, tafsir, fiqh, hadith, hanggang sa wikang Arabe. Tunay na kahanga-hanga ang kanilang dedikasyon at malalim na pag-unawa sa kanilang pag-aaral ng Islam.
⚽ Musabaqah Riyadhiyyah (Paligsahang Pampalakasan)
Hindi rin matatawaran ang ipinakitang diwa ng pagkakaisa, disiplina, at magandang pakikipagpaligsahan sa mga aktibidad pampalakasan. Ang mga laro ay naging daan upang mapalakas hindi lamang ang katawan, kundi pati ang samahan ng bawat isa — ayon sa turo ng Islam na mahalaga ang malusog na katawan at isipan.
💫 Sa pamamagitan ng programang ito, pinagtitibay natin ang layunin na hubugin ang mga estudyante na may balanseng kakayahan sa larangan ng diin at dunya — may malalim na pananampalataya at matibay na pang-unawa.
Nawa'y tanggapin ni Allah ﷻ ang ating mga pagsisikap, pagpalain ang ating kaalaman, at patuloy tayong gabayan tungo sa tagumpay sa dalawang buhay.
Jazakum Allahu Khayran sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maisakatuparan ang programang ito!
09/09/2025
📣 ANNOUNCEMENT: MUSABAQAH PROGRAM 2025 📣
Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh!
Ma’had Luzon Al-Islami Center is pleased to invite everyone to our Musabaqah Program a blessed gathering of knowledge, unity, and Qur’anic excellence!
🗓 Date: Saturday, September 13, 2025
📍 Venue: Ma’had Luzon Al-Islami Center, Crystal Cave, Baguio City
🕘 Time: Program starts promptly at 8:00 AM in shaa Allah
Let us support our students and be part of this memorable day!
Barakallahu feekum.
– Ma’had Luzon Al-Islami Center Administration
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the school
Website
Address
#112 PINEWOOD Street , CRYSTAL CAVE, PUROK 2, BAKAKENG CENTRAL, BAGUIO CITY, BENGUET, PH
Baguio City
2600
Opening Hours
| Saturday | 7:30am - 3:30pm |
| Sunday | 7:30am - 3:30pm |