23/08/2026
BALITA | 𝐀𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐭𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠, 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐠𝐩𝐚𝐠 𝐬𝐚 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 5-𝐀 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥𝐬 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐬 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞
Namayagpag ang ANG LUNTIANG PARANG sa isinagawang District 5-A Schools Press Conference sa Ramon Torres Taloc National High School nitong ika-22 ng Agosto.
Upang makapili ng mga kalahok na kakatawan para sa nalalapit na pandibisyong paligsahan sa pamamahayag, limang paaralang pansekundarya sa District 5-A ang lumahok, kabilang ang mga mag-aaral mula sa Junior High School (JHS) at Senior High School (SHS), na kinabibilangan ng RTSagasaNHS, RTAtipuluanNHS, RTDulaoNHS, RTMalinginNHS, at RTTalocNHS.
Laban sa apat (4) na paaralan, nagwagi ang RTDNHS sa iba't ibang kategorya, kung saan ang mga mamahayag ng Ang Luntiang Parang ay nagkamit din ng parangal sa iba't ibang puwesto.
Pagsulat ng Balita:
Cher Pauline Paulino - 2nd Place
Pagsulat ng Balitang Isports:
Jairus Illosorio - 5th Place
Pagsulat ng Editoryal:
Alisson Dawn Dorio - 3rd Place
LJ Tobongbanua - 2nd Place
Pagsulat ng Lathalain:
Cherry Rose Tumbiga - 4th Place
Alicia Shane Castillo - CHAMPION
Photojournalism:
Darwin Libo-on - 4th Place
Ninya Emilia - 3rd Place
Khazy Dequilla - 2nd Place
Pagsulat ng Kolum:
Zoie D. Cosio - 3rd Place
Princess V. Cardines - CHAMPION
Mga Partisipante:
Jay Senarosa
Cassandra Fuyonan
Cleo Ann Grace Espino
Edmundo Durato
Ang mga nagwagi ang syang aasahang lalahok para sa nalalapit na pandibisyong paligsahan sa pamamahayag.
Ang mga panalong ito ang nagsilbing inspirasyon sa mga batang mamahayag—nagwagi man o hindi—na patuloy na magsikap at matuto hindi lamang para sa mga kompetisyon, kung hindi para rin sa katotohanan.
✍️: Cher Pauline Paulino
📸: Khazy Dequilla