11/05/2021
Taos pusong sinusuportahan ng Organisasyon ng Timog Katagalugan sa Unibersidad ng Pilipinas Baguio si Anna Katrine "Kat" Vitor bilang kinatawan ng Kolehiyo ng Sining at Komunikasyon sa paparating na eleksyon ng UPB USC 2021.
Isa si Kat sa mga punong tagapagtatag ng organisasyon at ang kanyang mga kontribusyon at pangunguna ang siyang nagbigay daan upang mabuo ang organisasyon. Saksi ang organisasyon sa kakayahan ni Kat na mag-organisa at maging isang lider-estudyante. Dahil dito, hinihingi namin ang suporta ng mga kapwa estudyante mula sa CAC na iboto si Kat Vitor bilang kanilang kinatawan.
CALABARZON sa Habang Panahon!