16/07/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐)
Handog ang pangako ng sariling determinasyon, awtonomiya, at lupaโt kabuhayan, noong Hulyo 15, 1987, nilagdaan ng nooโy Pangulong Corazon Aquino ang Executive Order No. 220, o ang kautusang bumuo sa ngayoโy tinatawag na Cordillera Administrative Region (CAR). Itinadhana ng EO na ito ang pagkakabuo ng isang administratibong rehiyon para sa mga katutubong naninirahan sa Kordilyera โ ang kasalukuyang mga lalawigan ng Abra, Apayao, Kalinga, Ifugao, Mt. Province, at Benguet. Sampung buwan naman bago nito, noong Setyembre 1986, nakipagtagpo ang kampo ni Padre Conrado Balweg, lider ng huwad na armadong pakikibaka para sa awtonomiya mula sa Abra, sa administrasyong Aquino. Dito nailatag ang isang โkasunduang pangkapayapaanโ na nagbigay-daan sa pagtatalaga ng โawtonomiyaโ sa Kordilyera. Tunay naman ito sa diwa ng Saligang Batas ng 1987 โ binanggit sa Section 15, Article X ang isang legal na balangkas para sa awtonomiyang panrehiyon. Subalit isang katanungan ang patuloy na nananaig sa mga kabundukan: โ๐ง๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป๐ผ๐บ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ธ๐ผ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐๐๐ฅ?โ
Nakaukit na sa kasaysayan ng Kordilyera ang diwa ng mga naninirahan dito bilang mga taong hindi basta-bastang nagpapatinag sa sindak ng dominanteng sistema. Kayang tumindig at lumaban para sa lupa, buhay, at karapatan โ ito ang ipinamalas ng mga katutubong lider kagaya na lamang ni Macli-ing Dulag, isang pangat o katutubong pinunong pinaslang noong panahon ng diktaduryang Marcos. Emblematiko at siyang tunay na kapuri-puri ang dangal ng kanilang mga ipinaglaban; subalit, ang nakakalungkot, ang mga kondisyong kanilang binuwisan ng buhay upang kawalan ay sumasalamin pa rin sa kalagayan ng kasalukuyan. Kahindik-hindik na paglabag ng mga karapatang pantao, patuloy na pagbulusok sa kahirapan dahil sa kapabayaan ng pamahalaan, at institusyonal na karahasan mula sa pasistang militar ay ilan lamang sa mga isyung kinahaharap ng mga taga-Kordilyera.
Kung kaya siyang tunay namang nakapagtataka kung nasaan na ang salitang โadministratiboโ sa Cordillera Administrative Region. Bagaman may mga mekanismong nailatag para sa representasyon ng mga sektor ng rehiyon sa mga unang taon ng CAR, unti-unti ring naglaho ang mga ito na parang bula. Ang mas nakakabalintuna pa rito ay ang kawalan ng sapat na suporta ng nasyonal na pamahalaan sa rehiyon, gaya na lamang ng kalidad na mga serbisyo at pagpopondo. ๐๐๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ด๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ธ๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ฎ, ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป๐ผ๐บ๐ถ๐๐ฎ, ๐ฎ๐ ๐น๐๐ฝ๐ฎโ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ถ๐๐ผ?
Sa pagsaliksik at paglubog natin sa tunay na kondisyon ng Kordilyera, maaaninag natin ang mga pangakong napako mula sa pagkasilang pa lamang ng Cordillera Administrative Region. Kung kaya, ๐บ๐ฎ๐ถ๐ด๐๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฆ๐ฆ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐ฎ๐ ๐๐ฆ๐ฆ ๐๐ผ๐ฎ๐ฟ๐ฑ ๐ผ๐ณ ๐๐ฐ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐บ๐ถ๐ฐ ๐ข๐ฟ๐ด๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ (๐๐ฆ๐ฆ ๐๐ข๐๐ข) ๐ป๐ฎ ๐ต๐๐๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ธ๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป๐ผ๐บ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐น๐น๐ฒ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฑ๐บ๐ถ๐ป๐ถ๐๐๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป. Ito ay isang malaking insulto at panlilinlang sa tunay na karanasan ng mga katutubong taga-Kordilyera, ang karanasan ng pagdurusa at panlalamang sa kanila ng kasalukuyang sistema. Sa loob ng tatlumpuโt siyam na taon ng pagkakatatag ng CAR, ang mga kampanya para sa lupa, buhay, at karapatan ay patuloy na nananatiling mailap sa pagkapanalo โ sa halip, ang kalagayan ng mga katutubo ay mas lalo pang lumubog.
Nakakalungkot isipin na ang kayamanan ng Kordilyera mula sa luntian nitong mga bulubundukin hanggang sa mapagbigkis nitong kultura ay hindi naipagtatanggol nang tunay at maayos. Mahaba na ang panahon at kasaysayang tiniis ng ating mga katutubo para sa pangangalaga ng kanilang pamayanan, pagkakakilanlan, at kabuhayan. Hindi baโt panahon na rin upang bigyan sila nang buhay na karapat-dapat nilang matamasa? ๐๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐ต๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฆ๐ฆ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐ฎ๐ ๐๐ฆ๐ฆ ๐๐ข๐๐ข โ ๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐บ๐ถ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ถ๐ด๐๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป๐ผ๐บ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฟ๐ฒ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐น๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ.
Nagkakaisa naming tinatawag ang pambansang pamahalaan para sa ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐น๐ถ๐ธ-๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฒ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐บ๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐น๐น๐ฒ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฑ๐บ๐ถ๐ป๐ถ๐๐๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป, ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐๐๐ป๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป๐ผ๐บ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐๐๐๐ฏ๐ผ ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฒ๐ต๐ถ๐๐ผ๐ป. Sa pamamagitan nito, ang representasyon ay hindi na lamang pakitang-tao. Ang mga kaalaman, kalakaran, at kasanayang taglay ng mga katutubo ang pinakaangkop sa paglutas ng mga suliranin sa rehiyon. ๐ง๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ฑ๐ถ๐ป ๐ป๐ฎ๐บ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐น๐ผ๐ธ๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐น๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป๐ผ๐บ๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฒ๐ต๐ถ๐๐ผ๐ป. Sa pamamagitan ng pag-alam sa sentimyento, kolaborasyon, at pakikipag-usap sa mismong mga katutubo, nalalaman natin ang tunay nilang mga pangangailangan na malulutas nang maigi sa ilalim ng ganap na awtonomiya. At siyempre, ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ผ๐ป๐๐ฒ๐ป๐๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐น๐๐ฝ๐ฎ๐ถ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐๐ถ๐ฟ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐๐น๐๐ฏ๐๐ป๐ฑ๐๐ธ๐ถ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐น๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ, ๐บ๐ฎ๐ ๐ด๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป ๐ฑ๐ถ๐ป ๐๐ฎ๐๐ผ ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ด๐ถ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ผ โ ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐.
_______________________________________
Mga Batis:
Bantayog ng mga Bayani Foundation. 2023. โMacli-ing Dulag.โ Accessed July 14, 2026. https://bantayogngmgabayani.org/bayani/macli-ing/.
Cawis, Redjie Melvic. 2025. โLocal leaders, CORDS renew call for regional autonomy, inclusive progress in Cordillera.โ Philippine Information Agency, July 21. https://pia.gov.ph/news/local-leaders-cords-renew-call-for-regional-autonomy-inclusive-progress-in-cordillera/.
Dumlao, Artemio. 2026. โPalace declares July 15 as Cordillera holiday.โ Philstar Global, June 29. https://www.philstar.com/nation/2025/06/29/2454261/palace-declares-july-15-cordillera-holiday.
The Kahimyang Project. 2025. โJuly 15, 1987: the Cordillera Administrative Region was Established.โ Accessed July 14, 2026. https://kahimyang.com/articles/3206/today-in-filipino-history-july-15-1987-the-cordillera-administrative-region-was-established.
Rikefurstein.com. 2026. โConrado Balweg: Father of the Cordillera Administrative Region | Igorotage.โ Wordpress. Accessed July 14, 2026. https://www.rikefeurstein.com/blog/conrado-balweg-father-of-the-cordillera-administrative-region-igorotage-3.