28/08/2026
OFFICIAL STATEMENT FROM DOJO KAIZEN 2600
Nakarating sa aming kaalaman ang isang insidente ng pambubully at pananakit na iniuugnay ngayon sa Dojo Kaizen 2600.
Nais naming linawin na ang mga indibidwal na sangkot sa insidente ay hindi opisyal na miyembro, regular students, o homegrown athletes ng Dojo Kaizen 2600. Pansamantala lamang silang pinayagang maki-cross-train sa aming pasilidad matapos makiusap ang kanilang coach. Tinanggap namin sila bilang pakikisama at suporta sa kapwa martial artists.
Mariing kinokondena ng Dojo Kaizen 2600 ang bullying, pananakit, at anumang paggamit ng martial arts upang manakot o manakit ng kapwa. Ang martial arts ay dapat nagtuturo ng disiplina, respeto, pagpipigil sa sarili, at responsibilidad—hindi karahasan sa labas ng tamang training o kompetisyon.
Ang sinumang mapatunayang sangkot sa naturang insidente ay hindi na papayagang magsanay o pumasok sa aming dojo. Maghihigpit na rin kami sa pagtanggap ng visiting athletes at cross-training requests upang mapangalagaan ang kaligtasan at reputasyon ng aming mga lehitimong miyembro.
Nakikiusap din kami sa publiko na huwag idamay, pangalanan, o ipakalat ang mga larawan at mukha ng aming mga estudyanteng walang anumang kinalaman sa insidente. Hindi makatarungang madamay ang mga inosenteng atleta dahil lamang nakasama sila sa isang larawan o training session.
Handa kaming makipagtulungan sa mga kinauukulang awtoridad para sa patas at maayos na imbestigasyon.
Dojo Kaizen 2600 stands for discipline, respect, accountability, and responsible martial arts.
— Management of Dojo Kaizen 2600